1st yr highschool ako noon ng tumira aq sa bahay ng tita ko na nasa loob ng campus. School yun ng both highschool and college sa Antique. yung tita ko ay teacher ng college. kasama namin sa bahay yung dalawa nyang anak na 4th yr highschool at 1st yr highschool na classmate ko rin they are both girls , at pinsan din namin na college na homosexual.
Yung bahay namin ay masukal sa likod and sa rigth side ng bahy...puro mahogany ang makikita mu...sa leftside naman ay may lumang dam na mukhang swimming pool na pinaninirahan na ng tilapya..ang pinakamalapit naming kapitbahay ay ang boys dormitory ng school na may more than 50 meters ang layo.
May sakit nun yung tita ko kaya nag decide siyang mag paconfine sa iloilo. kami nalang apat ang natira sa bahay. habang nag hahapunan kami biglang nag brown out. Dahil sa dami naming naririnig na hindi maganda sa bahay na iyon nag decide kmi na tapusin na ang pagkain at umakyat na sa room namin sa taas..yung hagdan namin ay katapat lng ng dining table at katabi naman ang aming mini sala na walang divider between them. kaya pag nasa 2nd floor ka na kita mu ang kainan and sala..
Nasa kwarto na kami at flashlight lng ang ilaw namin...nagtatawanan pa kami dahil si kuya(ate) ay nag kwekwento ng nakakatawa nung bigla naming narinig na tumunog yung cieling fan sa baba dahil plywood lang ang pinakadingding ng kwato rinig na rinig namin yun, may dalawa kasing ceiling fan isa sa sala at sa dining table. sa pag aakalang may kuryente na tumayo si kuya at binuksan ang ilaw kasabay ng pagswitch niya tumigil ang pag tunog ng ceiling fan sa baba.
sabi nya(kuya):ay anu ba yan niloloko ako ng kuryenteng ito ah..
nagtawanan nalng kami at hindi namin yun pinansin sa pag aakalang nawala lang ulit yung kuryente. Pag kaupong pagkaupo niya tumunog na nanaman yung ceiling fan sa baba, at ganun uli yung nang yari pag ka switch nya ng ilaw tumigil nanaman yung ceiling fan sa baba...nag decide na kmi na tingnan sa baba yung ceiling fan nung tinutukan ni kuya ng ilaw ng flash light yung saksakan nagulat kaming lahat dahil walang nakasaksak kahit isa sa ceiling fan...nagtakbuhan kami pabalik sa kuwarto and nagdecide na hindi na papansinin ang mga tunog na naririnig namin.
________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Haunted Philippines
ParanormalA variety of Horror Experience shared by Different people in the Philippines.