Chapter 46: Preparation

1.6K 51 1
                                    

Xider's POV

"I need all things prepared tomorrow okay? Dapat walang sabit. I want everything to be perfect."

[Yes Sir.]

Binaba ko na ang tawag.

I'm still here in Paris with her.

And tomorrow?

Everything will change.

__________

Patricia's POV

Nagising ako dahil sa haplos ng isang kamay sa buhok ko.

"Gumayak ka na prinsesa ko."

Inalalayan niya pa ako sa pagbangon at pagtayo. How sweet.

Gumayak na ako at pagkababa ko sa kusina, nakahanda na ang pagkain. Feel na feel ko talaga ang pagiging prinsesa.

Hanggang sa airport, ganun pa rin siya. Pansin ko lang, kanina pa hindi nawawala ang ngiti niya.

Ang bilig namin magkaayos no?

Ganun talaga siguro kapag mahal mo. Hindi mo kayang tiisin.

Buong byahe akong tulog sa eroplano at buong byahe ring hawak ni Xider ang kamay ko. May oras pa nga na mararamdaman ko nalang na kini- kiss niya ako sa pisngi ng paulit- ulit. Hinahawakan niya rin lagi ang tyan ko.

Pagkadating naman namin sa NAIA, agad na my sumundo sa amin. Kanina pa nga ata naghihintay.

"Cess, dito ka na sumakay. At id- drive ko yung kotse kong naiwan dito. I'll see you later." he said then kissed me again on the cheek.

"Okay, I'll see you." I said at sumakay na kami pareho sa magkaibang sasakyan.

* * * * * *

Malapit na sa bahay ang kotseng sinasakyan ko ngayon nang lumiko ito sa ibang daan.

I was about to ask the driver when I felt my phone vibrating inside my pocket.

Kinuha ko iyon agad ang I saw Xider's name.

"Hello Xider? Bakit—" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang magsalita siya sa kabilang linya

[Just go with it.]

Then the call ended.

Medyo na- weirdohan ako, pero mas pinili kong magtiwala sa sinabi ni Xider. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin dun, hayaan ko nalang na mag- drive ang driver. Yun yun diba? Pero feeling ko, feeling lang naman ah. Parang may surprise na nakahanda para sakin. Siguro late birthday gift.

Padilim na ng padilim.

Nakatingin lang ako sa labas nang huminto ang kotse at nagsalita ng driver, "Baba na po kayo Ma'am."

Tiningnan ko muna ang gawing kanan ko pero sobrang dilim. Wala man lang ka- ilaw ilaw.

Atsaka ko ibinalik ang tingin sa driver, ang creepy ng tingin niya sakin kaya agad na akong bumaba. At mabilig namang humarurot ang kotse.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Xider. Pero nagri- ring lang at walang sumasagot.

Nahagip ng mata ko ang ilang maliit na ilaw mula sa malayo. At dahil madilim nga at naghahanap ako ng liwanag ay maingat akong naglakad papunta roon.

The next thing I knew, nakatayo na ako sa ilalim ng isang tree house. Dito pala nanggagaling yung ilaw kanina.

Sobrang ganda.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon