⇜CHAPTER 6.1⇝

2.1K 25 3
                                    

           Nakangiting pinapanood ko ang mga naglalarong estudyante sa di kalayuan. Puro mga lalaki sila in gym t-shirts and shorts. Nakapangalumbaba pa ko kasi syempre kasama na ang pagde-daydream ko dito. Ahahhaha

            Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Jeremy pero hindi ko sya pinansin. Ni hindi ko sya tiningnan. Concentrated kasi ako masyado sa panonood kay Soshi-mylabs. He’s really adorable.

            Ini-wave ni Jeremy yung kamay nya sa harap ng mukha ko.

            “Ano ba? Istorbo ka ha.”

            “Natutulala ka na naman dyan eh.”

            “So?”

            “Nakakaasar,” nakasimangot na sagot niya.

            “Eh di umalis ka.”

            Tiningnan nya ako ng masama pero hindi ko siya pinansin. I’m in too good of a mood to further the argument.

            I heard him sigh and he looked at the students playing in the campus green area.

            “He already has Francine, you know.”

            “Yeah I know,” I answered without tearing my eyes away from Soshi. He’s playing freesbie with his friends.

            “Pero nagpapakatanga ka pa rin sa kaniya?”

            “Ano bang nagpapakatanga? Humahanga lang naman ako dun sa tao. Masama ba yon?”

            “Hindi. But it’s a waste of time.”

            Natigilan ako. Or rather, tinamaan. Alam ko naman kasi yon eh. Hindi naman ako tanga na gaya ng sinabi niya. Pero ano bang magagawa ko kung kay Soshi ako na-in love? Wala naman akong balak agawin sya kay France. Everybody knows Soshi has eyes only for Francine. Never naman akong umasa na magiging kami. Masakit syempre. First love ko eh. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Kaya sina-satisfy ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa kaniya at pagsuporta pag may laban ang team nila. This might sound so cliché but the truth is, I am really happy kapag happy si Soshi. Pero syempre, hindi ko pa rin maiwasang malungkot kapag naiisip ko na hanggang tingin na lang ako. Na sawi ako sa first love ko.

            “Why don’t you just find someone else?”

            Hindi ako sumagot. Instead, naagaw ang atensyon ko ng pagkakagulo ng mga estudyante sa green area ng campus. I saw what happened. Soshi looked as if he tripped or got out of balance and fell on top of Francine. Medyo may kalayuan ako sa kanila pero alam ko tama ang nakita ng mga mata ko. He kissed her!

            Patakbo akong lumapit sa nagkakagulong mga estudyante. Nagpilit akong makasingit sa kulumpon ng mga nag-uusyoso pero hindi ako makalapit hanggang sa unahan. Lumigid ako hanggang makakita ng spot kung saan makikita ko kung ano’ng nangyayari.

            I saw Soshi first, apologizing like crazy. He’s head low in a deep bow. Then I saw Francine red with anger. She’s yelling at him.

“I don’t need your help.”

“Pero…”

“And stay away from me,” sigaw ni Francinekay Soshi saka tinalikuran ito pero pinigil siya ni Soshi sa braso.

“Hindi ko pwedeng gawin iyon. Girlfriend kita kaya…”

“Soshi, hindi kita boyfriend!”

           Kumunot ang noo ko sa narinig.

“Hindi, girlfriend kita.”

“Hindi! Kahit kailan hindi ako pumayag maging girlfriend mo.”

“Pero iyong pangako mo sa Japan…”

“Was all just a stupid joke.”

Natigilan si Soshi.

“Napaka-naive mo naman kasi. Ang tali-talino mo pero iyon lang hindi mo pa nasakyan. Hindi mo man lang na-realized na niloloko lang kita nang sabihin ko iyon. You are so annoyingly stupid.”

           “Yes. Yes I am.”

Mahina ang boses na lumabas sa bibig ni Soshi. He looked like he finally realized that she’s serious. And that she really did make a fool out of him.

 Soshi stared at Francine for a second then left. Kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa direksyong pinuntahan ni Soshi pero may pumigil sa akin.

“Don’t,” sabi sa akin ni Jeremy habang pigil ako sa kanang braso.

        Helpless na sinundan ko ng tingin si Soshi. Kasunod nya na agad si Hailey na alam naman ng lahat na may gusto rin kay Soshi. I felt a sharp fang pierced through my heart. Kahit sa ganitong pagkakataon wala akong magawa. I want to comfort him but I quickly realized that I don’t have the right to do so. Sino ba naman kasi ako kay Soshi di ba? Magka-klase lang kami. That’s the extent of our relationship.

       I pulled my arm from Jeremy’s hand and ran away, my tears freely flowing from both side of my face.

Ang Love Gurung Walang BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon