Chapter 3

70 2 10
                                        

Nandito ako ngayon sa Starbucks. O diba sosyal? Gwapo ko kasi.

Saka na yung una naming pagkikita ni Ate Cookie. Boring yun. Haha dejke.

Um-order si Ate Cookie ng Dark Mocha (yung large na cold) at oreo cheesecake.

Di ako familiar sa sosyal na pangalan ng pagkain. Lalo na yung di mabasa sa menu. Maka-French wagas eh wala naman tayo sa France. -____-

At dahil BAWAL sakin ang chocolate, wala akong kinakain. Tambay lang ako. *bow*

May i-me-meet daw na tao (malamang. Langan namang bampira ano?) si Ate Cookie.

So, tahimik nalang tayo. SHHHHH. Hahhahahaha!

Habang wala pa yung i-me-meet ni Ate Cookie, ikukuwento ko ang dati kong experience sa chocolate.

Nasa bahay lang kasi ako noon, nasa birthday party si Ate Cookie. Sa bar daw.

Naman! Qualified na kaya sa bar si Ate Cookie! 27 years old na eh! Graduate na ng college at may trabaho na!

September 21 yun. Pramis! Birthday party eh malamang gabi yun tapos sa bar pa. Niloloko nyo ba ako?

Wala kasi akong magawa at hinalungkat ang ref. May nakita akong Cadbury na bukas sa ref.

Ano kaya lasa nun? Makatikim nga. Di naman siguro mapapansin ni Ate Cookie eh.

Natikman ko. Ang pait! Ampalaya pleybor ba toh o ano?!

Nabasa ko na dark chocolate pala yun. -_- kaya pala.

May narinig akong may nagbubukas ng susi sa pinto. Dali-dali kong binalik ulit yung Cadbury sa ref. Lagot na pag nahuli. Baka hindi ako pakainin.

May kasama si Ate Cookie na lalaki. Letse plan. Lasing na lasing si Ate Cookie samantalang yung lalaki eh parang waley lang.

"Ano ba yan! Sabi ng hinay-hinay lang eh! Yan tuloy!"

Tinahulan ko yung lalaki. Baka kung anong gawin kay Ate Cookie. Lasing pa naman. May mangyari pang hindi ka-nais-nais.

Pero familiar sakin yung itsura nung lalaki. Lagi ko syang nasisilayan sa ospital eh. Pero bahala na si Batman!

(Batman na naman. Lagi nalang sya eh -_____-)

"Oy Sasuke! Chill lang!" Sabi nung lalaki.

Punyemas! Chill ka dyan! Chill mo mukha mo! Amo ko yang hawak mo! Bitawan mo muna yan at saka ko susupalpalan ng yelo yang mukha mo!

Lalo kong nilakasan yung tahol. With matching sama ng tingin pa.

Pero bigla akong nahilo. At yung mga sumunod na nangyari, pasensya in advance dyan sa mga kumakain. Pwede nyo munang tigilan yan hangga't di nyo pa nababasa ang mga sumusunod na pangyayari.

Sumuka ako ng dugo at nahimatay. Ewan ko kung sino yung nagdala sakin sa vet pero sigurado kong si Kuya na kasama ni Ate Cookie.

Buti nalang at naka-survive ako. Lason daw kasi sa aming mga aso ang chocolate.

Tadtad na sermon ang natanggap ko kay Ate Cookie. Nangingialam daw ako kesyo ganyan nasa ref na na daw pinakielaman ko pa rin. Yan daw tuloy ang napala ko.

At yung Koyah na nagdala sakin sa vet? Si Kuya Cj pala yun.

"Ayos lang yan, Sasuke. Ikaw kasi. Tama naman si Bata eh. Sa susunod wag mangingialam ng chocolate ng may chocolate ha? Baka sa susunod matuluyan ka na. Special ka pa naman!" Sabi ni Kuya Cj sakin. Bata ang tawag nya kay Ate Cookie.

"Sad naman kung mismong birthday ko pa ikaw matutuluyan, di ba?" Dugtong pa ni Kuya Cj. Ahhh! Sya pala yung may birthday nun!

Pati ba naman si Kuya sinermonan ako. Pero in a gentle way. Si Ate Cookie kase, halos lumabas na yung lalamunan at vocal chords. Laging naka-mic eh. Buti nalang at napa-chill ni Kuya. Literal na chill, mga pardz. Binuhusan nya ng isang basong malamig na tubig with matching yelo pa. Ede yun, naligo sa malamig na tubig si Ate Cookie. At nasabunutan nya ng wagas si Kuya. Buti nalang at hindi nakalbo. Wahahahhaha!

Ang Aso kong si SasukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon