Huwag Mag-CR ng Mag-Isa

94 0 0
                                    

"Nikki, samahan mo naman akong mag-CR."

Lumingon si Nikki mula sa pagkakatitig sa kanyang blankong monitor patungo sa direksyon na pinagmulan ng boses. Nakita niyang nakatayo sa likod niya sa Abigail.

"Samahan mo naman ako mag-CR," pag-uulit ni Abigail.

"Sus!" nakangiting sabi ni Nikki, "Bakit naman kasi kailangan pang may kasama sa pag-C-CR?"

"Ganon talaga," sagot ni Abigail. "Saka, wala ka namang call eh. Samahan mo na muna ako."

"Oh sige, sige," natatatawa lang si Nikki habang ni-lo-log-out ang kanyang PC. Pagtayo niya ay iginala niya ang kanyang paningin sa call center floor. Team na lang nila ang natitirang nag-ca-calls at bakante na ang karamihan ng mga stations. Sila kasi ang kahuli-hulihang team na umuuwi. Closer, kung baga. Buti na lang at kaunti na rin lang ang calls na pumapasok kaya halos nagre-relax lang silang lahat.

Sa loob ay abala ang magkaibigan sa pagre-retouch sa harap ng salamin. Silang dalawa lang ang tao sa CR.

"Alam mo, napapansin ko na tuwing may mag-C-CR sa atin, palaging naghahanap ng kasama," biglang sabi ni Nikki habang nagpupulbo ng mukha. "Kahit si boss laging nagyayaya ng kasama pag mag-C-CR."

"Mas masaya kasi pag may kasama," sagot ni Abigail sabay tawa. "Tulad natin, nakakapag-retouch pa tayo at nakakapagkuwentuhan."

"Sus, ano ba namang klaseng dahilan yun. Paano kung talagang na-C-CR ka na hindi mo na mapigil, may oras ka pa bang maghanap ng kasama?"

"Magkakatabi lang naman tayo, noh. Puwedeng-puwede mo kaming yayain kahit anong oras," seryosong sagot ni Abigail.

Tiningnan ni Nikki ang kasama, kita sa mukha niya ang pagkabigla sa biglang pagiging seryoso ni Abigail.

"Oh, bakit natahimik ka diyan?" tanong ni Abigail

"W-Wala. Bigla ka kasing naging seryoso, eh."

"Basta, siguraduhin mo na kapag mag-C-CR ka ay yayayain mo akong samahan ka. O kaya si Rose, o si Angel. Sigurado sasamahan ka ng mga iyon," sabi ni Abigail sabay ngiti.

"Bakit naman? Hindi ba maaabala ko lang kayo kapag ganoon?" tanong ni Nikki.

"Hindi noh!" sagot ni Abigail na halatang medyo naiinis na. "Sabi ko nga masaya ang may kasama pag nag-C-CR. Hinding-hindi mo kami maaabala. Basta sabihan mo lang kami kapag gusto mong mag-CR."

"Okay, okay! Relax ka lang," natatawang sabi ni Nikki. "Akala ko kasi baka may multo dito sa CR kaya ayaw niyong mag-CR ng mag-isa," pagbibirong sabi ni Nikki.

Biglang natigilan si Abigail sa pagsusuklay ng kanyang mahabang buhok. Tinitigan niya sa mata ang repleksyon ni Nikki sa salamin.

"Oh bakit?" tanong ni Nikki.

"W-Wala, mahinang sabi ni Abigail, "newbie ka pa kasi kaya hindi mo naiintindihan."

"Ano yun?" tanong ni Nikki.

"Wala nga! Ang kulit mo din ano?" sabi ni Abigail. Huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ng kanyang buhok. "Hay basta, kapag mag-C-CR ka, lagi mo kaming yayayain ha."

"Opo. Sige na nga po," sabay sukbit ng kanyang bag sa kanyang balikat. Masaya silang bumalik sa kani-kanilang stations.

Mabilis namang lumipas ang oras at di nagtagal ay uwian na ng team nila. Masayang tawanan ang maririnig sa locker room habang isa-isang ibinabalik ng mga agents ang kani-kanilang mga headset sa kanilang mga lockers.

"Tara na Nikki. Sabay na tayo," sabi ni Abigail.

"O sige. Pero hintayin mo na lang ako sa baba. Nakalimutan ko kasing iwan sa desk ni boss itong Tech Prob tracker ko," sabi ni Nikki sabay wagayway ng isang pirasong papel na hawak niya.

Haunted PhilippinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon