chapter 2.2

2.6K 32 7
                                    

              “Hoy. Ano ba? Bakit ba nang-aagaw ka ng payong?”

              Sinubukan kong agawin yung payong ko mula sa kaniya. Kaso wa epek eh. Tangkad niya kasi. Di ko maabot. Kasi syempre, ang reyna ng mga average ay average lang din ang height.

              “Sumasakit na’ng likod ko sa kakayuko. Ang baba ng hawak mo ng payong.”

                 “Eh sa maliit lang ako, ano’ng magagawa ko,” nakalabing sagot ko.

                 “Uminom ka nga ng gatas baka sakaling tumalab.”

                 Inirapan ko lang siya bago ako bumulong ng, “makuba ka sana.”

                “Hoy narinig ko yon.”

                 “O eh ano naman?”

                 “Maldita ka rin talaga noh?”

                 “Sa mga kagaya mo lang.”

              Inagaw ko uli yung payong sa kaniya. Medyo bumaba kasi yung kamay niyang may hawak ng payong kaya nagkaroon ako ng pagkakataon.

                “Oy ano ba? Ako nang maghahawak baka mamaya niyan makuba nga ako nito. Mabawasan pa’ng ka-gwapuhan ko.”

                   I gave him a flat face.

                  “What’s with that expression?”

                   “Wala.”

               Hinayaan ko na siyang maghawak nung payong. Mahirap din namang makipag-agawan sa kaniya. Ang tangkad eh. Saka nababasa lang kami lalo. Kaya ayan sige, hawakan niya hanggang gusto niya. Payungan niya ang reyna ng mga average.

               “O eto nang payong mo,” sabi niya sa kin nung nakarating na kami sa Sakura building. Tapos iniwan niya na ko. Ang bilis ng lakad niya parang may roller blades sa paa. Late na siguro. Hindi man lang nagpasalamat ang palaka.

             Teka. Shet kung late na siya, late na rin ako. Pare-pareho lang naman kasi ang oras ng first period ng lahat ng estudyante dito eh.

               Quack! Quack! Quack!

             Napatigil ako sa paglalakad. Amputcha. Ako ba yun? Parang pato lang ah. Naglakad uli ako.

             Quack! Quack! Quack!

            Ako nga. Shet naman oh. Bakit nag-iingay ng ganito ang sapatos ko? Nabasa lang ng ulan akala mo na nag-transform sila into some madaldal na pato. May ganun? Pati sapatos may powers na mag-ala pokemon. Nag-e-evolve.

            Tumingin ako sa paligid. May mga estudyante pa sa hallway. Nakatingin silang lahat sa kin. Natatawa pa nga yung iba eh. Garapalan. Walang tawang patago. 

            Hay. Naglakad na rin ako. Kapalan na ng mukha. Male-late na ko eh. Baka parusahan na naman ako ni miss oldmaid. Madagdagan pang assignments ko.

             Nung malapit na ko sa classroom namin bigla akong may natisod na kung anong bagay. Na-out of balance ako kasi medyo madulas din yung sahig. Marmol kasi. Ayun tuloy, sadsad ang lola mo sa sahig. Amputcha! Ang sakit ha.

              Lumingon ako nung marinig ko yung malakas na tawa ng grupo ng mga babaing estudyante sa bandang likod ko. Lahat sila nakatingin sa kin.

               “Oh my god. Nakakahiya siya.” Sabi nung isa sa kanila. Maamo ang mukha niya pero kung umasta parang impaktita. Napatingin ako sa suot niyang sapatos. Sure ako yun yung natisod ko.

                  “Hoy impaktita. Sinadya mo yun noh?”

                  “What do you think?” sarkastikong sagot niya.

                   Aba naghahamon. Teka nga.

                Sinubukan kong tumayo kaso nadulas uli ako. This time on my own na. Madulas nga kasi yung sahig eh.

                   Tawanan uli sila.

                  “Subukan mo pang tumawa kungdi bubunutin ko lahat ng ngipin mo,” matapang kong hamon.

                 “Like you can. Ni hindi ka nga makatayo diyan.”

                Hihilahin ko sana yung paa niya na parang si Sadako para matumba rin siya, kaso hindi na umabot yung kamay ko sa binti niya eh. O di ba maldita din ako. Ehehe. Anyway, ayun nga. Hindi ko na siya nahila kasi biglang may humawak sa magkabila kong kili-kili at itinayo ako. Hinarap ko yung tumulong sa kin para magpasalamat kaso pagharap ko sa kaniya, natulala na lang ako.

                 Shet! Si Soshi my-labs!

                Dumukot siya sa bulsa ng black trouser niya tapos inabot niya sa kin yung panyong kinuha niya doon.

                “Pangpunas mo ng palda mo saka braso,” malumanay niyang sabi.

               Lalo akong natulala at nagningning ang mga mata habang nakatitig sa mga chinitong mata ni Soshi.

                 Shet! Totoo ba ‘to? Somebody pinch me.

                 “Ayaw mo?” tanong niya. He has that confused, innocent expression on his face. Part of his charm he he.

                 Natauhan naman ako.

              “H-ha? Hindi gusto ko.” Inabot ko na agad yung panyo. Baka magbago pa ang isip niya, saying naman ang pagkakataon.

                 “Thank you.”

               “No problem,” sagot ni Soshi bago niya ako hinawakan sa kanang braso at inalalayan papunta sa room namin.

            Sheeeetttt!!!! Ang bongga ng araw ko. Nai-inlove akong lalo. Ahahaha. Prinsesa ang peg ng reynang palaka.

                   Lumingon pa ko dun sa mga babaitang impaktita tapos binelatan ko sila bago ako pumasok sa room namin. I’m sure may part two, three, four hanggang one hundred ang naunsyaming war scene namin ng mga impaktita. Pero okay lang. Keribels ko ‘to kasi full power na ang level ng energy ko dahil kay Soshi my-labs.

Ang Love Gurung Walang BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon