chapter 1

5.2K 63 7
                                    

      Bumuntung-hininga ako bago ako pumasok sa gate ng Junifer and Abbey’s Academy, ang exclusive school na pinapasukan ko dito sa Baguio. Third year highschool na ako dito pero hanggang ngayon wala pa rin akong kaibigan. Loner pa rin ako. Hindi naman kasi talaga ako taga-Baguio. Sa Quezon City ako ipinanganak at lumaki. Nung nag-graduate ako sa elementary ay lumipat ang pamilya namin dito and sa Junifer and Abbey’s ako pumasok ng highschool. Naiwan ko lahat ng friends ko sa Quezon City. Di naman sila karamihan pero at least may friends ako dun. Eh dito wala kahit isa. Hindi kasi ako mag-fit in kasi ewan ko ba. Parang feeling ko ang gaganda ng mga estudyante dito ako lang yata ang ordinary-looking. Hindi naman ako panget pero di rin naman ako kagandahan. Hindi rin ako bobo pero hindi rin naman ako gaanong matalino. Kung baga eh lahat sa kin average…from my looks to my talents. Sino ba naman ang maa-attract sa isang very average person na kagaya ko di ba?

          Dumaan ako sa school lawn bilang short cut papunta sa Sakura building kung saan nandun ang classroom ko. Nakasabay ko pa sa paglalakad ang Campus Sweethearts. Sila yung pinakapopular na grupo ng mga babae sa school namin. Ang gaganda talaga nila, sobra. Matatalino pa at ang yayaman. Nung naghulog yata ng biyaya ang Diyos gising na gising silang lahat at nagsahod pa ng batya kaya ayun salo nila lahat ng biyaya sa mundo.

         Di man lang ako tiniran.

        Ako? Half-awake lang yata ako nun kaya eto, pati biyaya ko puro kalahati lang din. Buti na lang buo ang mga body parts ko. Aba mahirap na. Eh kung nakatulog ako nun nang tuluyan baka pati katawan ko half lang din. Yak! ang panget. Kalahating braso at hanggang tuhod lang ang meron. O di kaya isang buong braso at isang binti lang para balance pa rin ahaha. Charing! Puro kaabnormalan na naman naiisip ko.  

       “Hi Akiezha,” bati sa kin ni Francine (France for short), isa sa mga Campus Sweethearts. Nginitian naman ako nung mga kasama niya.

           “Ah…h-hello.”

         Yan ang dahilan kung bakit kahit inggit ako to the max sa mga babaing ‘to ay hindi ko naman magawang mainis sa kanila. Ang babait din kasi nila eh. Sila lang yata ang bumabati sa ‘kin. Sino ba namang magagawang mainis sa kanila di ba? Well aside from those inggiterang echos na nakikipag-agawan sa mga manliligaw ng Campus Sweethearts. Ayaw pa kasing aminin na talunan sila. I mean hello? Kung nanliligaw na sa iba aminin mo nang talo ka. Wag ka nang epal.

         Pumasok ako sa classroom na pinasukan nina Francine. Opo, classmate ko sila. Kaya nga nila alam ang pangalan ko eh. Alangan namang hinulaan lang nila yun di ba? Wala silang powers, ako lang meron ako’ng bida dito eh. Ehehe.

          Umupo ako sa pwesto ko dun sa unahan. Gitnang-gitna para kita ko lahat ng lectures. Kailangan ko kasi talaga ng extra effort sa pag-aaral para makakuha man lang ng B or B+ na grade. Pag naka-A ako sa exam tuwang-tuwa na ko nun kasi minsan lang mangyari yun eh. O di ba nga sabi ko average lang ako pati sa talino. Kaya average din mga grades ko.

          Pero di lang ‘yun ang dahilan kung bakit lagi ako sa unahan naupo. Mas gusto ko kasi na yung likod ko na lang nakikita ng mga classmates ko. Sabi nga ni Ryan, ang balasubas na boyfriend ni Hailey (isa sa mga Campus Sweethearts) mas maganda daw kasi ako pag nakatalikod. O ayan, eh di puro likod ko na lang tingnan nila.

           Saka ayoko rin nakikita mga pagmumukha ng mga classmates ko. Hindi naman sa manlalait sila. Di nga nila ako halos pinapansin eh. Kaso lalo akong nai-insecure sa ganda nila. Tapos titingnan ko pa ba sila maghapon? Kailangan ko ng therapy sa insecurity ko noh. At hindi therapy ang makita ko maghapon ang kagandahan ng mga classmates ko. Diyos ko pati mga lalaki mas maganda pa ang kutis sa kin! Hu hu hu.

          “Bakit ba kasi ako ipinanganak na average?”

         “A simple ‘present’ would do miss Deogracia,” sabi ng teacher naming old maid. Tinawag na pala name ko for attendance di ko man lang napansin.

         “Sorry ma’am. Present po,” sabi ko na lang sabay pilit na tawang “ehe he”. Narinig ko pa ang mahinang tawa ng mga classmates ko. Kakahiya tuloy. Inilabas ko na lang ang notebook ko at ballpen at pinakinggan mag-check ng attendance si miss oldmaid para safe. Baka kung ano na naman masabi ko. 

Ang Love Gurung Walang BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon