Two days have passed after the whole incident between Soshi and Francine. Marami pang nangyari pagkatapos ng very public “break up” nila. Apparently, maraming problema si Francine and their break up pushed her to her limits. She asked Jacob (who has a bad reputation) to father her baby but changed her mind in the end. Jacob didn’t like the idea and tried to rape her. Good thing Soshi came in time to save her. Kahapon mabilis na kumalat ang balita tungkol doon dahil ipinagkalat ni Jacob ang nangyari first thing in the morning. The thing is he exaggerated and added things to the truth. Jacob claimed that France slept with Soshi which never really happened. (see “Thank God I Found You” chapters 7-9 for the details)
“Hey.”
“Hey,” walang buhay kong balik bati kay Jeremy.
“Si Soshi na naman ba?”
Hindi ako sumagot. Wala talaga kasi akong ganang magsalita. Mas lumala kasi ang pagka-emo mode ko dahil sa mga nangyari. Syempre super sad ako for Soshi. Nasa Dean’s Office na naman kasi sila ngayon dahil sinuntok ni Soshi si Jacob kanina dahil sinisiraan nito sina Francine at Soshi in front of everyone.
Bumuntung-hininga si Jeremy sa tabi ko. Nasa gym kami ngayon. Nandoon uli ako sa usual pwesto ko sa tabi ng entrance ng boy’s locker room kapag nanonood ako ng basketball practice nina Soshi. The only difference is, walang naglalaro ngayon. Nakatunganga ako sa basketball court as if I can see Soshi running around, playing basketball with his teammates. Pero ako lang talaga ang tao dito. That was until Jeremy arrived.
“Akiezha, what happened to them was tragic but you cannot allow yourself to carry their burden.”
“Alam ko.”
“Pero ginagawa mo pa rin.”
“Oo.”
“Akiezha...”
“Like I told you before, Jeremy, mahal ko si Soshi. At wala na akong magagawa doon. Puso ko na ang nagdidikta sa akin, hindi utak ko,” sabi ko sa kaniya sa seryosong tinig. He looked away and stared at the empty court. Nakakunot ang noo niya habang nasa may labi niya ang kaliwang kamay, parang may iniisip.
I know he’s upset but I chose to ignore it.
“You’re stupid, you know that?” parang naiinis na nagrereklamong sabi niya maya-maya.
“I guess I am,” I said in a lower voice.
Hindi na kami nagsalita pagkatapos. I guess we both didn’t know what to say. Basta nakatingin lang kami sa court. Para lang kaming timang na nag-e-emote sa loob ng gym.
“Sige ha uwi na ko,” deklara ko maya-maya sabay tayo.
“Ha? Hindi pa tapos ang klase. Wala pa ngang lunch time uuwi ka na?”
“Eh kahit naman andito ako balewala din. Eto nga oh nasa gym ako ngayon wala sa classroom. Nag-cut class din ako. Ganun din di ba? Kaya uwi na lang ako. At least sa bahay makakapag-emote ako ng maayos.”
Hindi na ako pinigilan ni Jeremy nang umalis ako. Ambilis ng lakad ko. Gusto ko na kasing makauwi agad. Siguro magbabasa na lang uli ako ng mga sulat galing sa fans ni Heart. Or magmumuni-muni sa kwarto habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame na parang yun ang outer space.
BINABASA MO ANG
Ang Love Gurung Walang Boyfriend
Teen FictionWRITTEN: 2012 (approximate); edited 2013 Posible bang maging love guru ang isang taong never pang nagka-boyfriend in her life? Sundan ang tambalang reyna ng mga average at magnanakaw ng pagkain na istorbong palaka, para malaman.