Chapter 18

12 1 0
                                    

Nakikinig lang ako kay Kuya JC habang naglalaro siya ng Geometry Dash sa kaniyang mahiwagang iPad mini.

Tagal na nung laro na 'yun ah. Melt down na ang uso ngayon. -__-

"Kaano-ano ka ba ni Cookie? Boyfriend ka ba niya?" tanong ni Mommy (yung nanay ni Ate Cookie)

"Ayy puta. Hindi po!" sabi ni Kuya at natalo siya sa Electrodynamix na level sa Geometry Dash.

"Oh? Eh bakit ka niya kasama? 'Wag mong sabihing binuntis mo siya at sasaksakin ko 'yang thyroid at parathyroid glands mo! Punyeta ka!" galit na sabi ni Mommy.

Oha? Idol ko 'yan. Alam niyo na kung saan ako nagmana. *wink*

Pero bakit thyroid at parathyroid glands? Dapat testes na lang ang saksakin. De joke! Joke lang! 'Wag niyo akong isusumbong!

"H-hindi po!" sabi ni Kuya.

"Eh bakit kayo magkasama?"

"Leche talaga 'tong si Yna. Pahamak talaga." rinig kong bulong ni Kuya.

Sino ba si Yna at lagi kong naririnig 'yan buhat ng nakilala ko si Kuya JC? Mangkukulam ba 'yan? Kasi lahat na lang ng problema sa kaniya sinisisi eh.

Kinuwento ni Kuya kay Mommy kung anong nangyari.

"Ikaw si Pepero?" nagtatakang tanong ni Mommy.

Pepero? Masarap 'yun ah. (Pero sa totoo lang di ko pa natitikman 'yun)

Masarap daw eh di pa naman natitikman. Abnormal. Ano 'yan, binu-bluetooth mo 'yung taste buds mo sa box ng Pepero?

Alam mo, punyeta ka rin eh. Basag trip ka. Manahimik ka ngang leche ka!

Kpotassium

Wala akong saging kaya 'wag mo kong ma-pota-potassium diyan!

"Pepero?" nagtatakang tanong ni Kuya JC.

"Peps? Di ba naikukwento sa'yo ni Cookie 'yun? Peps, Pepero, Pepsi..."

Ang daldal naman ni Mommy. Secret lang dapat 'yun eh.

Biglang sumakit ang tyan ko. Oh no mamon na malambot. Tangna talaga.

Natatae ako. Syet.

Oo, kahit gwapo natatae din. Ang tunay na gwapo, tumatae.

Saan ba pwedeng umebak? Sa garden? Masyadong maganda ang garden para dun tumae.

Nakakabadtrip naman. Baka masilipan pa ako nitong si Mark.

Assuming ka taena. Natutulog 'yung aso eh.

Leche ka rin eh. Natural magigising 'yan.

AHHH DI KO NA KAYA!

Sa garden na nga lang! Bahala na si Batman! Lang'ya!

**

Bakit ba kasi inimbento ng Diyos ang pag-ebak? Pwede namang kain lang. Bakit kailangan pang jumebs? Nakakaasar ah.

At ang malala pa, wrong timing ang pag-tae ko. May dumaan kasi na pusa. Lecheng 'yon. Kagatin ko 'yun sa pancreas niya eh.

Hindi naman ako nakita ni Mark. Salamat naman.

Pupunta kami ngayon sa NAIA.

At sa kasamaang palad, iiwan daw ako kay Kuya JC. Sana naman daw hindi naman ako makarating ng China ulit.

Kung sinuman ang nag-imbento ng YuLin festival eh baka di ko mapigilang kagatin hanggang sa malagutan na ng hininga, punyeta siya!

Hindi na talaga ako lalabas ng bahay! Ayoko na! Traumatized na meh.

On the second thought, lalabas pa rin naman pala ako.

Hindi generous si Kuya JC sa kaniyang foods. Buti pa si Mark. Binigay niya lahat sa'kin 'yung pink na doggie biscuits niya. Sa sobrang generous niya, hinatian pa 'ko sa pagkain niya. 

HUHU *tears of joy*. Ngayon lang ako nakahanap ng kaibigang aso na namimigay ng pagkain!

Maibigay nga sa kaniya 'yung green kong biscuits. Syempre, give and take dapat.


___________________________________


Author: Uhm...pano ba mag-italic at bold letters dito sa PC? Sarreh. Baguhan eh. Cellphone ang lagi kong gamit. Perstaym sa laptop. Ge.

Ang Aso kong si SasukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon