Patricia's POV
3 months after. . .
Nakalipat na kami ni Xider ng bahay. Pero dito rin malapit sa mga magulang namin.
He bought an up and down house. Pure white lahat sa labas at ganun din sa loob. Pero yung kwarto namin, shades of blue ang kulay.
May dalawang kwarto rin na pink at aqua ang kulay. Sabi ni Xider, para raw sa future kids. Abnormal talaga.
Sabi ko sa kanya masyadong malaki para sa 'min ang bahay na binili niya. Pero ang sabi niya lang: "Okay lang 'to. Dadami na rin naman tayo soon."
:">
Ngayon ang araw na malalaman na naming mag-asawa ang gender ni Baby. Excited kami pareho syempre.
Pagkadating namin sa Hospital, nagpumilit si Xider na kami ang unahin. At dahil makulit siya, pumayag ang doktor.
"So, Doc, ano po ang gender ng first baby namin?"—Xider
"Congratulations Mr. and Mrs. Gabriel,
It's a boy."
Pinasalamatan ko na ang doktor at hindi na maalis-alis ang ngiti sa labi ko, pero 'tong si Xider, akala mo timang na hindi mo ma- identify ang expression ng mukha.
"Mr. Gabriel, are you okay?" tanong ni Doc
"Oo nga Hon, okay ka lang?" tanong ko rin
Napatingin siya sa amin atsaka nagsalita,
"D-Doc, p-pwede b-bang m-mag-ingay d-dito?"
Gusto kong tumawa nang malakas dahil sa kagrabe-han ng pagsasalita niya. Utal utal. Hahahahahaha!😂 pero shempre, pinigilan ko.
"O-Osige. . ." —Doc
Agad na tumayo si Xider sa kinauupuan na blangko ang mukha at dinukot ang cellphone sa bulsa niya.
"HELLO! MA, PA! IT'S A BOY! LALAKI ANG ANAK KO!KAKALAT ANG LAHI NG MGA GWAPO!—HELLO MGA PARE! SAVE THE DATE! LALAKI ANG ANAK KO! NINONG KAYO MGA TOL!—HELLO MOM,DAD, LALAKI PO! YES MOM! PANIGURADO PO TALAGANG GWAPO! HAHAHAHAHA! SIGE PO. BYE."
Nanlaki ang mga mata ko sa pagsigaw niya.
Seryoso?
Ganun ba talaga ang mga lalaki kapag nalamang lalaki rin ang magiging anak nila?
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Doc.
Grabe 'tong asawa ko. Hahahaha!
"Doc, maraming maraming maraming thank you po. Mauna na kami ng asawa ko." sabi ni Xider pagkalapi sa amin ni Doc na akala mo parang wala siyang ginawang ingay.😂
Pagkalabas namin ng pinto, agad niya akong niyakap,
"Thank you Pat. Maraming maraming thank you."
Atsaka siya lumuhod sa harap ko habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay.
"Huy Hon, tumayo ka nga diyan!" sabi ko, pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"I'm just really happy. Thank you talaga asawa ko. Ako na ata ang pinakamasaya at swerteng lalaki ngayon. I love you."
I smiled.
"I love you too."
________
6 months later. . .
"Hon." I called him
"Hmm?"
"Gusto ko ng buko juice mixed with strawberry shake na may ice cream sa taas." sabi ko