#BTSWingsTourInManila 2017 May 06
Hingang-malalim.
PUTANGINAAAAAAA~
End of diary. Kidding!
Hanggang ngayon na tapos na ang concert hindi pa rin ako makakalma. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na wala na ako sa MOA arena, na nasa dorm na ako nag-aaral na naman, may summer class. Ewan, ayoko pang tanggapin na natapos na ang concert. Parang ang bilis kasi bigla nung oras.
Wala na. Tapos na.
Pero hayaan niyo akong sariwain lahaaaaat nang nangyari simula sa announcement ng concert hanggang ngayon na nakatunganga ako sa fancams ko.
After mismo ng Epilogue last 2016, alam kong magcoconcert sila ulit dahil dun sa "We hope to see you in 2017". So ayun, hala si ako ipon na kaagad. Tapos si Inang drop ng drop ng hints, edi ayun sure na nga talagang magcoconcert. Kasama ko na din sa pag-ipon yung best friend ko ngayong college, tawagin natin siyang Ate FM.
10months akong nag-ipon ang thankful ako kasi naka-Standing na naman ako hehe tinatadhana talaga akong mag-standing palagi lol. Hindi ko rin alam kung paano ako nakaipon ng medyo marami basta ang alam ko siomai lang kinakain ko minsan kapag lunch hahaha.
Fast forward tayo sa ticket selling, APRIL 2.
6:30AM palang nasa SM Naga na kami, dun kami bumili ng ticket. At ang masaya talaga kapag tiga-probinsya ka, walang nagcacamping sa labas na fans hahaha. Umagang-umaga, nakuha pa namin nun magjogging paikot-ikot ng SM hanggang sa ikalawa ata naming ikot, may isa nang nakapilang ARMY. Iba din 'yon si Ate, una kung una hahaha pero kampante pa kami sa lagay na 'yun ah. Hanggang sa sumapit ang 8AM, tangina medyo madami na fans--mga 15 ganun, OO MARAMI NA YON BAKIT BA HAHAHA.
At dahil madiskarte kami, dun kami sa second floor entrance pumila hehehe. Ginawa nila akong runner actually, dalawang friend ko si FM and MF pumipila sa 2f, habang ako sa main entrance daw magbantay. Pagdating ko sa main entrance, putangina wala nang ARMYs, nasa loob na nung jollibee, sa loob ng mall. Takbo naman ako papasok + nagbreakfast na din hahaha
Ang sama nga ng ugali ko eh lol, kasi yung mga kaibigan ko pinapakiusapan si ate guard sa 2f na buksan na yung mall, habang ako chill lang sa jollibee, pa-coke float coke float lang ako nun sa rainbow HAHAHAHA
Pagpatak ng 9:00AM, dun nagsimula ang gyera. Hindi pa kasi pwedeng umakyat ng second floor pero yung mga fans as in tumakbo na paakyat. GG si Kuya guard ng SM, as in hinabol nila yung ARMYs tapos pinababa silang lahat. Sa sobrang shookt ko, hindi na ako nakatakbo din kasi pati crew ng jollibee nakikihabol na din (syempre mapapagalitan sila ng sm kasi bawal pa paakyatin ang fans pero hinayaan nila makaalis ng jollibee store yung fans kaya ayun dasi run run run din sila).
Nung nagtext yung kaibigan ko na ika-30 kami sa pila, naluha na talaga ako ng bongga kasi tangina ang layo?? Tapos na-guilty pa ako kasi ako pakain-kain lang dun tas sila sa second floor nag-dasi run run run na nga pero ika-30 lang kami. Gusto ko talaga nun sapakin sarili ko. Sabi ko kapag di kami nakabili ng tix, magwawala talaga ako sa SM hehehe shet buti nakabili kami.
SHOUTOUT:
Dun sa mga tanginang 8 ARMYs na sumingit kasama mga inay at itay nila. Utang na loob, gusto nakikisagutan pa para magtigil eh. Nakakainit ng ulo talaga. Yung feeling na may chance ako nun na umakyat din pataas at lamangan ang ibang ARMY pero pinigilan ko sarili ko kasi dyosa manners, as in kating-kati na akong tumakas dun kay kuya guard na nakatalikod nung mga panahon na yun sa may escalator pero hindi ko ginawa kasi may awa ako sa ARMY na pumunta din ng maaga. tAPOS KAYONG WALO KAYO AS IN PINILIT NIYO PA SARILI NIYO DUN! KAHIT KAPWA KO KAYO ARMY GUSTO KONG SABIHIN NA MUKHA KAYONG SINGIT! TINANDAAN KO TALAGA PAGMUMUKHA NIYO! HINDI NAMIN KASALANAN NA LATE KAYO NAGISING! AT DUN KILA INAY AT ITAY NA KINOKONSENTE PA MGA ANAK NILANG TAMAD PUMILA, MAWALANG GALANG NA PO PERO KINGINA NIYO RIN! Kunwari pa kayong magrereklamo-reklamo yun pala gusto lang isingit mga anak nilang walang ugali! Kung totoo kayong ARMY, dapat alam niyo kung ano feeling ng masingitan! Mga walang konsensya! Sana nadapa sa MOA yung walo na 'yun. Masama talaga ugali ko minsan sorry hahahaha
BINABASA MO ANG
Barangay Bangtan
Fanfiction[Brgy. Bangtan ; BTS Randoms by dakilangswaeg 2015] Bangtan are dorks. Bangtan is weird yet talented. Be like bangtan! Enter Barangay Bangtan.