BARANGAY POST #4.5 - BTS FANFIC {additional questions}

1K 46 3
                                    

Pahabol questions!

Ano po yung mga tips niyo para sa mga gagawa pa lang po ng BTS ff? kasi po may plano po ako na gumawa tiyaka first time ko lang pi gagawa baka po may tips po kayo? asked by MhallowsEverywhere

Honestly, wala ako sa lugar para magbigay ng tips dahil isa lamang po akong hamak na noob/amateur writer. Huehue Pero sige, ishshare ko iyong mga tips at reminders ko sa sarili ko tuwing nagsusulat kuno.


TIPS IN WRITING BTS FF THE DAKILANGSWAEG SWAEG STYLE. (redundant idc xD)

1. Kilalanin mo yung character na gagamitin mo.

Ex: If si Jungkook ang gusto mong maging character, read facts/fun facts about him. Nuod ka ng Jungkook Funny Moments sa Youtube, spazz ka about sa kanya. Anything na connected kay Jungkook! Kasi kapag nagawa mo 'to, mas madali kang makagawa ng scenario or dialogue. :) Mas madali if you start out with your bias, para damang-dama mo, di ba dibs? ;)

2. Read.

Ex: Magbasa ka din ng BTS Jungkook FF, para may idea ka. Pero tandaan, iba ang pagkuha ng inspiration sa pagkuha ng story. Okeh? Avoid plagiarism. Find the uniqueness in you.

3. Say no to clichés

Ayan! Payo ko na 'to ngayon sa sarili. Make twisting plots. Or kung wala ka na talagang maisip na bago, be creative!

Instead of: Late akong nagising, tapos nagmadali ako papuntang school. Nabunggo ko yung lalakeng sobrang nakakainis. Pero later on nagka-inlaban kami.

Try this: Late akong nagising kung kaya't late din akong nakapunta ng school. Akala ko malas ang first day dahil sa pagka-late ko, hindi pala. Dahil kasabay kong pumasok ang isang lalakeng gwapo. Kasangga ko siya sa pagiging late.Tapos nagkainlaban kami.

HAHAHAHAHA OMG ANG LAME NG NAISIP KO. XD

4. Keep your story in balance.

Wag masyadong pakilig, madrama, nakakatawa. Dapat kung may spice, dapat may magbabalance sa spice na yun. Kung may bitterness, add sweets.

Dear Dakilangswaeg, gawin mo din 'to please. Nagmamahal, Konsensya. :) HAHAHA

5. Maintain cliffhangers and thrill.

SHEMAY! Dito ako okay, sa pabitin. Hahaha always make sure na laging may aabangan na bago ang readers mo sa kada chapter. Cliffhangers are what makes readers think and read more.

6. Just have fun!

Mahalin mo ang ginagawa mo, yung characters na gagawin mo, yung scenarios, yung setting--LAHAT! Isipin mo na Diyosa ka at lumilikha ka ng mundong sayong-sayo lang. :)

Yay! Ayan, sana nakatulong ako :) Godbless sa story mo ah! Excited ako. HAHAHA okeh. May the swaeg be ever in our favor. :D

*****

Another question from MEANY_TINY23

"May tanong po ako bakit ang Dami NAGBABASA ng mga stories niyo,paano niyo po nakakalat?Thanks^_^"

- Uhh, di ko din po alam. HAHAHA Ewan, basta ako sulat lang ako ng sulat e. Pero yung tungkol sa pagpakalat ng story? Noon kasi meron akong dalawang active na ADVERTISER at PLUGGER. Sila mrskimseokjin and bangtantrash09. Mga matatalik at super supportive pero tahimik kong kaibigan sila dito sa wattpad. At first, hindi ako natuwa dahil kinakahiya ko ang story ko noon. HAHAHAHA olraaayt rock n' roll to the world! Hahaha pero ngayon, wala na po akong official adverstisers/plugger. Charot! tiga-vote ko nalang sila hahahaha tsaka busy na din sila. Besides, nakadepende naman na yan sa story mo e, kahit wag nang ipakalat kung maganda talaga, kusa yang makikilala.




From Hyungmwony0613

"May alam kang story na makatotohanan?? yung totoong idol sila then trainee si girl or fangirl sya. Oh kaya gawa ka ng ganun??? pleasueeee~~~ gusto ko kasi mga ganun"

- Kung Idol-x-ordinary girl po na plot, try reading I WANNA and ALL I EVER WANTED by littlemisstalkback. Suga FF.

- Dear Suga by SUGAMS :)

- Gawa ako ng ganun? HAHAHA actually, may PARANG GANUN akong story. Yung kay Jungkook. Kaso hindi fangirl ang bida, anti-kpop. So yeah. Try mong basahin yung FANGIRL'S DIARY, di ko pa yun nababasa pero maganda daw. :) Let's both try reading it KUNG di mo pa nababasa. :)


SALAMAT PO ULIT SA PAGTATANONG! ^^ GOODLUCK SA MGA STORIES NIYO!

Isa 'to sa mga wish ko-- ang mai-publish ang sarili kong Fanfic into a real book, tapos bibigyan ko si bias ng copy. O kaya papalagyan ko ng autograph niya. LIBRE MANGARAP ANO BA? ROCK N ROLL TO THE WORLD YEAH! xD



xxxxx

BTW, guyseu! Sino sainyo ang nagbabasa din sa asianfanfics? BOOK RECOMMENDATION: Basahin niyo yung 10080 --ops! Hindi yan BTS FF, isa yang EXO ChanBaek One Shot. :) PUTRAGES! UBOS YUNG KALAHATING TISSUE KO DAHIL DIYAN! Try niyo yun. :)

Ita-try ko pong ia-update yung PDJ, MPYASGD at TKTH asap, maybe after ng Midterms exam namin. Kapag medyo ayahay na. Hehe. Thank you and sorry po at the same time. :* kapit lang -dklngswg

Barangay BangtanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon