Chapter 17

29 1 0
                                    

Happy belated birthday sa'yo, Kyle! Dedicated na sa'yo 'to!

**

"SINO KA?!" rinig kong sigaw ni Ate Cookie.

Whutt? Teka, anong nangyayari?

"Gising ka na pala. Kasalukuyang nagpapatayan ang amo ko at ang amo mo ngayon sa kitchen. Tara, bro." sabi ng isang German Shepherd na katabi ko ngayon na si Mark.

"Huh? Teka nga, ano bang nangyari?" tanong ko.

"Ikaw ba 'yung lasing o naki-inom ka ng alak? Dude, dinala tayo ng magaling kong amo dito sa bahay niya sa Bulacan. 'Di mo naalala? Wait, tulog ka nga rin pala nun. Hinila lang kita."

"Ha?"

"Ang sabi ko, nandito tayo sa bahay ng amo ko dito sa Bulacan."

Nandito tayo sa bahay ng amo ko dito sa Bulacan...

Nandito tayo sa bahay ng amo ko dito sa Bulacan...

Sa bahay ng amo ko sa Bulacan...

Sa Bulacan..

Nag-echo sa matulis kong tenga papunta sa utak ko ang sinabi ni Mark.

"ANO?!" Gulat na sabi ko.

"NANDITO TAYO SA BULACAN, BINGI! Maglinis ka nga ng tenga mo!" sigaw sa'kin nitong asong 'to.

"Teka, teka lang! P-p-pakibaba lang 'yang k-kutsilyong hawak mo na nakatutok s-s-sa'kin. S-saka ako magpapaliwanag." rinig ko namang sabi ng isang lalaki.

"Tsaka bakit iba ang damit ko?! Ni-rape mo ba ako?! Sh*t ka! Ipapakulong kita!"

"Wow! Rape? Sa mukha mong 'yan? Yuck. 'Wag na lang. Magsasarili na lang ako."

"Magpapaliwanag ka ba o isasaksak ko 'to sa ulo mo?!"

"Pipigilan ba natin sila?" tanong ko kay Mark.

"Ewan ko. Gutom na ako eh. Tara, may doggie biscuits dun." sabi ni Mark at pumunta sa isang cabinet sa kusina.

Hmmm. Sharap. Lalo na nung pink. Ayoko ng brown. Ampanget ng lasa. Yuck.

"O-o-oo na! Natalo ako sa "maiba, taya!" nila. Naiba ako. Kaya ako daw ang magdadala sa'yo sa bahay mo. Kaso hindi ko alam kung saan 'yun dito sa Bulacan kaya dito na lang muna sa bahay ko."

"Ang sarap talaga nung pink." komento ko.

"Nahh. Mas masarap ang green." sabi ni Mark.

"Ang panget ng lasa nung brown 'di ba?"

"Oo nga. Amoy tae pa."

"Then explain why my clothes changed!"

"Inglishera pala amo mo." sabi ni Mark.

"Minsan lang 'yan. Pag nabaliw naman, nagcha-Chinese. Pag sobrang baliw, pinaghahalo ang Chinese at Japanese." sabi ko.

"Pinapunta ko si Author dito at siya ang nagpalit sa'yo ng damit. AT HINDI KITA NI-RAPE, UTANG NA LOOB LANG! Mukha ka pa ring kulugo sa paa na may sugat na may nana."

"Sino ka ba?!"

"Juice colored. Ang ingay nila!" sabi ko.

"Awatin na kaya natin?"

"Enjoy ko pa 'tong pink doggie biscuits mo."

"Basta akin lang 'yung green. Sa'yo na lahat ng pink."

"Edi si JC! Grabe, ang isang gwapong tulad ko, nalimutan mo na? Hindi dapat kinakalimutan ang gwapo!"

Nasamid ako sa pagkain ko.

"Hinay lang, Sasuke. Marami pang pink diyan." sabi ni Mark.

"Mas mahangin pa pala ang amo mo kesa sa'kin." sabi ko.

"Wala ng mas hahangin dyan. Dinaig pa niyan si Yolanda."

"Weh?! Ikaw si JC na hindi usong gumamit ng deodorant?"

"Ikaw naman si Cookie na hindi usong mag-shave ng kili-kili."

(Author: May special meaning 'yang asaran na 'yan. Don't take it seriously)

"In fairness......dati mukha kang unggoy--"

"Gwapong unggoy."

"At least unggoy pa rin. Ngayon, mukha ka ng...."

"Gwapo?"

"Hindi. Mukha ka ng tao, g*go."

"Tao lang? Gwapo ko kaya."

"Yuck, pwede ba?"

"Weew. Ganyan ba sila mag-inisan?" tanong ko.

"Oo yata. Nung high school pa 'yan eh. Lalo na 'yung gubat at deodorant. Grade 7 pa yata nila 'yun."

"Ang tagal naman nun."

"Anong araw ngayon?" tanong ni Ate Cookie.

Uhm.....Wednesday?

"Thurdsday. Bakit?" sagot ni Kuya JC.

Ayy shuri nemen. Kala ko Wednesday eh.

"Sh*t! Anong oras na?!"

"Nine ng umaga?"

"LATE NA AKO! Nandyan ba 'yung sasakyan ko?"

"Naiwan sa Manila."

"Pwede bang ihatid mo 'ko sa bahay?! Please?! Sige na!"

"Fine."

"Tara na, dude." sabi ni Mark.

"Huh? 'Di ko pa nauubos!"

"Tara na kasi." sabi niya at kinagat ang collar ko at hinila ako.

NOOOOO! 'Yung fooooodddd!!

I SHALL RETURN!

**

Naramdaman ko na huminto ang sasakyan.

Wait...bahay 'to ni Mommy ah? As in 'yung mother ni Ate Cookie. Trip ko lang siyang tawaging Mommy.

Wew. 'Di ba naisip ni Ate Cookie na.....syet.

Maiisip pa ba niya 'yun eh late na siya?

Nga noh? May sense ka rin palang kausap, Konsensya.

Syemps. Ako pa!

*BLAG* *BLAG* *BLAG*

"MAAAAAAAA!!!!!!! BUKSAN MO PINTO! LATE NA AKO!!" sigaw ni Ate Cookie.

"Oh? Napapunta ka--" Di na natuloy ni Mommy ang sasabihin niya kasi dakilang epal si Ate Cookie.

"LATE NA LATE NA LATE TALAGA AKO! Ma, paki-plantsa na 'yung damit ko. Dress ha! Ayoko ng pantalon! Pati coat ko! Maliligo lang ako. Late na ako! Kakain na lang ako sa byahe!" sabi ni Ate Cookie.

"Alam kong dress. Wala ka namang damit na pantalon eh. Oh? Sino naman itong gwapong nilalang na 'to?" sabi ni Mommy.

(Author: Kinilabutan po ako sa gwapo. Yuck, nigguh. Mas pogi si Kuya Dale na kapatid ni JC!)

"Hindi 'yan gwapo, Ma. Gorilla 'yan. Dati matsing lang 'yan."

"Wow. Kung iwanan kaya kita dito at ikaw bumyahe sa sarili mo?"

"Sabi ko nga po gwapo ka na."

"Hoy, gagu, nandito ka na naman?" biglang sulpot ng puno na si Sakura.

"Hi Sakura!" bati naman ni Mark sa punong naging aso.

Ge. Mag-moment muna kayo dyan.

______________________

Author: Hey, dudes. Napagtripan ko lang dahil birthday ni Kyle kahapon. Di ko nabati eh HAHAHA!

Ang Aso kong si SasukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon