Chapter 8

21 1 0
                                    

This chapter is dedicated to Lula Gwirlieloop yieee salamat sa advice! At kay Author ChristianKyleSanDieg hahahaha comment pa kayong dalawa!

Nandito na naman ako sa ospital. -__- lagi naman eh. Walang nagbago.

May nagpa-deliver ng isang basket ng yema kay Ate Cookie. May note pa!

Dear Cookie,

Hoy Biscuit! Paborito mo yan di ba? Alam ko namang sukang-suka ka na sa chocolates. Ayan, para mas maumay ka! HAHAHAH!

Nagmamahal,

Naruto

Aba't sino naman tong greatest rival ko? Di ba si Naruto? Sasuke ako di ba? Bwhahahaha!

"AHAHAHAHAHAHAHAHA SHETE! Naruto talaga? Sino ba toh?" Sabi ni Ate Cookie.

Nung nakita ko yong note, sulat doktor sya. Akala ko reseta ni doc eh. Letter pala! HAHAHAHHAHA!

"Oo nga, paborito ko nga. Pero dalhan mo ba naman ako ng isang basket! May flowers pa! Whoa naman ang effort nito?" Pagpapatuloy ni Ate Cookie.

May isang bouquet ng flowers at isang malaking basket ng yema at note na binigay si Kuya Aj. Imposible namang galing kay Kuya Aj yon dahil magkapatid sila.

At eto lang ako, sitting gwapo lang.

"Anong tinitingin-tingin mo, ha?" Sabi nung asong mukhang chihuahua.

"Wag ka ngang feeler. Hindi ikaw yong tinitignan ko. Yong pader. Sadyang naka-harang ka lang." Sabi ko sa kanya. Nagpapagalit yata toh eh.

"Ako, nakaharang? Sa ganda kong toh? Whoa! Nahiya ang kapangitan mo?"

"Tsk. Inggit ka lang sa kagwapuhan ko, Chihuahua"

Nasa Vet kami. Okay?

"Chihuahua?! Chao-chao ako!"

"Ano ngayon? Mas maganda ang lahi namin Japanese Spitz."

"Mas maganda ang mga Chao-chao, noh! Di tulad nyo na mukhang white lady na tinubuan ng apat na paa, tenga, at buntot, kami naman cute!"

"Cute? HAHAHAHAHA! Wala ka pala samin eh. Kami ay mga gwapo at magaganda. Tsk. Kung kami, White Lady, eh ano ka? Teddy bear slash baboy?"

"HAHAHAHAHAHHAHAHA!" Tawa naman ng mga kapwa aso namin dun. May shitzu at kung ano-ano pang ibang lahi.

"Hoy, Sasuke. Ano na namang agenda na yan?" Tanong ng isang one-fourth Japanese Spitz at three-fourth Pomeranian na si Kenshin.

"Wala." Sabi ko lang.

"Wala daw."

"Wala nga."

"Hoy Hapon! Uurungan mo ko?!" Sabi nung Chihuahua na Chao-chao daw.

"Hoy rin Umaga. Bakit? Hinahamon mo ba ako?"

"Tsk. Mang-aaway ka na naman, Sasuke? Nandyan si Ate Cookie oh?"

"Ewan nalang, Kenshin."

Nagugutom ako. -____-

Kinanabit ko si Ate Cookie.

"Ano?" Tanong nya sakin. Parang sasagot ako?

Kinuha ko yong pinaglalagyan ko ng pagkain at nilaro-laro yon. Para malaman nya na gutom na ako.

"Mamaya na." Sabi nya at chineck-up yong Chihuahua. Pakshet. -___-

"Wala, Bro. Pinansin muna ni Ate yong Chihuahua." Sabi ni Kenshin.

Tsk. Injection-an ka sana! Paking tape!

Nilagay sya don sa may table kung saan iinjection-an ang mga pasyente. BWAHAHHAHAHAHAHAHA! Karma, bruh!

"Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa patay yong Chihuahua na yon." Sabi ni Kenshin.

"Alam mo, ang daldal mo, grabe." Sabi ko.

"Ganon talaga pag pogi!"

"Sige, ipagpatuloy mo. Uunlad ang Pilipinas nyan." Sabi ko at pumunta nalang sa lalagyan ng dogfood at nilantakan yon.

Yeaaah! Heaven!

_____________________

Author: Erm..........I have nothing to say? LOL XD HAHAHAHA!

Naganahan akong mag-UD dahil sa dalawang yon! (Kung kanino ko dinedicate hahaha) Pagpatuloy nyo, Lula at Author Kyle ha? Push!

Yon lang ge

Ang Aso kong si SasukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon