Chapter 20: Proposal

2.2K 75 2
                                    

Hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay. Umupo lang ako dito sa harap ng gate namin. Bwisit talaga yung Yelong yun. Mukhang hindi na naman ata ako patutulugin ngayong gabi -.-

Napatingin ako sa harapan ko. Gusto ko talagang tinitignan yung garden na katapat lang ng bahay namin. Ang ganda ganda.

Pag umasenso na ko, hindi lang restaurant ang ipapatayo ko kundi pati na rin flower shop. Nakakaakit kasi yung mga bulaklak lalo na yung rose. Kahit minsan, hindi pa ko nakakatanggap ng rose pero mahilig akong bumili, nilalagay ko sa kwarto ko. Puro chocolates ang natatanggap ko lalo na nung high school palang ako. Pero di ako gaanong mahilig sa chocolates. Kumakain lang ako nun kapag stressed ako.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Hanggang ngayon, naka- business attire pa rin ako. Hahaha nakakatamad magbihis.

Agad- agad akong nag- online dahil pag- uusapan yung para bukas. At tulad ng inaasahan, sumasabog na yung inbox ko.

D6 ang pangaln nung group chat na ginawa nila.

"Heyo guys." -ako

"Hiii Pat! Excited na para sa mga iluluto mo for tom!" -Yanna

"Magplano ka na ngayon pa lang Patricia. Hahaha!" -Bea

"I'm excited too." -Ice

"Hoy Ice. Nakauwi ka na?" -ako

"Yeah. Thanks for the dinner." -Ice

"Nagkita kayo?" -Xider

"Accidentally. My parents invited him to eat dinner with us." -ako

"Ehem." -Yanna

Loka loka talaga tong babae nato. Mamaya mahalaga pa nila -.-

"Baby Ice, sunduin mo ko bukas ah?" -Bea

"Of course baby." -Ice

Naks, ang sweet nila. :)

"Takte. Lalanggamin tayo dito tol." -Lance

"Hahahahaha" -Yanna

I wonder kung okay na si Lance at Yanna. Sana okay na sila.

"Patricia, susunduin kita bukas sa bahay niyo ha. May pupuntahan tayo." -Xider

"Saan? Sama ko! :D" -Yanna

"Saan ba tayo pupunta Xider?" -Ako

"Hindi ka pwede sumama Yanna. :P" -Xider

"San ba lakad niyo tol?" -Lance

"May date kami ni Patricia." -Xider

Ano daw? Abnormal talaga 'tong lalaking to.

"Aba aba. Dumadamoves si Xider ah :D" -Lance

"Kanino pa ba magmamana Lance? Hahahaha" -Yanna

Okay confirmed, okay na sila. Si Yanna talaga, may nalalaman pang emote emote, patatawarin din pala si Lance. Hahaha!

"Nako may mabubuo atang love team ah. Hahaha!" -Bea

"Hoy Xider. San mo dadalin si Pat?" -Ice

"Manahimik nalang kayo guys. Basta. Magd- date lang kami ni Patricia Hahaha ;)" -Xider

"Hoy abnormal na bolero! Ano bang sinasabi mo ha?" -ako

"Basta. Tomorrow. 5:00 AM dapat gising ka na." -Xider

"Baliw ka ba? Bat ang aga?" -ako

"Shempre, para simula pa lang nga araw makita na kita. Ikaw kasi bumubuo ng araw ko eh! <3" -Xider

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon