Chapter 49: Picnic

1.6K 53 1
                                    

Xider's POV

3 years later. . .

"Hon, tara na! Nagmumuryot na yung binata mo." sigaw ng napaka- ganda kong asawa mula sa labas ng bahay.

"Andyan na Hon!" sigaw ko pabalik.

Kinuha ko na ang susi ng kotse at pagkalabas ko ng bahay, bumungad sa akin ang masungit kong anak na lalaki, si Redix. Nakabusangot na. Para na siyang binata kahit kaka- three years old palang niya.

At ang prinsesa ko naman na si Ricka, buhat-buhat na ng aking Queen. Kung si Redix, kamukhang kamukha ko, para namang xerox copy ni Pat si Ricka.

Napaka- swerte ko na nagkaroon ako ng pamilyang katulad nito. May dalawa akong naggwa- gwapuhan at nagga- gandahang mga anak.

Pati ang sobrang sarap magluto, maalaga, sweet, at mapagpasensyang asawa. Wala na 'kong ibang mahihiling pa.

Magkakaroon kami ng picnic ngayon kasama ang mag- asawang si James at Bea, Lance at Yanna, pati si Ice at Yesha.

Right after manganak ni Pat 3 years ago, nagpakasal na si James at Bea. Sumunod sa kanila si Ice at Yesha, then si Lance at Yanna. May mga anak na rin sila ngayon.

Parang kahapon lang, mga nagliligawan palang kami e no?

Parang kahapon lang, hinahabol pa namin ni Ice si Pat.

Nagpapasalamat nga ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng taglay na kagwapuhan. Well, 7% angat siguro kay Ice? Haha.

Sumakay na kaming apat sa kotse.

At habang nasa daan,

Hindi pa rin naaalis ang lukot sa noo ng anak kong si Redix.

"Anak, bakit kanina ka pa nakabusangot?" tanong ko

"Dad. Yeshley must be waiting there already." sagot niya

Nagkatinginan nalang kami ni Pat.

Redix likes Yeshley.

Anak ni Ice at Yesha.

Naging close ang anak namin nung minsan kaming nagpuntang buong pamilya sa ICE DF BAR TOWER para sa welcome party ni James at Bea. Dun talaga nila pinili.

Dalawang taon at kalahati rin silang nag-stay sa Canada.

Ngayon nalang din kami magkikita-kita nila Yanna at Lance. Masyadong naging busy ang dalawang yun sa trabaho. Sa Cebu nila napiling tumira.

Kami nga lang ata ni Ice ang nagdesisyon na mag-stay dito sa Manila eh.

Ipinark ko ang kotse sa isang gilid.

At malayo palang,

Natatanaw na namin sila.

Mukhang kami ang late.

"M-Mamuh, Papuh! Yance oh!" medyo bulol na sigaw ni Ricka.

Hala sige.

Kebabata naman atang mag- aasawa ng mga anak ko.

Napatawa nalang kami ni Pat. Binuhat niya si Ricka habang ako naman ang bumit it sa mga dala naming pagkain.

Shempre, ang asawa ko ata ang pinakamasarap na magluto sa buong barkada.

Kaya siya ang na- assign na magbaon ng mga pagkain.

Si Redix, kahit hindi mo na alalayan yan.

Daig pa nga ang binata kung pumorma e. Poging pogi talaga. Mana sa Daddy. Hehe.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon