Ang Manliligaw

81 0 0
                                    

Wow! Ang ganda niya!

Ito ang unang naisip ni Anton ng makita niya si Andrea. Fourth year high school na siya ngunit kinailangan niyang magtransfer sa isang public school dahil hindi na kaya ng kanyang mga magulang ang tuition fee sa pinapasukang private school. Sa una ay nanibago siya sa kapaligiran, palibhasa'y damuhan pa ang school field at marami sa mga estudyante ang hindi naka-uniporme at pawang nakatsinelas lamang. Buti na lamang at nakita niya si Jeric, na dati niyang kaklase noong elementary pa lamang siya. Si Jeric ang nagpakita sa kanya ng kalakaran sa isang public school.

"Jeric, sino yun?"

"Ha?" Sinundan ng tingin ni Jeric ang itinuturo ni Anton. "Sino ba?"

"Ayun. Yung babaeng nakaupo sa ilalim ng puno."

Ilang segundo bago natagpuan ni Jeric ang itinuturo ng kaibigan. "Ahhh. Ayun ba? Si Andrea yun."

"Andrea?" nakangiting sabi ni Anton.

"Oo. Bakit mo naman naitanong?"

"Eh, a-ang ganda niya noh!"

"Naku, naku, naku. Mukhang alam ko na kung ano ang iniisip mo. Sinasabi ko sa'yo, huwag mo na ituloy yang binabalak mo?"

"Ha?" bulalas ni Anton. "Bakit naman? May boyfriend na ba siya?"

"Wala pa."

"Oh! Wala naman pala, eh. Mabuti pa ipakilala mo ko."

"Huwag na! Mabuti pa kalimutan mo na nakita mo siya."

"P-Pero..."

"Halika na. Magsisimula na ang klase." Hinawakan ni Jeric si Anton sa braso at pilit na hinila patungo sa kanilang silid aralan.

Hindi maintindihan ni Anton kung ano ang problema ni Jeric. Bakit ba siya ayaw ipakilala nito sa dalaga? Hindi kaya may pagtingin din si Jeric sa babae?

"Pssst!" tawag ni Anton kay Jeric habang nagsusulat sa pisara ang kanilang guro.

"Jeric."

Lumingon si Jeric sa kanyang likuran. "Bakit?"

"Yung babae? Si Andrea? Type mo siguro yun ano, kaya ayaw mong ipakilala sa akin. Popormahan mo ba?" nakangiting tanong ni Anton.

"A-Ano?" biglang nalukot ang noo ni Jeric.

"Hayaan mo. Hindi naman ako papapel kung popormahan mo siya."

"H-Hindi ano!" Napalakas ang boses ni Jeric kaya't napalingon ang kanilang guro.

"Umamin ka na," pambubuyo ni Anton ng muling humarap sa pisara ang kanilang guro.

"Hindi ko siya popormahan ano. At kung alam mo ang makakabuti sa'yo, huwag na huwag mo rin siyang liligawan," pagalit na sagot ni Jeric.

Lalong nagtaka si Anton sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagtutol ni Jeric sa pagnanais niyang makilala si Andrea. At sa inasal ni Jeric kanina, para bang mayroon itong kinatatakutan.

Pagdating ng uwian ay agad na hinabol ni Anton si Jeric.

"Pare, tapatin mo nga ako. Bakit ba ayaw mo akong ipakilala kay Andrea?"

"Basta, makinig ka na lang sa akin." sagot ni Jeric sabay lakad palayo.

Agad naman siyang pinigil ni Anton, hinarang ang kanyang daraanan. "Bakit nga? Sabihin mo sa akin? Ano? Mahigpit ba ang mga magulang niya? O baka may mga kuya siya na overprotective? O baka sindikato ang buong pamilya niya?"

"Hay naku," ang tanging sagot ni Jeric.

"Ano ba? Sabihin mo na sa'akin?"

"O sige. Pero baka hindi ka maniniwala."

Haunted PhilippinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon