BARANGAY SCENARIO {2}

1.2K 57 16
                                    




BTS Imagine 2

DISCLAIMER: Written information about the upcoming BTS concert such as concert tix price, seat rows and numbers ARE PURELY FICTITIOUS. Kaaningan ko lang para dama ang scenario. Gets na ha?  Wala pang released official tix selling date and prices. So chill. Inang will guide us lolhaha


*****


"What the flower!!" sigaw mo habang nakatutok sa laptop mo. Sobrang laki ng mata mo ngayon dahil sa gulat, nahiya na nga si D.O sayo, kulang nalang din lumuwa yan. Tapos nakanganga ka pa. As in kulang nalang maglaway ka. Mukha ka kasing asong ulol.


Hindi ka makapaniwala sa nabasa mo sa twitter.

The Most Beautiful Moment in our Kpop Lives will happen on July 30, 2016. #iponing | Happy Year of the Monkey!


Grabe, ateng. Di mo kineri ang news. Akala mo kung anong kaekekan ang sinasabi ng mga kaibigan mo sa facebook. Akala mo jinojongdae ka, akala mo pinapaasa ka na naman--pero hindi. Si Inang na kasi ang nagbigay ng hint.

"Okay, Jane, hinga ng malalim. Hinga. Inhale, exhale." nagpaulit-ulit ka sa kakasabi nun hanggang sa narealize mong ang baho pala ng hininga mo kaya tumigil ka na. Umayos ka ng upo sa swivel chair tapos humarap ka sa may dingding.

"Jungkook! Makikita na kita!" kinikilig mong sabi. Kung makapagsalita ka, akala mo nabulag ka ng ilang taon. Nakikita mo naman si Jungkook ah, sa screen nga lang. Sa picture sa twitter, sa buong internet, sa poster mo. Dun nga lang. Aww sad life bruh.

Hirap talaga noh? Ang hirap maging international fangirl. Yung kapag nanunuod ka ng video nila, beastmode ka kapag walang english sub. Tipong basic korean lang alam mo. Tapos kapag nagsabi ng, "Army-deul, annyeonghaseyo. Gwaenchanayo?" at naintindihan mo, feeling mo pro ka na. Feeling mo lang yun.

Lumapit ka sa poster ng sinasabi mong Jungkook tapos hinawakan mo yung ilong.

"Maknae, makikita na kita sa personal! Pwede na tayo magpakasal! Magkakaanak na tayo tapos sa Busan na tayo titira! Omg huhuhu Aylabyoo Jungkook, kulangot kong mahal~" mukha kang timang habang sinasabi mo yun. At ang OA mo pa. At isa pang comment ha, kadiri ang endearment mo sakanya.

Pero wala akong magagawa dahil narrator lang ako at alam ko ang pakiramdam ng pagiging fangirl kaya wag akong ano.


Pumunta ka kaagad sa may closet mo at kinapa sa kailaliman nito ang treasured chest mo na may lamang--SINGKWENTA?!?! Wow, ateng. Niloloko mo ba kami? Singkwenta para sa entrance fee mo sa Araneta? Singkwenta para makita si kulangot mong mahal? Nagpanic ka bigla. Kinapa mo ulit kasi baka nagkakamali ka lang.

Pero wala.

Umasa ka lang na merong nakalaan sayo pero wala. Anong napala? Wala. Nasaktan ka lang.

Luhaan lang umupo sa kama mo tapos nagtanong, "Baka pwede kong ibenta eyebags ko? 1kilo for 10,000?" as if naman may bibili. Lahat tayo may eyebags. Di nga lang kasing kapal ng sayo. Frustrated ka na. Kasi wala ka talagang pera. Magsasummer na, syempre kapag bakasyon walang baon edi walang pera at ipon. Patay tayo diyan.

Sa gabing 'yun, wala kang nagawa kundi mag-isip ng mag-isip ng paraan kung paano makaipon ng pera. Naisip mo na ngang magnakaw ng bangko, magscam at kung ano pa.

Pero naisip mo din na dapat sa mas legal na paraan, para mas worth it.

Tapos nakatulog ka na habang naglalaway.


*****


"Oy Jane, may concert daw BTS sa July! Pupunta ka?" tanong sayo ng kaibigan mong Kpop fan din.

Barangay BangtanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon