Dedicated nga pala sa classmate and friend ko na si Frances. Di ko kasi alam ang wattpad name niya eh. Salamat sa pagbabasa! Xie xie!
Sakura's POV
Ilang beses ko ng nasipa si Sasuke dahil ang likot matulog. Ang sarap ihagis sa labas, eh!
Nasa kweba nga pala kami ngayon. Kasama yung dalawang panda.
Hindi ko alam kung ano-ano ang mga pinagsasasabi ni Shanben at yung dalawang panda pero binigyan nila kami ng isda at nilagang bamboo.
Sabi ni Shanben, since hindi naman kami panda eh nilaga nila yung bamboo leaves.
"Hoy, gising na." sabi ko dito sa nilalang na kauri ko. "Pag di ka gumising, kakainin ko yang pagkain mo." sabi ko at sinipa-sipa sya. Pakipot amputa.
Sasuke's POV
Nasaan ako? Bakit parang langit ata 'to?
May nakita akong parang rectangle na bagay na may paa't kamay. Parang kumakaway sa'kin?
TEKA, DOGFOOD BA YUN?!
Oo! Pedigree! Waaahhhhh!
Hinabol ko yung Pedigree na may paa't kamay.
"Hoy gumising ka na!" biglang sulpot ni Sakura sa mala-langit na aking panaginip.
Teka, panaginip?
"LOKO KA EH! Malapit na 'ko dun sa naglalakad na Pedigree eh!" sabi ko.
"Pedigree? Seriously, gutom ka na nga." sabi nya at nilayasan ako.
(Author: Para po sa mga hindi nakakaalam, ang Pedigree po ay isang brand ng dog food. Ang gara ng amoy. Di ko alam kung bakit sila nasasarapan dun)
Author naman eh. Panira eh.
(Author: Manahimik ka! Walang makakapigil sa'kin!)
Oo na.
Sinundan ko nalang si Sakura. Nandun yung iba pa naming kasama pati sila Mading at Dawei. (yung dalawang panda)
Galing. Marunong palang mag-ihaw ang mga 'to.
Kakain na sana ako pero pinigilan ako ni Mading.
"Bu chi!" sabi nya.
Nagtaka naman ako. Anong bu chi? Buchi? Pagkain din yun ah?
"Wag ka daw munang kumain." sabi ni Shanben.
Ahhh. Bu chi. Okay wala akong na-gets.
Magdadasal daw pala muna. Yun naman pala eh.
Meanwhile.....
Cookie's POV
(Author: Bago po ito ma-kidnap si Sasuke)
Sa wakas ay nagka-POV na rin ako!
"Labas muna ako." sabi ng room mate kong si Ches.
"K potassium." sabi ko at dumeretso sa CR para maligo.
Badtrip kasi eh. Hindi dapat ako ang nandito sa Indonesia! Katunayan nga one week dapat ang bakasyon ko. Di lang dahil sa...GRRRR NAKAKAINIS! Di ako maka-move on!
Flashback.....
"Dali na Cookie! Birthday ni Ate eh!" Pagmamakaawa nitong kwagong si Kyle.
"Paano kung ayoko?" Eh ayoko naman talaga.
"Ehhhh hindi pwede yun! Magagalit sa'kin si Ate!"
"Eh sa ayoko nga eh. Paano nga yun?" tanong ko ulit.
"PAGPAPAKAMATAY AKO!"
"Weh?" sarcastic na tanong ko. Masyado kasi s'yang matalino at alam kong di nya yun itutuloy.
BINABASA MO ANG
Ang Aso kong si Sasuke
RandomAko si Sasuke at isa akong NINJA! De joke lang. Aso ako! Asong parang tao? LOL WAREWOLF? Kung ayaw mo ng pusa, tara, dito ka nalang! Kauri ka namin! Makiisa sa mga aso kahit wala kang sosyalin na breed! Aso ka pa rin! MABUHAY ANG MGA DOG LOVERS! WH...