⇜CHAPTER 14⇝

2.2K 26 6
                                    

            Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa mataas na hagdan papanhik sa front door ng hotel na pagdadausan ng annual ball namin. As everyone and myself have expected wala akong kasama. Syempre hindi ako nakahanap ng boyfriend. At lalong hindi ako nanalo sa bingo ng boyfriend. Wala naman kasing ganon di ba?

            Hinawakan ko yung palda ng gown ko at bahagyang itinaas para hindi ako matisod sa pag-akyat. Simple lang ang gown ko. White na may accent ng yellow gold here and there tapos corset ang pinaka-body niya.  

            Habang humahakbang ako paakyat hindi ko maiwasang mag-isip kung anong sasabihin ko sa mga tao sa loob. I’m sure pagtatawanan nila ako. I’m sure hindi na sila magtitiwala sa mga advice ni Heart. Which means tapos na rin ang career ko bilang manunulat. Manunulat daw eh noh? Charing! But whatever. The point is, kung wala nang naniniwala kay Heart, she would vanish. And I would vanish back to being a nobody.

            Maingat kong pinunasan ng daliri ang isang patak ng luhang nakawala sa kaliwang mata ko. I have to look presentable man lang at hindi magmukhang uber obvious na ninenerbiyos. Napapansin ko yung mga taong lumalampas sa akin (dahil sa kabagalan ko). Halos lahat sila tinitingnan ako pag napapatapat sa akin bago nila ako lampasan. Hindi ko naman sila tinitingnan. Basta diretso lang ako sa pag-akyat mag-isa. Doon lang ako nakatingin sa inaakyatan ko. Mahirap na baka mahulog pa ‘ko. Saka ayokong makita nila kung gaano ako ka-nerbiyos.

            I took a deep breath nuang malapit na ako sa taas. Kinakabahan kasi talaga ako eh. Saka ang taas ng hagdan grabe para akong umaakyat ng bundok. Saka lang ako nag-angat ng paningin nang alam kong ilang hakbang na lang nasa taas na ‘ko. Natigilan pa nga ako nang mag-angat ako ng tingin.

            “Ikaw?” gulat na sabi ko nang makita kung sinong nakatayo sa daraan ko. Si Jeremy. Nakatingin lang siya sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Parang...parang hinihintay niya talaga ako.

            “You look lovely tonight.”

            I blushed pero di ako nagpahalata. Pero sa totoo lang kinikilig ang lelang mo. Ahahahhaa

            “Tonight lang?” sabi ko kunwari. Natawa siya.

            “Syempre araw-araw maganda ka. But I’ve never seen you this lovely before.”

            Shocks! Okay this time hindi ko na napigilan. Feel ko na talagang nag-blush ako. AS IN. Nag-iinit ang mga pisngi ko. Shet naman, Akiezha. Magpaapekto ba sa pangti-trip ni Istorbo. Ang laki na nga ng problema mo papauto ka pa kay Jeremy? Tungerks ka rin eh noh? Tungerks!

            Iiwasan ko na lang sana siya pero bago pa ako nakahakbang naglahad na siya ng kamay. Uuuyyyy...grabe. Feeling girl ako ngayon ahahahhaa. Ano kaya susunod na gagawin niya, hahalikan ang kamay ko? Teka testing natin. ehehhehe

            Inabot ko sa kaniya yung kamay ko kahit merong ilang estudyanteng paakyat din papunta sa entrance ng hotel. Eh baket? Trip ko eh.

            As soon as my hand touched his he gently wrapped his hand around mine tapos marahan siyang yumuko at hinalikan ang kamay ko. GAWD! Grabe na talaga ititch. Nasa fairytale ba ko? Si Cinderella na ba aketch? Pero hindi naman pwede kasi that would mean na si Jeremy ang prince charming ko di ba? Imposible. Si Soshi ang mahal ko eh.

           “Wow. Ilang taon mo ba pinraktis yan?” sabi ko na lang para mabawasan ang awkwardness.

            Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya habang nakatitig sa mata ko. He’s looking so damn handsome. Amputcha nagba-blush na naman tuloy ako. Hay.

Ang Love Gurung Walang BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon