Naagaw kaagad ng nakaparadang kotse sa driveway namin ang pansin ko pagbukas ko ng gate. O di ba kahit nung wala pa kaming kotse may driveway na kami. Mehehehehehe Epal much lang. Hindi, ganyan lang talaga kami maghanda, fufufu.
“Daddy, yan na ba yung…?” tanong ko sa daddy ko nung makalapit ako sa kaniya. Pinupunasan nya kasi yung salamin ng kotse.
Nginitian lang ako ni daddy.
“Weeeeeeeeeeeeeeeee….” excited na tili ko. “May car na kami. Yay!” Masayang sigaw ko. Sabi ko naman kasi malapit na kami magkaraoon ng car di ba? O eto na, may car na kami. Wehehehehe
Umikot ako sa unahan ng kotse para makita kung anong make nung car. Honda.
“Dad, anong model?”
“2011 Cr-Z sports hybrid.” Abot-tenga ang ngiti ni daddy nung sumagot. Halatang nagyayabang.
“Wow! Hybrid!”
Ang lapad din ng ngiti ko. Bah kahit hindi BMW ang car namin at least sports car naman siya at hybrid pa. Langya tong si daddy parang binata kung pumili ng kotse eh may pamilya na. May apo na nga eh. Pero okay lang. Pabor sa kin yun. Ganda ng car na maghahatid sa ‘kin sa school namin. Saka tatlo na lang naman talaga kami kasi si ate may asawa na at anak. Nakabukod na sila ng bahay nung husband niya kaya kasya na kami ng parents ko sa sports car. Astig two-door. Grabe gloat much ako ngayon. Feeling rich na ko talaga.
“Dad sa Monday hatid mo ko ha.”
“Oo alam ko magpapahatid ka kaya inaasahan ko na yun. Eto nga’t nililinis ko na ang karwahe mo,” sagot ni daddy. Panay pa rin ang punas niya dun sa salamin ng car kahit sobrang kintab na nun. Nag-bow muna ako kay Daddy bago ako pumasok sa bahay namin.
“Hi ‘My,” bati ko kay mommy. Nanonood sila ni ate ng tv sa living room namin. Humalik ako sa pisngi ng mommy ko saka yumakap kay ate. Tapos nag-kiss ako sa pamangkin ko.
“Hello Amy. Ang cuuutee mo talagaaaa.”
“Hoy. Pinanggigilan mo na naman yang bata. Nalalamog na pisngi nyan sa kakakurot mo.”
“Si ate naman. Over protective. Natutuwa lang naman ako sa baby mo eh.”
“Sus pwede naman kasing matuwa nang hindi kinukurot yung bata di ba?”
“Oo na. Pa-kiss na lang,” sabi ko bago ko kiniss si Amy. Sumingot naman yung supladang baby. Mana sa nanay mwehehehe.
“Magbihis ka na Kiezha. May lemon cake sa ref, kumuha ka na lang kung nagugutom ka,” bilin ni mader.
“Mamaya na lang ‘My. May gagawin pa ko,” sabi ko saka ako naglakad papunta sa hagdan namin para umakyat sa second floor kung saan nandun ang mga bedrooms.
“Anong gagawin mo?”
“Assignment po,” sagot ko habang pumapanhik ng hagdan. Di na ko inusisa uli ni mommy. Pagpasok ko ng room ko ay nagbihis agad ako tapos kinuha ko yung mga sobreng binigay sa kin ni Frenchie kanina. Umupo ako sa kama at doon ko binasa yung mga sulat.
Yung pink na envelop ang una kong binuksan. Grabe ang bango talaga ng envelop saka nung stationary.
Dear Penny,
BINABASA MO ANG
Ang Love Gurung Walang Boyfriend
Teen FictionWRITTEN: 2012 (approximate); edited 2013 Posible bang maging love guru ang isang taong never pang nagka-boyfriend in her life? Sundan ang tambalang reyna ng mga average at magnanakaw ng pagkain na istorbong palaka, para malaman.