Chapter 1: Strikes

4.7K 109 0
                                    

Patricia's POV

Nakaupo ako ngayon sa isang high stool chair. After entering the place, syempre sobrang ingay as usual.

Pero kakaiba dito, ang unique ng design sa loob as well as dun sa labas. Kung tatanungin niyo kung nasaan yung dalawa kong paslit na kaibigan, andun! Sumasayaw.

Iniwan ako dito mag- isa.

Paikot ikot lang yung tingin ko habang umiinom ng iced tea. I'm not into alcohols. Mahina ako sa alak.

May mga nakikita kong couples na sobrang sweet. Para kang lalanggamin. It feels like I've eaten bags of amorgoso (ampalaya), wala kasing nangliligaw sakin.

Ako kaya kailan magkaka- first boyfriend?

Okay.

Geez.

Natigil ako sa pagmu-muni-muni dahil sa alak na tumapon sakin. Takte. Ang baho!

Tinignan ko kung sino yung nakatapon sakin or let's say nagtapon sakin—imposible naman kasing basta-basta niya akong matapunan e ang luwag luwag ng daan oh. At mukhang hindi naman siya lasing para gumewang gewang pa habang naglalakad.

Matangkad, chinito, maputi, in short gwapo. Kaso, naka- poker face lang siya. Halatang masungit.

Ugh. Stop with the descriptions Patrice!

"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

He also raised one.

Is he gay? Bakit marunong siya nun?

"Hey. I'm talking to you." dagdag ko pa trying to keep calm.

Nanunuot ang amoy ng alak sa balat ko kasabay nun ang para bang unti-unting pagka-drain ng mahaba kong pasensya. Lalo na nang magkibit-balikat siya na parang wala talagang plano na mag-sorry.

You're making the wrong move Mister.

Narinig kong may mga lalaking nagtawanan sa gilid namin pero hindi ko pinansin yon at itinuon ang pansin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Pipi ka siguro. Di ka marunong sumagot eh." pang-aasar ko sa kanya.

But I was surprised when he finally spoke,

"Alin ang sasagutin e hindi ka naman nagtatanong." aba, lakas ng loob mo ah.

"Tanga ka ba talaga? Matapos mo kong tapunan ng alak ikaw pa ang may ganang mamilosopo? Wow."

"Baka ikaw." sabi niya sakin nang walang emosyon. What the? Ako pa ang tanga, ganun?

"Ang kapal ng muka mo." just one more percentage of my patience and you're done, dude.

"Same as yours. Sorry to say Miss, pero mukha kang pok pok sa suot mo." aniya.

Bull's eye. You hit it.

"Hindi ako pok pok." I exclaimed while clenching my fists.

"Mukha nga lang miss diba? Mukha nga lang." aniya.

Isang-isa nalang.

"I think you're one." dagdag pa niya.

"Sabi ngang hindi e!" sigaw ko atsaka siya sinuntok.

What now?

He cursed and I just slip my tongue out for him to be redder. Nai-imagine ko pa ang pag-usok ng ilong niya. Hahahaha!

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon