"Gotcha. Hahahaha!" pang- aasar ni Xider dahil sa pagtahimik ko. Aba, e sino ang hindi tatahimik kapag ganun?
Mabilis kong inubos ang Chicken Curry na niluto ni Tina. I can say, masarap nga talaga siya.
Napahinto na naman ako saglit.
May naalala ko.
*Flashback*
Kumakain na kami. Ano kayang comment niya sa Chicken Curry ko? Teka, hindi pa pala ko nakakapag- thank you dito no?
Kaya para mabasag ang katahimikan ay nagsalita na ko.
"Ice, uhm... Thank you dun sa kanina. And sorry dun sa pagsusungit ko kanina, dun sa pagpasok ko sa Cr, at dun sa pag----" pinutol niya ang sinasabi ko
"Thank you din, and sorry also." simple niyang sabi na nagpangiti sakin.
"Thanks for what?" tanong ko.
"For cooking my favorite dish." so favorite niya to? :D
"Ows? Totoo?" natutuwa kong sabi.
I saw a smile flashed on his face.
"Yeah. Dahil na rin siguro kay Stephen Curry. Favorite bastketball player ko." sabi niya sabay ngiti.
"You better wear that everyday. It looks good on you." -ako
"Huh? Itong damit ko?" Tanong niya.
"No. Hahaha! Yung ngiti mo yung tinutukoy ko. Dapat lagi kang nakangiti." sabi ko
"Ahh." tipid naman magsalita neto.
"Yun yung dare ko sayo. Para kwits, hahaha!" sabi ko
"Ah sure. By the way, you should also wear that smile." Sabi niya sabay kuha nung plato na kinainan niya at inilagay sa lababo.
-end of flashback
I shook my head. Mali na 'to. Hindi ko na dapat siya iniisip. Bakit ba kasi lahat ng bagay konektado sa kanya?
"Okay ka lang?" tanong ni Xider at hinawakan ako sa braso.
Tumaas ang balahibo ko sa hindi malamang dahilan.
Ngumiti ako ng pilit at tumango. Ayokong mag- alala pa siya sakin. Alam ko namang gustong gusto akong pinapasaya ni Xider eh. At ayaw ko munang maging malungkot ngayon kasi alam kong malulungkot din 'tong abnormal na 'to.
"Akyat na ko." sabi ko at tumayo na. Pero nakalimutan ko pa lang sabihin ulit sa kanya yung tungkol sa activities namin ngayong araw. "Oh by the way, you'll start your work today sa company niyo. Pupunta rin ako ngayon sa university na paga- aralan ko. See you in 1 hour." sabi ko at ngumiti ulit.
Ngumiti din siya at tumango sakin.
Pagkaakyat ko sa kwarto ko, sakto namang tumunog ang cellphone ko.