Missing TaeTae~ (1)
Sinundan ni V sila Aly at Ate Eps. Kelangan niya ng kasagutan kung bakit ganun ang trip ni Aly sa buhay, ang maging pipi. Sinadya ba yun ni Aly? O baka naman tinatakot lang siya?Baka nasa gag show siya. Naghihintay si V na may lumapit sakanyang tao para sabihan siya ng, "Kuya, tingin ka sa camera. Nasa Wow Mali ka". Kaso walang lumapit sakanya. Tengene mech.
Nasa harap na siya ng bahay nila Aly, isang flashback ang bumalik sa alaala niya.
---- 4 yrs ago.
"Taehyung! Ang tagal mo a! Iiwan kita dito!" Inarte ni Aly, feeling maganda kasi.
"Teka lang nga! Nakita nang pumipili pa ko eh." Sabi ni V sabay hanap sa stuff toys rack.
Nasa mall kasi silang dalawa. Nagshoshopping si V ng stuff toy na lion daw. Iniisip na nga ni aly na baka gay ang kaibigan niya, kasi kanina pa pili ng pili, wala namang nahahanap.
"Gotcha!" Sigaw ni V sabay yakap sa light brown na lion stuff toy. Aly just smiled at V's childishness.
"What's with the lion? Crush mo? Pakasalan mo na!" Amused na sabi ni Aly kay V na pina-pat ang ulo nung lion.
"Nope. Ikaw lang papakasalan ko." Sabi ni V, pero nakatuon pa rin ang attention niya sa stuff toy. Shet, nikilig si aly that time. Pulang-pula na yung fes niya, parang nasapak ni Hoseok sa pagkapula.
"Neknek mo! Lika na nga, bayaran mo na yan tapos kain tayo." Yaya ni Aly. Nagsalita siya para hindi awkward.
"Aly, alam mo ba kung bakit favorite ko ang lion?" Tanong ni V sakanya.
Aba! Malay ba ni Aly. Ikaw yung may favorite, tapos si Aly nitatanong mo? Matinde ka talaga, V! Tanga ka o tanga ka? Or both?
"Ewan ko sayo." Sagot ni Aly.
Oh di ba? Nganga ka! Nabara ka, Boy Elyen. :p
"Lions remind me of your uncombed hair in the morning which sways freely along with the wind. It reminds me of your fierceness and cuteness at the same time. Kung ang lion, king of the jungle... Ikaw naman ang queen of my heart." V smiled as he answered.
Speechless si Aly that time. Dahil sa sobrang kilig kaya siya napipi.
At dahil dun, joke lang yun.
-----
Nakatayo si V sa harap ng bahay nina Aly, matagal na siyang wala sa Pilipinas pero alam niya kung paano pa rin matunton ang bahay nila Aly. Ikaw ba naman, mahal mo tapos di mo alam kung saan nakatira? Push pa more ang pagiging stalker.
Nakita ni V si Aly na nakadungaw sa bintana, nang makita ng babae si V, nagulat siya. She motioned for V to come in. Ngumiti si V. Naisip niya na sobra na 'tong trip ni Aly sakanya. Naiinis na siya, pero di niya makuhang magalit. Mas nanginibabaw ang pagka-miss niya kay Aly kesa sa inis. Haba ng hair ni Ate! Kalbuhin ko siya diyan eh! Leshe..
Pumasok si V sa loob. Agad na kinuha ni Aly ang isang sketchpad.
Nagsulat siya
[Anong ginagawa mo sa labas?]
Binasa iyon ni V, agad naman siyang nagsalita.
"Sinundan kita, gusto kitang makausap."
Tumango-tango lang si Aly.
[Anong ginagawa niyo dito sa Barangay Bangtan?]
"Bakasyon lang. Pampa-destress."
Aly just smiled. Inilayo niya ang sketchpad, ayaw niya magsulat. Napapagod daw siya. Dejk.
"Aly... Ano bang trip mo yan? Nung umalis ako para tumira sa Korea okay ka naman ah. Bakit hindi mo ako kausapin? Yung as in nagsasalita. Hindi yung ganito."
kinuha niya ulit yung sketchpad, makulit kasi ang lahi ni V. Hindi gets na hindi siya makapagsalita. Bopols much.
[TaeTae..]
Napapikit nalang si V. Mas gusto niyang marinig ang boses ni Aly na tinatawag siya sa nickname na siya mismo umimbento para sakanya. Ayaw niyang nagbabasa, he wants and needs to hear her voice.
Aly put her hands on V's shoulder as if to comfort him.
[This is hard for my part as well.]
"Aly, wag kang mag-english. Korean ako, hindi American." Inarte ni V.
Inirapan lang siya ni Aly.
[Tanga ka pa rin sa english hanggang ngayon? Huh?] a smirk formed in her lips.
"Wag kang ngumisi diyan, hahalikan kita." Banta ni V sakanya. Quickly, her smirk vanished. Pakipot pa more! *insert mataray face here then flip hair. Hmpf!
"Aly... Alam mo ba kung bakit talaga ako nandito?"
[Sabi mo para magbakasyon. Ano ba talaga rason mo, Kim Taehyung? Niloloko mo ba ko?]
"Kalma lang! I came back for you."
[Lakas maka-english. Pasalamat ka kay Namjoon oppa sa pagturo sayo ha?] isang malapad na ngiti ang sumilay sa mukha ni Aly. V felt happy and relieved to see her smiling pretty face.
"Wag mo ngang asarin ang english ko, at least mas magaling ako kay Hoseok hyung."
[OMG! Nandito si Hoseok oppa?] lumaki ang mata ni aly, mukha siyang excited.
"Putrages naman! Kina-career na ni Hoseok hyung ang pagiging wrecker ha! Bias wrecker na siya ni Vanessa, natutuwa sakanya si Carmille yung sa MR. POPULAR YOU ARE SO GOING DOWN na story. Pati ba naman sa story ko, aagawan niya ko ng pwesto? Tang na juice naman oh!" Badtrip na sabi ni V.
[Hoy, umayos ka nga! Maka-VHope ako noh!]
"Peste! Sunugin kong ship na yan!" Wala, badtrip talaga si V. Panira moment kasi si Hoseok. Awww~~
[V]
Hindi tumingin si V sa sulat. Nilalapit ni Aly yung sketchpad kay V pero di man lang nililingon ni V.
[Hoy! Kim Taehyung!]
Wala talaga. Nahawa ng pagka-kemi si V.
[Alien V!]
Di pa rin. Feeling princess siya, inaagawan niya ng trono si Jin.
Isang impit na tunog ang lumabas sa labi ni Aly, niyuyugyog niya si V para mapansin siya.
"Ano?!" Inis na sigaw ni V sakanya.
Isang sulat ang bumulaga kay V, sulat na nasa sketchpad.
[I missed you, TaeTae.. *insert cute lion drawing here]
At sa isang iglap, nawala ang inis niya. Mas kinilig pa siya kesa kay Aly.
And as a reward, he kissed Aly on the cheeks.
[a/n: paramdam naman kayo dyan. Hahahaha comment, vote, share echos. Mwa xx thankyouuu haha]
BINABASA MO ANG
Barangay Bangtan
Fanfiction[Brgy. Bangtan ; BTS Randoms by dakilangswaeg 2015] Bangtan are dorks. Bangtan is weird yet talented. Be like bangtan! Enter Barangay Bangtan.