Kinabukasan, 7:30 ako nagising.
Sakto lang, pagkabangon ko, dumiretso na ako sa banyo para maligo at mag- ayos.
Ano kayang pumasok sa isip ni Xider at andito siya kagabi? Ang lakas ng trip niya.
Wala naman akong gagawin ngayong araw na 'to kundi magbasa ng Wattpad sa cp ko kaya ginawa ko na agad yung mga dapat kong gawin para mamaya puro basa nalang ako.
Pagkababa ko, pumunta na ako sa kusina.
At sakto namang nilalagay na ng mga katulong yung mga pagkain sa mesa.
Si Papa, nagbabasa lang ng dyaryo habang si Mama ay napatigil sa pagse- selfie nang makita ako at ngumiti ng napakalapad.
Parehas na silang nakaupo roon.
"Good morning dear." bati sakin ni Mama
"Good morning Ma... Good morning Pa." bati ko
Kinakabahan pa rin ako dahil dun sa request ni Dad kagabi. Yung request niya na imbitahin ko si Ice dito sa bahay dahil gusto niya daw ma- meet. Binaba ni Papa ang binabasa niyang dyaryo.
At mas lalo akong kinabahan dahil dun.
Nagsimula na kaming kumain. At si Dad ang unang bumasag ng katahimikan.
"So, anak, what are your plans?" tanong ni Dad sakin
"Plans?" pagtataka ko
"You know... Work. Do you have plans already?" tanong niya habang nakatingin sakin ng diretso.
"Uhm. I'm going out today Dad. Susubukan kong mag- apply." sabi ko. Kahit wala naman talaga kong planong lumabas ngayon.
Hay, sira na naman yung oras ko para sa Wattpad.
"Anong trabaho ba ang gusto mo?" tanong niya ulit
"I want to cook." sagot ko
"Great choice. Para naman magka- boyfriend ka na rin anak." nakangiti niyang sabi
"Anong connect nun Pa?" tanong ko
Tumawa muna siya atsaka nagsalita.
"One way to a man's heart is through his stomach." sabi niya
"Tss. Dad, I have plans sa pagtatrabaho. Pero sa love life? Na- uh. And one more thing, diba dapat pinagbabawalan niyo kong magka- boyfriend?" sabi ko
"Alam mo anak, payag naman na kami ng Papa mo na magka- boyfriend ka na. We trust you. Alam naming alam mo na ang tama sa mali." sabi naman ni Mama atsaka ngumiti sakin
Tumingin ako kunwari sa relo ko.
"Uhm Ma, Pa, I need to prepare na. May pupuntahan po ako mamaya eh. Akyat na po muna ako." sabi ko sa kanila at tumayo na.
Pero bago pa man ako makaakyat sa hagdana ay narinig ko ang sinigaw ni Papa na, "Oh by the way, I want to meet that 'Ice' of yours okay?"
Narinig ko ring tumawa si Mama sa sinabi ni Papa na iyon. Napa- facepalm nalang ako at umakyat na sa kwarto ko.
Nagbihis na ako kaagad kahit na sinabi ko sa kanilang mamaya pa ako aalis. Actually, hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Basta kailangan makahanap ako ng trabaho.
Nagsuot ako ng white pencil cut skirt at blue cropped top atsaka nag- flat shoes. Mahirap maglakad kapag may takong yung suot ko sa paa at kung hindi ako nagkakamali, ganito talaga yung mga damit na kailangang suotin kapag maghahanap ng trabaho right?