Chapter 38: Move Forward

2.3K 64 2
                                    

Yanna's POV

Nandito na kami sa Mall ngayon. Nagr- ready na ako para sa pageant mamaya. Napadaan kasi ako dito nung isang linggo at inentertain ako ng mga nago- organize ng mismong pageant kaya di na rin ako nakatanggi. Pumayag din naman si Lance.

Kaso hanggang ngayon, wala pa rin siya eh. 3:30 na kaya! Saktong 4 daw ang simula. Aish! Baka nambabae na yun. Patay siya sakin!

By the way, kami na ulit ni Lance. The day after namin pumunta sa bahay ni Ice sa Laguna, sinagot ko na rin siya. Nalulungkot kami para kay Ice. Isang buwan na rin halos ang nakakalipas. Kumusta na kaya siya?

Sobrang saklap naman kasi talaga ng pinagdaanan niya. Pati na rin si Bea.

"Gosh! Ang gwapo niya!"
"Yes! May inspiration na ako sa pagrampa mamaya!"
"Ay bakla! Napakagwapo nitech!"

Dinig ko mula dito sa loob ng room ang ingay ng mga bakla at ibang contestant na kasali sa pageant mamaya.

Aish, paniguradong si Lance na yan. Gwapo daw eh. Tss. Pektusan ko silang lahat eh.

Bumukas ang pinto ng room kung nasaan ako. May kanya- kanya kasing room ang lahat ng contestants.

And just like what I've expected. It's him.

"Buti dumating ka pa?" mataray kong tanong sa kanya. Lumapit siya agad sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Sorry Cup." sabi niya at niyakap ako mula sa likuran

"Tapos di mo man lang napansin ang ayos ko? Grabe ka na Lance ha. Nambabae ka siguro no?"

"It's cake... At bakit ako mambababae ha? Eh nasa akin na nga yung 'Yanna Scott soon to be Flores' ko." sabi niya

Kahit kelan talaga, lagi niya kong pinapakilig.

Cup ang tawag niya sakin. At cake ang tawag ko sa kanya. Cupcake.

Siya ang nakaisip niyan. Nakakatuwa nga eh. Kahit medyo corny, hahaha!

"You look so damn gorgeous." sabi niya habang tinitignan ako sa salamin at nakatingin lang din ako sa kanya.

Kita ko ang pamumula ng mga pisngi ko kaya tinapik ko na siya sa braso. Senyas para bumitaw.

"Shoot. You're blushing again. Haha!"

Kabwisit mo Lance. Masyado mo kong pinapakilig. Kainis ka!

"H-Hindi no." sabi ko at lumapit na ulit sa makeup artist ko. Pinaupo niya na ulit ako sa isang upuan atsaka inayusan.

Narinig ko pa ang pagtawa ni Lance.

Nakatingin lang ako sakanya habang inaayusan ako pwera nalang kapag sinasabi ni bakla na pumikit.

"Pikit ulit ganda." sabi niya kaya pumikit na naman ako.

Pagkadilat ko, diretso na naman ang tingin ko kay Lance. Nahuli ko siya na pinipicturan ako. Halata naman eh, nakatutok kasi sakin yung cellphone niya.

"Okay na ganda. Nakaayos na rin yung mga damit mo, magbihis ka na. The pageant will start in 15 minutes. " sabi ni bakla at lumabas na ulit ng room. Magme- meryenda lang daw sila sandali. May mga kasama din kasi siya eh.

Buti na nga lang hindi nila nilalagkitan ng tingin si Lance kundi baka napaaway na ako dito kanina pa.

Pumasok na ako dun sa maliit na space kung saan may harang para magbihis.

Narinig ko ang mga yapak ni Lance papunta sa direction ko kaya napahinto ako. Kaming dalawa nalang kasi dito eh.

"Cup, gusto mo tulungan na kita jan?" pilyo niyang tanong

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon