Para akong wala sa sariling natutulala habang naglalakad sa hallway ng Sakura building. Hindi pa rin ako makapaniwalang may first kiss na ‘ko. With Istorbo! Of all people isang mayabang na magnanakaw ng pagkain na walang table manners na matakaw na istorbo ang first kiss ko! Seriously, bakit sya? Pwede namang si Soshi na lang di ba? I mean unattached na naman siya ngayon. And I’m in love with him NOT Jeremy.
Automatic na nagdilim ang mukha ko nang maalala ko si Jeremy.
“That guy! Grrrr...how dare that annoying little scheming monster k-...k-...k-isss me!”
Amputcha! Ni hindi ko maatim sabihing hinalikan niya ako. Nakakasukang banggitin. How dare him steal my first kiss?
“Si Soshi dapat ang first ko eh. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...”
“Hoy babaing malandi.”
“Eh.”
Buset biglang naputol ang pag-e-emote ko. Bakit ba lagi na lang may istorbo pag nag-e-emote ako?
“How dare you kiss MY Jeremy?”
Si maarteng impaktita pala. Bagay talaga sila ni Jeremy, pareho silang istorbo at masama ang ugali.
“Kaninong sinungaling bibig mo naman narinig yan?”
“Hindi ko na kailangang makinig sa usap-usapan sa campus. I was there yesterday. I saw the whole thing,” mataray niyang sagot.
“Eh nakita mo naman pala. Di dapat alam mong si Jeremy ang nanghalik hindi ako. O baka malabo lang mata mo. Salamin gusto mo?”
“Stop being sarcastic, missy. Jeremy was right. May gusto ka sa kaniya.”
“Ano ba? Bingi ka rin ba ha? Hindi mo ba narinig yung pinagsigawan ko kahapon? Si Soshi ang mahal ko.”
“Wala akong pakialam kung ano ang sinigaw mo. Your feelings were clear. You ARE attracted to Jeremy. I’m warning you, bitch. Akin si Jeremy.”
“Retarded ka ba? Di ba sinabi ko na sayong wala akong balak makipag-agawan sayo? Sayo’ng sayo na si Jeremy.”
Tinalikuran ko sya pagkatapos kong magsalita. Nauubos na kasi ang pasensya ko eh. Ang tigas ng ulo. Hirap niyang makaintindi.
Nakakaisang hakbang pa lang ako nang napahinto ako nang di oras. Hawak niya ng mahigpit ang isang bungkos ng buhok ko malapit sa anit. Ang sakit, as in napapangiwi talaga ako. Napaatras pa nga ako pabalik dahil nang nahagip niya ang buhok ko sabay hila pa eh.
“Huwag mong ubusin ang pasensya ko,” mariin niyang sabi. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang kamay niya, hoping na lumuwag kahit konti ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Kaso dang higpit niyang makahawak. Parang may glue yung kamay.
“Ah hindi pa ba ubos ang pasensya mo niyan? So ano masaya ka ng lagay na ‘to,”I said trying to sound like I’m joking/mocking her kahit masakit ang anit ko.
“Missy, you have no idea what I’m capable of,” sabi niya bago marahas na binitiwan ang buhok ko at umalis.
Hinimas-himas ko ang aking anit habang nakatingin sa papalayong impaktita. I can’t believe na naging gf ni Jeremy ang ganoong klaseng babae. Hell! I can’t believe na may lalaking gugustuhing maging girlfriend ang isang katulad niya.
BINABASA MO ANG
Ang Love Gurung Walang Boyfriend
Teen FictionWRITTEN: 2012 (approximate); edited 2013 Posible bang maging love guru ang isang taong never pang nagka-boyfriend in her life? Sundan ang tambalang reyna ng mga average at magnanakaw ng pagkain na istorbong palaka, para malaman.