Chapter 9

19 1 0
                                    

Wala akong magawa. Bored for short. Si Pareng Kenshin ang kasama ko at nandito kami sa bahay ni.............TENTENTENTEEEEEEEN!

Ni Kuya Cj.

Nasa Indonesia daw si Ate Cookie. Gumagala na naman. Di ako sinasama! Ang daya naman pakshet!

"Ano na naman yan?" Tanong ko kay Kenshin.

"Rubiks cube." Sabi nya at kinakagat-kagat yon. Natural, aso yon eh.

"Binubuo yan, hindi yan kinakagat, engot." Sabi ko.

"Sarap kaya! Nakakainis tong si Kuya Cj, di namimigay ng pagkain!" Sabi nya at napatingin naman ako kay Kuya Cj. Kumakain sya ng Clover Chips.

"Ganto lang yan, bro. Mission impossible: kuhanin ang pagkain ni Kuya Cj." Sabi ko at umupo sa sofa.

"Uyy, bro. Baka magalit yan. Masungit daw yan sabi ni Miks."

"Ayos lang yan, bro." Sabi ko at kinuha na yong plastic at tsaka tumakbo.

"Hoy! Sasuke!" Bigla namang sabi ni Kuya Cj. May feeling ako na tumatakbo sya at sinusundan ako.

"Bruh, sa doghouse mo!" Sabi ko.

"Geh." Sabi nya at kinuha rin yong Rubiks cube nya.

Nakaabot kami don sa dog house nya na may pintuan at nala-lock sa loob.

"I-lock mo! Dali!" Sabi ko. Ni-lock naman ni Kenshin.

"Apir, bro!" Sabi naman ni Kenshin at nag-apir kami.

Nilantakan naman namin yong Clover. Chalap-chalap lang.

"Yow, bro. Musta si Miks?" Tanong ko.

Si Miki or Miks eh isa sa mga kabarkada namin. Shitzu sya.

"Ayon, nagsosolo sa bahay ni Ma."

Kung tatanungin nyo kung sino si Ma, sya yong nanay namin. Wew. Hindi naman biologicaly kasi tao sya. Sya yong nanay ni Ate Cookie.

"Na naman?"

"Oo, Sasuke. Na naman." Sabi nya at sumubo ng Clover.

Nung maubos namin yon, lumabas kami. Wala na don si Kuya Cj.

"Wew." Sabi ko nalang.

"Hoy! Sasuke! Kenshin!" Biglang may tumawag samin.

"Miki?!"

__________________________

Author: Mikiiiiiiii! Why you do this to me?!

LOL. Na-miss ko kasi yong Miki na yon. Shitzu sya.

Sumalangit na kasi sya. T-T mahilig kasi sa chips. Ayan tuloy. Sarap daw ng Clover at Roller Coaster.

Sasuke on the multimedia! Yan na talaga! Ang hirap nya kayang picture-an! Ang likot!

Nanonood talaga sya ng The Moon Embracing the Sun dyan. Umiiyak kasi yong character. Di ko matandaan pero di sya bida kaya wala akong pake. Tinahulan pa nga nya eh!

Yon lang ge

Ang Aso kong si SasukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon