Binaba na ako ni Kyah foreigner at nagsimulang maglakad. Susundan ko sana siya dahil alam ko namang kilala niya ang amo ko pero shit happens.
Bigla siyang nasagasaan ng truck sa highway. Tatanga-tanga kasi. Sinabi ng "wag tumawid dito, nakamamatay", eh. Pero sabagay, hindi naman siya nakakaintindi ng Tagalog.
Ayun, durog siya. Ano naman ang gagawin ko ngayon?
"Hoy, bata." Tawag ng isang nilalang na may boses na parang inipit sa kabinet. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala namang aso o kahit anong hayop na literal na malapit sa'kin. "Tanga, dito sa baba." Sabi ng inipit na boses at tumingin ako sa baba.
"Uy, 'di ba cartoons ka?" Tanong ko sa nilalang na may mahabang tenga at maliit na katawan. "Gago, 'di ako si Bugs Bunny." Sabi niya at umirap.
"Robbie!" Rinig kong may sumigaw na lalaki. "Alis na 'ko, amo ko 'yon, eh." Sabi niya at tumalon paalis.
Pumunta nalang ako kina Mark kasi wala namang magpapakain sa'kin sa bahay dahil nilayasan ako ng punyeta kong amo. Alam kaya niyang nadurog 'yung "sweetie" niya ng 10-wheeler truck? Sabagay, kung sineryoso niya si Kyah foreigner edi alam ko 'yung tungkol sa kanya, 'di 'yong siya lang nakakakilala sa'kin. Ano 'to, gaguhan? Beshywap nga ako ni Ate Cookie, 'di ba?
"Na'ndito ka na naman?" Tanong sa'kin ni Mark. "Bakit mo naisipang lumayas sa amo mo?"
"Ako 'yung nilayasan." Sabi ko at nahiga. "Nagpuntang Ireland at 'di ako sinama. Sino naman daw ang magpapakain sa'kin sa bahay?"
"Sabagay," Sabi ni Mark at nilapag sa'kin 'yong lalagyan niya ng pagkain na may pink dog biscuits. "Ayan, iyo na yan."
Ay, pak! Ang generous naman ni Mark. Kaya gustong gusto ko dito, eh.
***
"Next!" Sigaw ni Ate Cookie sa clinic.
Na'ndito kami ngayon sa California para sa isang pet medical mission. Nagkulang na kasi ang veterinarian dito dahil wala ng may interesado sa mga hayop na literal, pati na rin sa mga asal-hayop.
Biglang pumasok ang isang maputi at matangkad na lalaki. Kulot ang brown niyang buhok at sa sobrang tangos ng ilong niya, pwede na niyang ipanghiwa 'yon sa gulay na ulam namin mamaya.
"Hi," bati niya. "I think there's something wrong with my rabbit."
Tulala lang si Ate Cookie na nakatitig sa kaniya. Hala, anong nangyari dito? High ka na, bes?
"Gwapo..." Sabi niya. Mukhang naguguluhan si Kyah na may rabbit. "Excuse me?" Sabi niya.
"Ay, sorry!" Sa wakas ay bumalik na rin sa mundo ang utak ni Ate Cookie. "Come again?"
"There's something wrong with my rabbit." Sabi niya at napatingin naman ako sa rabbit. "Uy, Bugs Bunny!" Tawag ko.
"Tangina mo, sabing hindi ako si Bugs Bunny!" sabi niya.
"Teka nga, kung foreigner ang amo mo, bakit marunong ka magtagalog?" nagtatakang tanong ko.
"Made in the Philippines ako, pre."
"Ano ka, dried mango?" Sarcastic na sabi ko. "Ano bang problema mo, ba't ka na'ndito?"
"Akala ni Ryan may problema sa'kin," paninimula niya. "Eh, ang problema ko lang naman, nangangatog ako sa sobrang lamig at ayaw niyang lakasan 'yong heater."
"He seems pretty normal." Sabi ni Ate Cookie. "Are you sure there's something wrong with him?"
"He doesn't move a lot like he normally does. He just sits in one place and shivering." Sabi nung lalaki.
"He's probably just cold." Sabi niya. "It's cold here in California, compared to where I'm from."
"He's actually imported from the Philippines."
"Tangina," sabi ko. "Anong imported? Local ka lang, lul." Sabi ko sa Bugs Bunny na 'to. "Ako ang tunay na imported."
"Japanese spitz nga, 'di naman marunong mag-Hapon." Sabi ni Bugs Bunny at inirapan na naman ako. "Kanina ka pa, ah. Hilig mo umirap. Bakla ka ba?" Tanong ko
"Kadiri ka, 'di tayo talo." sabi niya.
Sinabi ni Ate Cookie kung ano dapat ang gawin ni Kyah sa Bugs Bunny niya. Bago umalis si Kyah, may sinabi siyang naging dahilan ng pagtaas ng matutulis kong tenga.
"Uhm..." Sabi niya. "I know this may sound weird but..."
"Is there something else I can help you with?" Tanong ni Ate Cookie.
"Can we go out sometime?" Tanong niya. "I mean, as a thanks for helping me with my rabbit."
"No need to thank me since I'm paid to do this, but sure." Sabi ni Ate Cookie at nginitian ang lalaki.
"I'm Ryan, by the way. People call me "Ryu", though." Pagpapakilala niya.
WHA--
ANO 'TO?!
DATE BA 'TO?! OY 'DI GAN'TO SA PILIPINAS, MEN! Anong nangyari sa pag-iigib ng tubig, pagsisibak ng kahoy, at pagbibigay ng yaman sa magulang ng babae? HALUHHH.
__________________________________
Author: Update sa buhay ko, break na kami ni Cat. Kaya pinatay ko na siya sa storyang 'to ng walang conflict.
I took a break from my other novel. Saka ko na ipopost pag tapos na. Mas trip ko sa microsoft word magsulat, feeling ko professional ako HAHAHAHA char.
Anyways, thanks for reading!
BINABASA MO ANG
Ang Aso kong si Sasuke
RandomAko si Sasuke at isa akong NINJA! De joke lang. Aso ako! Asong parang tao? LOL WAREWOLF? Kung ayaw mo ng pusa, tara, dito ka nalang! Kauri ka namin! Makiisa sa mga aso kahit wala kang sosyalin na breed! Aso ka pa rin! MABUHAY ANG MGA DOG LOVERS! WH...