"Hoy, Sasuke, may pusa. Mukhang big time ang lahi nito." Bulong sakin ni Sakura.
"Wala akong pake kung big time yan. Pusa pa rin yan." Sabi ko.
"Hala, pag kinalaban mo yan, patay tayo!"
"Shet, nakalimutan mo na ba na aso ka? Kalaban natin ang mga pusa!"
"Hoy, ikaw." Sabi nung pusa.
"Ano?" Tanong ko.
"Akala mo makakaligtas kayo sakin, ha? Hah! Ang amo ko yata ang pinaka-mayaman sa buong mundo!" Sabi ng pusa.
"Oh? Ano ngayon? Sigurong mayabang yang amo mo." Sabi ko.
"Sasuke!" Pagpipigil sakin ni Sakura.
"Aba, tarantado ka, ha? Mabait ang amo ko, noh!" Sabi nung pusa.
"Kung ano ang amo, yun din ang alaga. Hahaha! Ptang'na mo naman, pakshet ka." Sabi ko.
"Ako, tinawag mong pakshet?!"
"Tsk. Bingi nya noh, Sakura." Sabi ko.
"Humanda ka ngayon!" Sabi nung pusa at sumugod.
***
"Look what your dog has done to my cat?! You'll have to pay for that!" Sabi nung 'mayamang' amo. Eh kaya pala eh. Chinese amputa.
Persian cat pa daw yon. Bla bla bla na wala akong pake. Bwiset. -_-
"I'm sorry, Mr. Sy. But my dog can't do that to your cat if your cat didn't do anything to my dog." Paliwanag ni Ate Cookie.
(Author: Pahirapan tayo nyan. Nosebleed -___-)
Hiramin mo yong translator nila Kuya Kyle.
(Author: Wag na)
"Are you saying that it's my cat's fault?!"
"Yes." Matapang na sabi ni Ate Cookie.
"I'll sue you for that! Magsasampa eko ng kayso!"
Ayy pakshet amputa marunong pala magtagalog!
"Ano daw? Magsasampa sya ng keso?" Tanong ni Sakura.
Hahahhahah napatawa ako dun.
"Edi magsampa ka! Gora! May attorney na ako. Kita nalang tayo sa korte." Sabi ni Ate Cookie.
"Where's your stupid lawyer?"
"Hoy! Sino ka para sabihan ako ng stupid?" Biglang entra ni Author. Whoa! Lawyer pala sya? Akala ko ba writer?
"You're that famous--"
"Yes, I am! Kung ayaw mong makulong, leave my children alone, you hear that?! LEAVE!"
Whoaaaaaaa! Pero wait, children talaga?
(Author: Oo. Mga anak ko kayo eh. Every fictional character in every story of mine is my child. Ganon ko kayo ka-mahal)
Awww, na-tats ako!
Natakot siguro yong matandang Chinese na yon kaya umalis na with his persian stupid cat. Badtrip sila. -___-
"KAYONG DALAWA!" Panimula ni Ate Cookie.
"Shit ka, Sasuke. Sabi ko sayo wag na eh." Sabi ni Sakura.
"Badtrip kasi yong pusang yon." Sabi ko.
"PERSIAN CAT YON! BIG TIME YON, ALAM NYO YUN DI BA?!....." Tapos sermon. Sermon. Sermon. Balak yatang mag-pari.
Nakita kong may binulong si Kuya Aj kay Kuya Kyle. Pumunta si Kuya Kyle sa ref na mukhang kabinet.
Kumuha sya ng ice cube rack tsaka ng isang bote ng tubig. Sinalinan nya yong pitsel.
Lumapit sya kay Ate Cookie at---
"ANO BA?! NAKAKADALAWA NA KAYO HA?! PARANG HINDI MALAMIG?!" Sigaw ni Ate Cookie kay Kuya Kyle. Kawawang eardrums. Sana mag-survive sa pagiging 50-50.
"Hindi gumana. Tsk." Sabi ni Kuya Aj. Nako, lagot.
Nakita kong may tumulong luha sa mata ni Ate Cookie. Umakyat sya sa taas. May kwarto kasi sya dito. Mansyon tong bahay ni Kuya Aj eh. Ikaw ba naman ang civil engineer?
"Nako, lagot ka, Kyle! Pinaiyak mo si Ate!" Biglang sabi ni Kuya Aj.
"Anong ako?! Ikaw tong nag-utos, ha?" Sabi ni Kuya Kyle.
"Inutusan kita? Sinugggest lang po kaya!"
"Bahala ka nga dyan!" Sabi ni Kuya Kyle at pumunta sa kwarto ni Ate Cookie.
Sumunod naman ako at--
"KYAAAAAAH! ANO BA?! PERVERT KAAAAA UMALIS KA DITOOOOO!" Sigaw ni Ate Cookie.
"H-ha?! Nagbibihis ka pala? Oo sige aalis na!" Nakita kong sinarado ni Kuya Kyle yong pinto. -____-
Alam nyo ba kung anong ginawa ni Kuya Kyle kay Ate Cookie kanina?
Binuhusan sya ng isang pitsel ng malamig na tubig. Lamig!
Sa tingin ko, mas bagay silang dalawa nina Kuya Kyle at Ate Cookie kesa kay Kuya Milo? Pwede ba yon?
Pero malay natin, tumandang dalaga si Ate Cookie. Kawawa naman.
_______________________
Author: Writer na nga, Doktor pa, ta's Attorney din? Dami kong profession. Mayaman kaya ako dyan?
Mas matanda si Kyle kay Aj pero hindi nya yon tinawag na Kuya. Walang galang mats. Ganon sya kalufet. HAHAHHAHA!
Hindi nga toh romance. Katiting nga lang. Konti lang. Mga 1/100000000. Wew. -___- Nakakaumay na kasi ang pag-ibig.
Yon lang ge
BINABASA MO ANG
Ang Aso kong si Sasuke
AléatoireAko si Sasuke at isa akong NINJA! De joke lang. Aso ako! Asong parang tao? LOL WAREWOLF? Kung ayaw mo ng pusa, tara, dito ka nalang! Kauri ka namin! Makiisa sa mga aso kahit wala kang sosyalin na breed! Aso ka pa rin! MABUHAY ANG MGA DOG LOVERS! WH...