"Oh thanks God tapos narin ang lesson plan ko"
Pasado alas 6 na ng makalabas ako sa aking Classroom, I am a Fresh Graduate with a degree of Secondary Education major in Ecology at ito ang una kong trabaho kaya naman pinagsusumikapan ko talaga na pagbutihin ang aking gawain,
Hindi na nakapagtataka na kakaunti na lang ang guro at estudyante ang nakikita ko pag ganitong oras, ang lahat kasi ay laging nag mamadaling maka uwi bago pa lamunin ng dilim ang buong eskwelahan. Ayon sa mga sabi sabi may multo daw na gumagala dito at di na ngingiming mag paramdam sa mga tao, marami nang nag papatunay dito ngunit sa loob ng tatlong buwan na pag tuturo ko ay wala pa naman akong nakikita at nararamdaman
Dumaan muna ako sa office para ipasa ang lesson plan na ginawa ko bago umuwi, pag pasok ko sa office ay wala ng tao hanggang 5 lang kasi ang pasok ng mga staff dito kaya nilagay ko na lang sa lamesa ng principal yung lesson plan ko para mabilis na makita ni Ma'am yung pinasa ko pag pasok nya bukas, palabas na ko ng office ng makarinig ako ng pag bagsak nang lumingon ako nasa lapag na yung lesson plan ko at sa pag kaka alala ko sa gitna ko nilapag yung lesson plan kaya paanong mahuhulog yun sa lapag? Wala namang hangin at kung meron man hindi sapat iyon para liparin yung lesson plan, pinulot ko nalang yung lesson plan at inilapag ulit sa lamesa,
Habang nag lalakad sa pasilyo may nakita akong Estudyante Lalake na nasa loob pa ng Library nakaupo ito sa pinaka unahan ng mga nakahilerang upuan at may hawak na libro, nasipat ko na ang Libro na hawak nya kulay asul at medyo malaki sa pangkaraniwang libro,
"masipag na bata malayo ang mararating nito balang araw" Ang na wika ko, bihira na kasi akong makakita ng estudyante na tumatambay sa library para mag aral, ang iba kasi puro gimmik lang ang alam, sa palagay ko Fourth year ang estudyanteng iyon, dahil pulang lace na suot nito, students on my school can recognize by the color of their lace Red for Senior, Blue for Junior, Yellow for Sophomore and green for Freshmen
Tiningnan ko ang orasan at pasdo 6:30 na kaya tinawag ko yung estudyante
"Bata mag sasarado na tama na yang pag aaral magiging Valedictorian ka nyan" Tumingin lang sya sa aking at bumalik na sa pag babasa
tinawag ko ulit ito ngunit di na nya ko tinapunan ng tingin. Kaya napag disisyunan ko na dumaretso na sa paglalakad,
Sa ikalawang classroom bigla akong pinagpawisan ng malamig, pakiramdam ko na parang lumalaki ang ulo ko, ang bilis ng tibok ng puso ko at gusto ko ng kumaripas ng takbo dahil nahagip ng aking paningin yung bata, nasa kabilang classroom na ito, ganun pa rin ang ayos, may hawak na libro at patuloy na nag babasa, unti unting bumabalot ang kilabot sa katawan ko, kumpirmadong di ordinaryong estudyante ang kinausap ko kanina at nang tingnan ko yung yung pinto nakandado ito,
Muling akong naglakad , kinukumbinsi ang sarili na imahinasyon lang ang aking nakikita, bunga ng pagod, subalit tuluyan ng nawasak ang aking pangungumbinsi ng mapadaan ako sa ikatlong classroom, naroon na ang bata at nag babasa pa rin, dahil sa takot binilisan ko na ang lakad pinipilit na wag pansinin ang nakikita, 12 pang classroom ang kaylangan kong daanan bago makapunta sa gate at sa bawat clasroom na nalalagpasan ay nakikita ko parin yung bata. Sa ika walong classroom sinimulan ko ng tumakbo dahil nakita kong tumayo yung estudyante at nag lakad papalapit sa bintana, 9, 10, Dalawang claroom na lang, sa ikalabing isang classroom di ko na nakita yung estudyante medyo nakahinga na ko ng maluwag, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, kahit hinihingal di ako huminto sa pag lalakad dahil baka bumalik yung multo, nakraos ako, nalagpasan ko yung pang huling classroom, naiiyak ako dahil sa takot dahil sa nangyari sa akin dahil sa buong buhay ko ito yung first time na nakakita ako ng multo, akala ko dati gi no goodtime lang ako ng mga co teacher pero totoo pala ang sinasabi nila.
medyo huminto muna ako ng ilang sigundo para habulin ang aking hininga bago naglakad ulit, malapit na ko sa gate, pagliko sa kaliwa ay naroon na ko sa gate lalakad lang ako ng konte at makakalabas na ko, pagliko ko sa kaliwa. Kung kanina habang tumatakbo ako ay na naluluha ako, ngayon IYAK TAWA naman ako, gusto ko ng sumigaw, gusto kong mag mura, bakit? Dahil yung Estudyante, nasa harap ko at nakaharang sa dadaanan ko, napansin ko na medyo madumi yung Suot nyang uniporme at bakas sa kanyang mata ang hirap na pinagdaanan nya, di ko alam kung anong gagawin ko, babalik ba ko sa loob o lalagpasan sya, nakatitig lang sya sa akin at maya maya ay nagsimula ng maglakad papalapit sakin, tatakbo sana ako pabalik sa loob pero ayaw sumunod ang mga paa ko, ilang hakbang na lang ang pagitan namin ay pumikit ako, hinihintay ko na lamang na sapian nya ko o kaya patayin, mga ilang sigundo rin akong nakapikit pero wala naman akong nararamdaman, nakiramdam muna ako bago nagpasyang dumilat ng makita kong wala na yung estudyante sa harap ko ay kumaripas na ko ng takbo papuntang gate, habang tumatakbo nakarinig ako ng isang sigaw
BINABASA MO ANG
Haunted Philippines
ParanormalA variety of Horror Experience shared by Different people in the Philippines.