Chapter 15: Boyfriend

2.4K 72 5
                                    

Kaasar si Xider.

Ano bang alam niya sa nararamdaman ko? Masyado na bang obvious na gusto at mahal ko si Ice? Hay nako! Dagdag tanong nanaman to sa isip ko.

Habang nasa byahe, ang ingay dito sa loob ng van. Kwentuhan kasi ng kwentuhan sila Yanna, Xider, at Lance sa likod. Pero alam kong naiilang pa rin yung dalawa.

Eto namang si Bea na katabi ko, selfie ng selfie. Si Ice naman naka- headset lang pero nakatingin kay Bea. Halatang gusto talaga nila ang isa't isa. Feeling ko nga sapaw lang ako dito.

Kaya lumipat ako sa likuran ng van kung saan nakalagay yung mga gamit.

May space pa naman dito eh.

Hindi rin naman sila umimik sa ginawa ko kaya okay lang.

Hay nako. Bakit ba ganito na ko ngayon?

Pinipilit kong maging masaya para sa kanila.

Kahit na alam kong imposible.

Sana kasi Ice, ako nalang.

WHAT THE.

No. Mali 'to! MALI MALI MALI. Best friend ko rin si Bea kaya dapat respetuhin ko kung anong meron sila ni Ice.

Kahit na mahal ko pa 'tong Yelo na to mali pa rin ako. Sana kaya ko nalang burahin yung feelings ko. Parang sa lapis lang, may eraser para maitama yung mga mali tulad na rin nitong mali kong nararamdaman.

Sinaksak ko nalang yung headset sa tenga ko. Gusto ko lang makinig sa mga kanta at matulog.

Forevermore - Juris
"There are times,
when I just want to look at your face
With the stars in the night..."

Papagabi na rin pala. Medyo madilim na rin kasi ang paligid nang tumingin ako sa labas.

"There are times,
When I just want to feel your embrace
In the cold night..."

Huminga ako ng malalim atsaka humiga. Pagkapikit ko palang, naisip ko agad yung mga nangyari saming dalawa ni Ice nung kaming dalawa lang ang magkasama. That moment when he kissed me. Let me rephrase that... When he unconsciously kissed me. Dahil na rin siguro si Bea yung nasa panaginip niya nun. And when he possessed me. When he helped me. When we both laughed... when I saw him smile that made me smile too. It was heaven.

"I just can't believe that you are mine now.
You were just a dream that I once new
I never thought I would be right for you"

Nung una, magkaaway lang kami. Hindi kami magkasundo. Pero hindi ko inakala na magmamahal ako agad dahil sa kanya. Isang masungit na lalaki, napaibig ang isang napakakulit na katulad ko? At dahil nga makulit ako, kasama na nun yung pagiging childish. Kaya hindi ko rin inakala na pwede palang magmahal yung katulad kong parang bata lang mag- isip. Na mararamdaman at mararanasan ko rin pala yung mga nababasa ko sa libro. Yung tinatawag nilang love.

"I just can't compare you with,
Anything in this world
You're all I need,
And to be with you forevermore..."

Ang gulo ko talaga. Kakasabi ko palang kanina na MALI ako. Na mali yung nararamdaman ko ngayon. Pero etong puso ko, nagwawala at sumisigaw. Sinisigaw niya na hindi mali yung nararamdaman ko. Para tuloy gusto kong ipagpatuloy yung katangahan kong to.

Alam kong makakasakit ako. Na masasaktan ko si Bea. Pero parang ang unfair ko sa sarili ko. Dahil inaako ko lahat ng sakit. Hindi nga sila nasasaktan pero sakin naman tumatama lahat ng pain.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon