"Papa, hindi ko po boyfriend si Ice." sabi ko
"I'm just joking anak. Hahahaha!"
Parang bata 'tong papa ko.
"Hahaha! Hay nako, tama na nga iyan. Pumasok muna tayo sa loob. Ice? Dito ka na kumain okay?" sabi ni Mama
Isa pa 'tong Mama ko.
Hindi na nagbago. Ever since, gustong gusto na niyang magdala ko ng lalaki dito sa bahay para ipakilala sa kanila.
After magsalita ni Mama, napatingin ako kay Ice at nakatingin rin siya sakin.
Tingin na parang sinasabing "Okay-lang-ba-sayo?"
Pero bago pa man ako makasenyas sa kanya ay nagsalita na ulit si Mama.
"I won't take a no for answer. Come on kids, pasok na sa loob." sabi niya at sabay na silang pumasok ni Dad sa loob ng bahay papunta sa dining room.
Naglakad na rin kami ni Ice papunta roon at halata namang cool na cool lang siya sa sitwasyon samantalang ako, aish!
Big deal kasi sakin 'to eh.
Kalahati sakin ang nakakaramdam ng saya pero kalahati rin ang guilt.
Saya, dahil si Ice ang unang lalaki na dinala ko dito sa bahay at unang lalaki ring nakilala ng parents ko.
At Guilt, dahil pakiramdam ko nagiging masama ako sa kaibigan kong si Bea.
Kaibigan nga lang ang tingin sakin Ice, pero ako, iba yung tingin ko sa kanya.
Shempre, mahal ko siya eh.
Kung pwede lang sanang diktahan yung puso, matagal ko na ginawa.
Umupo na rin kami ni Ice at hinintay na lang yung mga pagkain.
"So, Patricia, kumusta yung paga- apply mo?" tanong ni Papa
"I'm going to have my training tomorrow Dad. Sa restaurant po ng isang close friend ko." sagot ko
"Well, that's good." sabi ni Dad at ngumiti sakin
"Sinong kaibigan naman yan anak?" tanong ni Papa
"A boy huh?" sabi ni Mama habang nakangiti na parang ewan. Eto talagang nanay ko.
"He's just a friend Mom." sabi ko at sumubo na ng pagkain
"So Ice, what do you do?" singit ulit ni Dad sa usapan
"I'm going to start working po tomorrow as a manager sa isang restaurant ng friend ko. Pero may sarili na po akong bar ngayon. The ICE DF Bar Tower po." sagot ni Ice
Napatango tango si Dad. Kahit di niya sabihin, I know he's amazed.
"How about your parents?" tanong ulit ni Dad
"My Dad is managing one of our company in US Sir. And my Mom is handling some of our branches in Korea." sabi ni Ice
Aba, sosyal 'tong si Ice ah.
"Ah okay. Why aren't you working sa company niyo? I mean, why do you need to work sa iba?" tanong ni Papa
Kung sabagay...
"I want to build and earn on my own po kasi Sir. Ayaw ko pong umasa lang sa kumpanya ng parents ko. So I decided to work first sa restau ng friend ko." sagot ni Ice
Nkakabilig naman 'tong Yelo na 'to.
"Good decision Ijo. By the way, you can call me Tito." sabi ni Papa
"Okay Tito." sagot ni Ice
"I'm just wondering, saan ba yang restau na pagtatrabahuhan mo?" tanong ni Papa
"Sa DISIX Restaurant po." sabay naming sabi ni Ice. Akala ko ako yung tinatanong ni Papa eh.
Oh my Ghad.
WAIT!! Dun din siya sa restaurant ni Xider?!
"So... magkatrabaho pala kayo ng anak ko? That's great." nakangiting sabi ni Dad. I know what he's thinking, pati na rin si Mama na nakangiti rin ngayon. -_____-
Tadhana nman, talaga bang pahihirapan mo ko?
"Pumayag si Xider na mag- training ka para sa position ng Chef?" tanong ni Ice
"Ahh, yeah. Why?" tanong ko
Sa itsura ni Ice, parang nagtataka siya. Bakit kaya?
"Nothing." sagot niya at ngumiti sakin
Tumunog ng cellphone ni Ice at tinignan niya ang relo niya.
"Uhh, Tito, Tita. I need to go na po. Thank you for inviting me here." magalang na sabi ni Ice
"Sige Ijo, you're always welcome." sabi ni Papa
"Patricia, ihatid mo na si Ice sa labas." utos sakin ni Mama
"Sige po." sagot ko at naglakad na kami ni Ice papunta sa labas.
Huminto muna siya at humarap sakin. Nagtama na naman ang panigin naming dalawa at ramdam ko na naman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. At nag- iwas na ko ng tingin, naiilang ako.
"Mag- open ka ng fb account mo mamaya. May meeting tayong mga D6." sabi ni Ice, back to serious na naman siya oh :D
"Sige. Ingat ka pauwi, good night." sabi ko
"Good night rin." sabi niya
Magbe- beso sana ako sa right cheek niya pero nagkatapat ang mga mukha namin. Sinubukan ko sa left cheek pero nagkatapat ulit.
What the. MY GOODNESS!
Naiilang na rin ata siya kaya nagsalita na ko
"Sige umuwi ka na Ice. Baka lalo ka pang gabihin. Gusto mo ba samahan kita pumara ng taxi?" sabi ko
"Wag na. Pumasok ka na sa loob. Thank you ulit." sabi niya at ngumiti.
"Sige, chat chat nalang mamaya. Ingat ulit." sabi ko
Aba, napapadalas ang pagngiti netong Yelo na 'to ah.
I'm happy that he's smiling. Sana maayos nila ni Bea yung misunderstanding nila. Sana maging matatag sila ng best friend ko.
Kahit nasasaktan ako, I still want them to be happy.
Kasi best friend ko sila pareho, kasi pareho ko silang mahal.
At pareho silang importante sakin.
Tumalikod na kami pareho pero nagkasabay na naman kaming tawagin ang pangalan ng isa't isa.
"Patricia/Ice."
Ikingulat ko ang sunod niyang ginawa
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
He kissed me on my cheeks."Good night." sabi niya at umalis na agad.
I can feel the butterflies again.
Naestatwa na ko sa kinatatayuan ko
"I hate you Ice. I hate you for making me fall this hard." bulong ko sa sarili ko habang tinitignan siyang nakapamulsa at naglalakad palayo.