BARANGAY SCENARIO {3}

1.1K 63 26
                                    

Imagine 3: PLEASE KEEP IN MIND NA IMAGINE/SCENARIO LANG 'TO. PLEASE PLEASE PLEASE KASI MASAKIT KAPAG MAGING MAKATOTOHANAN ANG IBANG PARTS. HUHUHUHAHAHAHA~ LOVE YOU GUYS! *group hug*









Nakaupo ka sa harap ng vanity mirror mo. May mga luha sa iyong mga mata. May kung anong kumikirot sa loob-loob mo. Hawak-hawak ang luma mong iPad, may kung ano-ano kang iniscroll sa isang sikat na social networking site--twitter.

Pinunasan mo ang mga luhang umaagos, saka tumingin sa mga poster na dati'y nakadikit sa dingding pero ngayon nakarolyo na at nakalatag sa sahig. Ang dating pinagipunan mong mga poster, ngayon nasa sahig nalang. Ang dating iniingatan mong mga album ngayon nakalagay na sa isang box na may label na "for gifts".

Hindi ka pa handang magpaalam.

Pero kailangan.

Hindi ka makapaniwala na darating ang araw na kinakatakutan mo.


Hindi ka makapaniwala na masasaksihan mo ang pamamaalam ng iniidolo mong Bangtan Sonyeondan.


Isa kang avid ARMY. Halos buong buhay mo inalay mo na bilang pagiging fangirl. Naalala mo, noon, isa kang spazzer mapa-facebook o twitter man yan. Isa kang hokage noon pagdating sa new updates tungkol sa BTS. Yung tipong nalaglag lang bag ni idol, ibabalita na. Yung tipong nagkalapit lang yung dalawa mong shini-ship, uy hala ang dami nang meme, kesyo may forever daw. Yung tipong patay na patay ang feels mo tuwing may new MV. Hindi mo din malilimutan yung namemesteng ibang spazzer na nilalapastangan ka. Kukuha nalang ng info galing sayo, wala pang credits. Tapos sila pa galit. Pinagbintangan ka pang pa-famous. Oh di ba? The struggle is real.


Naglog-in ka sa daum cafe. Rich ka kasi kaya naging official fan ka. Oh di ba, hustisya sa pera.

Anyway, doon mo nakita kung paano nagluksa ang ARMY. Ang daming nagchachat sa BTS. Ang daming mga nagpopost. Ang daming nangyayari. Nagtrending pa sa twitter, naging usap-usapan ito sa buong mundo. Lahat nag-ingay.

Dahil lang sa isang balita.

BTS thanks fans as they separate ways and leave music industry.

Sobra talagang nadurog yung puso mo. Hindi ka naniwala nung una. Akala mo jongdae lang, bored lang yung fandom, akala mo pautot lang ng mga anti's. Pero hindi. Totoo. BTS na mismo ang nagconfirm.


BTS_twt:

Thank you, ARMY. Thank you for running with us until we reached the finish line. Gomawo.

#Jungkook #ARMYSaranghae


Seeing the maknae say goodbye, hindi mo na napigilan ang sarili mong maluha na naman. Isa siya sa mga "baby" mo kuno, natawag mong asawa, boyfriend etc.

BTS. Naging parte sila ng buhay mo. Multi-fandom ka pero sila ang sentro ng kpop life mo. Si Jungkook, ang maknae na pinakaiingatan mo. Ang fetus pero kung makaasta akala mo siya ang hyung. Why you gonna be so rude? Si V, ang tinatawag mong alien pero ang totoo isa ka rin. Sakanya ka natutong mabuhay ng kung ano ka. Yung walang arte, pakeme, walang pake sa kung anumang sabihin ng iba. Si Jimin? Sakanya mo natutunan maging competent. Sakanya ka natutong (hindi yadong) maging hardworking. Kay Jhope? Siya naman ang sunshine mo. Walang video ni Jhope na hindi ka natawa, maliban syempre kapag umiiyak siya. Natutunan mong laging nakangiti sa kabila ng kahit anong problema. Dasal lang talaga. Si Suga naman ang nagturo sayo na wag makinig sa sinasabi ng iba, trabaho lang ng trabaho. Sakanya mo natutunan na maging matapang at huwag umiyak sa mga bagay na hindi kapaki-pakinabang. Sa pinaka-oppa namang si Jin, sakanya mo nalaman kung paano maging maganda--dejk. Natutunan mong maging maalaga sa mga taong mahal mo, maging mapagbigay. At syempre walang tatalo kay Namjoon, ang leader. Marami kang natutunan sakanya. Kung paano huwag sumuko sa buhay. Kung paano magpursige. Kung paano maging matapang. At higit sa lahat kung paano maging matagumpay sa tinatahak mong daan para makamit ang iyong pangarap.

Barangay BangtanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon