Chapter 20

13 0 0
                                    

Fiesta ngayon dito. Naglakad-lakad ako sa plaza mag-isa kasi feeling ko napaka-gwapo kong aso at bakit hindi ko irampa ang aking kagwapuhan? HAHAHA!

Wala namang nakakapansin sa kagwapuhan ko. Tsk. Ang gwapo-gwapo ko eh bakit hindi nila ako mapansin? Hayys namang mga tao 'to. Di nakaka-appreciate ng gwapong aso. 

Napunta ako sa lugar ng mga lasing. Hala, delikado dito. Taena kasi si Author dito ako nilagay!

"Uy, parehhhh! Pulutan *hic* ohh! I-kaldereta na *hic* natin 'yong *hic* puting asong 'yun!" narinig kong sabi ng isang lasing na kumekendeng pa na nakaturo sa'kin.

Oh shit na malagkit.

Tangina takbo naaaaaaaaa!

"Oy 'yung pulutan natin umaalis na!!!" sigaw ng isang lalaki.

Mabalahibo lang ako pero hindi ako malaman! Hindi nga ako pinapakain ng amo 'ko tapos pinagdamot pa 'ko ni Kuya CJ ng Clover chips na pinaghatian pa namin ni Kenshin! Maawa naman kayo! Hindi na nga ako nakakakain tapos ika-kaldereta niyo pa'ko!

Hindi nga ako naging siomai sa China nung YuLin tapos maka-kaldereta pa 'ko dito sa Pilipinas! Hustisya naman mga pare oh! Sadista kasi 'yung author! Lagi na lang ako sinasaktan. (Hugot bhe?)

Habang tumatakbo ako eh may nakaharang na isang asong askal. AT TALAGA NAMANG SA GITNA PA NG KALSADA TUMAE! Magpapakamatay ka ba brad?

"OY PUNYETA UMALIS KA DIYAN MAKA-KALDERETA AKO!" tahol ko sa kaniya.

Agad naman siyang umalis kasi mukhang natakot sa mga humahabol sa'kin na may dala pang palakol. Tumabi siya sa daan at dumaan ako sa maliit na butas na sa tingin ko ako lang ang kasya. Aba, payat ako, fluffy lang! 

Pero nagulat ako ng may pumulot sa'kin. Tangina! Ano ba?! Lagi nalang ako target ng mga kidnappers, namumulutan tsaka nagbebenta ng mga aso! Ang saklap maging imported na aso, besang. Minsan naiinggit rin naman ako sa mga askal sa tabi. Wala silang pake du'n sa mga 'yun. Eh, pa'no naman ako?! 'Di ko kasalanang imported at gwapong aso ako. Nakakaiyak talaga.

Si Author ang may pakana ng lahat ng 'to!

(Author: Ang drama mo. Ituloy mo na 'yung storya mo ng matapos na 'ko!)

Storya ko 'to! Walang may karapatang magreklamo!

(Author: Jusko, humor ang genre natin, hindi drama. Ano ka, nasa MMK?)

Sabi ko nga 'di ba?

Pero itong dumakot sa'kin mukhang yayamanin eh. Ang puti, parang balahibo ko lang. 'Di mo malaman kung nag-gu-gluta ba 'to o deretso nang lumalaklak ng Zonrox eh. Pero mukhang foreigner. Ang tangos ng ilong, besang. Blue eyes pa! 

Pero malay mo contact lens? Pero neh, bihira sa lalaki ang magcontacts ng may kulay. 

Tinignan niya 'yung collar ko na may pangalan ko at address ko.  "You're Sasuke?" Tanong niya na may mala-imported na accent. Oo, ini-import na ang accent. Walang basagan ng trip.

Hindi siguro ako 'yung Sasuke na tinutukoy mo na may Sharingan at Chidori. Pero gwapo rin. Tsaka, Kuya, oo sasagot ako. Makipag-usap ba naman daw sa aso?

Nilabas ni Kuya Foreigner 'yung phone niyang--UMAYGULAY! Yayamanin! Naks, iPhone. Samantalang si Ate Cookie eh Nokia 3210 lang. May dinial ata siya kasi naririnig ko. Haler, lakas kayang maka-loudspeaker ni Kuya.

"Ah, sweetie?" Ay harujuskupo ang cheezy ng tawagan! Walang forever, magbe-break din kayo! "I found your dog......yeah.....WHAT?!" 

Wait.

What?!

Eto ba si Naruto'ng secret admirer ni Ate Cookie? But nah, Tagalog ang bawat sulat eh. Halata namang hindi 'to sanay magtagalog. O baka nagkamali lang siya ng napulot na aso? Kaso si Ate Cookie lang naman yata 'tong abnormal na papangalanan niya 'yung aso niya sa anime character. 

"You're already in Ireland?!" He said it out loud. "Cookie, you didn't leave me, did you?"

What. The. Hell?! WHAT THE ACTUAL HELL?!

INIWAN AKO NG AMO KO WAW! Ang bait ng amo ko di ba?! Lumipad ng Ireland samantalang ako muntik nang makaldereta! Diyos ko, Lord. Kasalanan bang maging gwapong aso?

"I'll go there." Sabi niya at pinatay ang tawag. Huwat.

Sino ba 'to? At bakit niya kilala si Ate Cookie? At bakit "sweetie"? 

_____________________________________________

Author: Ngayon ko lang 'to naisip. Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko~

Charewt. Hi to my Irish husbando~! HAHA lipad na ko sa Ireland nyeta ang init dito mamamatay na 'ko. Helpu! HAHA! Tsaka ngayon lang ako sinipag ulit magsulat. Yay.








Ang Aso kong si SasukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon