⇜CHAPTER 11⇝

1.9K 21 2
                                    

            7 DAYS UNTIL THIS YEAR’S MUCH AWAITED JUNIOR-SENIOR BALL

            7 days. Seven days na lang pala ball na. Ni hindi ko man lang namalayan, sabi ko sa sarili habang nakatitig sa malaking sign na nakapaskil sa Sakura building. Everywhere I look may mga signs or kung anu-anong reminders about the much-anticipated annual ball. This year’s theme is 19th century England and everyone is supposed to dress up like nobilities and royalties in those days.

             Normally siguro mae-excite ako kasi I like classic things like that. To me elegant ang dating nun. But I really can’t feel the excitement.

            I sighed habang nakatitig pa rin sa malaking sign. A figure came and stopped at my side pero di ko na siya pinansin. I just figured na isa lang yun sa mga nag-uusyoso sa theme ng ball this year. But then, to my surprise, napansin ko na lang na inaabutan niya ako ng roses.

           Nangunot ang noo ko. I turned to look kung sino man yun. Sasabihin ko na sanang nagkakamali yata siya ng inaabutan ng roses kasi I’m pretty sure na wala akong admirer para mag-expect ng magbibigay sa akin ng bulaklak.

         “For you.”

          Nawala ang kunot ng noo ko. I should have known it was Jeremy.

         “Sorry na. I didn’t know what came to me that day. I guess naubusan lang ako ng pasensya. I really didn’t mean to embarrass you.”

           Hindi ako sumagot. Ibinalik ko lang ang tingin ko sa sign.

           “Galit ka pa ba?”

          Hindi uli ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko. I mean, I thought galit ako kay Jeremy. God knows, I wanted to strungle his neck. Pero ngayon parang wala lang. Parang wala ako sa mood na makipag-away sa kaniya. Or more like, wala akong energy na makipag-away. Strangely enough, hindi ko rin maramdamang galit ako. Basta parang wala lang. Namamanhid na kaya ako?

          “Akiezha...please talk to me. Say something. Kahit sigawan mo ‘ko ok lang. Kahit sipain mo ‘ko, sampalin, ok lang din. Hindi ako lalaban.”

        Bumuntung-hininga ako bago ako tumingin sa kaniya. He looks really handsome. I guess hindi rin naman siya masamang tao and he can be sweet naman. Siguro that’s the reason why may gusto pa rin sa kaniya ang impaktita niyang ex.

           “Well?”

           “Jeremy...” I breathed and let the air out. “...hindi na ako galit.”

          “Talaga?” he asked with a big smile on his face. Tumango lang ako bago ako nagsalita uli.

          “But you cannot pull a stunt like that on me again.”

          “I know. I’m sorry.”

      We were silent after. Pareho siguro kaming naubusan ng masasabi. Hanubayan ang awkward.

      “Ahm, yung flowers nga pala,” sabi nya maya-maya sabay abot uli ng bulaklak sa akin. Luminga-linga muna ako bago ko tinanggap yung bulaklak. Baka kasi nandyan lang sa tabi-tabi yung ex niya. 

          “Salamat.”

       Tiningnan ko yung mga bulaklak. Red roses. Ganda, fresh na fresh. Ang awkward nito grabe. Para akong nakikipagligawan kay Jeremy ahahhaha.

         “Ah sige una na ‘ko,” paalam ko sa kaniya. Hindi ko na kasi ma-take ang awkwardness sa atmosphere eh.

         “Sige.”

       Naglakad na ako palayo sa kaniya pero pumihit uli ako nang may maalala.

         “Nga pala...huli na sana ‘to, Jeremy.”

         “What do you mean?”

      “I mean wag na sanang maulit ito. Hindi mo na ‘ko pwedeng bigyan ng bulaklak or chocolate or cake or kahit ano. Saka medyo bawasan mo na rin ang paglapit sa akin kasi may nagagalit. Marami pala kasing nagkakagusto sa’yo, nagseselos tuloy. Akalain mo yon? Nagselos sa ‘kin ahaha,” I said trying to sound funny. Pero ewan ko ba, parang na-hurt yata ako sa sinabi ko. Tumalikod na lang ako para maiwasan ang mga mata niya at maitago ang hindi maipaliwanag kong nararamdaman nang mga sandaling iyon.

          “Ganon ba?”I heard him say pero hindi ako lumingon. “Well that’s too bad. Kasi ikaw ang date ko sa ball.”

             Napatigil ako. Hanu daw?  

            “Ano kamo?”

           “Ikaw ang date ko sa ball.”

      “Ano’ng date? Kelan mo ko tinanongat kelan ako pumayag?” naguguluhang-naiiritang tanong ko.

          “Ngayon lang.”

           “Eeh?”

         “Binigyan kita ng red roses at tinanggap mo. So ikaw ang date ko sa ball.”

           “Ha!? Ano’ng pinagsasasabi mo diyan?”

      “Akala ko ba binabasa yung sign?” tanong niya referring to the announcement about the ball.

             “Oo nga.”

             “Then you should know na this year, guys are required to ask a girl to the ball by giving her red roses. Kapag tinanggap nung girl yung rose then that means she has commited herself to go with him as his date.”

          Boom!

      Parang bombang sumabog ang mga sinabi nya sa utak ko. Hindi ko naman kasi nabasa yun. Actually hindi ko naman kasi talaga binasa lahat nang nasa banners. Basta nakatutok lang ang mga mata ko sa line na nagsasabing 7 days na lang until the ball. Problemado nga kasi ako doon sa ex ni Jeremy di ba? Kaya marami akong iniisip. Windang ang utak ko. Pero mas nakakawindang ‘to. Gurabeh! Mag-i-stay away dapat kami sa isa’t isa ni Jeremy eh. Para matapos na ang gulo. Tapos ngayon kami pa ang magka-date sa ball? Ano ‘to suicide attempt?

          “I’ll see you on the night of the ball.”

          Narinig kong sabi niya bago siya umalis. See you on the night of the ball daw. Sipain ko kaya siya. Doesn’t he really know what kind of trouble he has brought me? Nananahimik ang tao dito eh lalapit-lapitan niya. Binu-bully tuloy ngayon ako ng ex niya hu hu hu. 

           “Ano na lang ang gagawin ko? Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Ang Love Gurung Walang BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon