Chapter 50: Responsibilities

1.8K 56 3
                                    

Patricia's POV

Maaga akong gumising para ipagluto ang mag-aama ko. Today's Saturday pero may pasok si Xider sa office.

Yung binata't dalaga ko naman, malayang nakakapagligalig dahil summer vacation pa nila ngayon.

Habang nagluluto ay namataan ko si Redix na nakagayak at papunta dito sa kusina.

"Saan lakad mo? Aga ah." puna ko

Hinalikan niya ako sa pisngi bago ako sagutin,

"Magb- breakfast kami ni Yeshley sa labas Ma." magalang niyang sagot.

Malaki na si Redix ngayon. At approved namin sa 'min ang girlfriend niya na anak ni Ice at Yesha.

Natural na suplado ang anak kong 'to at nakikita ko lang siyang ngumingiti nang labas ang ngipin kapag kasama niya si Yeshley.

Magandang bata 'yon pero sa totoo lang, ay mas gusto ko si Beatrice para kay Redix.

Laging pumupunta dito si Bea at naiku- kwento niya sakin na gusto pala ng anak niya ang anak ko.

At tulad ng nabanggit ko noon, ngayong malaki na si Redix, hindi na siya kamukha ni Xider. Pati si Ricka, malayong malayo ang itsura sakin.

Pero parehas silang gwapo't maganda shempre.

"Alis na ako Ma, susunduin ko pa si Yesh." paalam sakin ng binata ko pagkatapos niya uminom ng tubig.

"Osige. Mag-ingat sa pagd- drive ha?" bilin ko

"Yes Ma." sagot ni Redix at lumabas na.

Pinayagan na rin namin ni Xider dahil 15 years old na rin siya. Pero si Ricka, 14 palang kaya hindi pa pwede.

Sa pagkakaalam ko, mas matanda ng isang taon ang binata ko sa girlfriend niya pero parehas lang silang nasa 9th grade. Magkaka- klase ang mga anak namin nila Bea, Ice, Yanna, at Lance.

Pagkatapos kong makapaghanda ng pagkain ay bumaba na rin si Xider at Ricka. Nakagayak na ang asawa ko samantala si Ricka ay kagigising lang ata. Nakatutok pa sa cellphone.

"Ricka, kumain ka muna bago magpipindot diyan." saway ko sa kanya

"Mom, Dad, pupunta daw po si Yance dito mamaya. Mage- Xbox po kami." tanong niya at ibinaba na ang cellphone

Magsa- salita palang ako ay nauna na si Xider, "Oo kamo."

Anak ni Lance at Yanna si Yance. Malapit sila ni Ricka. Wala namang problema sa amin ni Xider yun. Botong boto pa nga siya sa batang yun dahil magalang daw.

Kakaibang tatay din 'tong asawa ko eh. Imbis na strikto, hindi. Mas mahigpit pa nga si Redix sa kanya pagdating dito sa anak naming babae.

Matapos kumain ay umakyat na kaagad si Ricka sa kwarto niya. Mag-aayos na raw at baka maagang dumating si Yance.

"Hon, alis na ko." paalam ni Xider habang nakayakap sa likuran ko.

Humarap ako sa kanya and as always, gulo na naman ang necktie kaya inayos ko iyon.

Nakatitig lang siya sakin hanggang sa matapos, "Thanks Wifey." he said

"Mag-ingat ka sa pagd- drive ha? Umuwi ka ng maaga, magluluto ako ng Chicken Curry." sabi ko sa kanya at napangiti siya dahil doon.

"Okay okay. I love you." sabi niya at hinalikan ako

"I love you too."

* * * *

Naglilinis ako sa kusina nang makita ko ang pagpasok ni Redix ng bahay. Uamlyat siya sa itaas. Mukhang wala sa mood.

I wonder kung anong nangyari.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon