Chapter 15

79.1K 1.3K 114
                                    

Dedicated to @ helloimpia

I can't endure to watch my father as he feeds the media with lies na pagalit kong pinatay ang TV. Ginamit niya ang sitwasyon na napatay ang dalawang tauhan nito to gain sympathy from masses. And how he pretend in front of the camera, crying with crocodile tears! Umiiyak ito habang nakikiusap sa mga kaaway niya sa pulitika na huwag kaming idamay na mga anak niya sa galit ng mga ito sa kanya, when in truth they just left me in the line of fire. At kung pinapahanap man ako nito ngayon, ito ay para ikulong sa mansiyon.

At higit sa lahat, hindi ko masikmura ang binibintang nito sa kampo nila ni Alex, na ang mga Ledesma ang may pakana ng kaguluhan sa kapitolyo para mawala siya sa landas ng mga ito. And my poor Alex, sumisikip ang dibdib ko habang pinapanuod ko ang panayam sa kanya kanina. Mahinahon pero matapang nitong sinasagot ang mga akusasyon ni Papa laban sa kampo niya, kahit nakakapikon na ang ibang mga katanungan na binabato sa kanya ng ibang reporters, who are obviously under my father's payroll. With their line of questioning, tinutumbok ng mga ito na sila ni Alex ang may pakana kahit walang ebedensiya at puro haka haka lang.

Pero may hinala ako na sina Papa at Gio ang may kagagawan ng lahat ng ito, na ang narinig kong pinag usapan nila kahapon has something to do with what happened today. But for what? para maipalabas lang na may banta sa buhay nila, lagyan ng drama ang pagkakandidatura nila ni Gio in expense of his men's life? and they found a convenient way to blame the Ledesmas dahil nagkataon na andun din sila when it happened.

Napahugot ako ng hininga dahil sa kawalan ng magawa, tumayo ako at lumapit sa bintana. Nakita kong nakatayo ang tatlong bodyguard na kasama ko kanina sa labas, alertong nagbabantay. If I came here in different circumstances, I would have appreciate the beauty of the surroundings of Alex's villa, the lushness of the greenery along the long drive way, but unfortunately not today.

Dito ako dinala ng mg tauhan ni Alex dahil na rin siguro walang ibang miyembro ng pamilya niya ang nakatira dito, dahil alam niyang hindi rin magiging maganda ang pagtanggap sa akin kung sa mansiyon ng mga Ledesma niya ako pinahatid.

Does Alex always knew na magiging ganito kalamig ang pagtanggap ng mga magulang niya sa akin, kaya para sa kanya hindi na importante na ipaalam sa akin ang pinakamalaking desisyun na ginawa niya, ang sumali sa pulitika. Because from the start, he doesn't see me as part of his future.

I felt the anxiety rising in my chest of where my thoughts leading me.

"Mam, nakahanda na po ang pananghalian ninyo." the maid interrupted me from my deep thoughts.

May bitbit itong tray, umuusok pa ang kanin at ang adobong ulam na niluto nito. My stomach growled at the sight of food, mula kaninang umaga pa walang laman ang tiyan ko, ni hindi ko nagawang mag almusal bago ako umalis ng mansiyon at ngayon ko lang naramdaman ang gutom.

Ngumiti ako sa katulong. "Salamat, pwedeng paki.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

The smell of soya and vinegar assaulted my nose that I felt the queasiness inside my stomach. The horrid smell made me gag na napatakbo ako sa banyo. I moaned as I vomitted, parang hinahalukay ang tiyan ko but nothing came out, only my saliva. I can taste the acid in my tongue. Everytime I thought it was over, another bout of nausea will hit me and I started puking again, my stomach clenched so hard that I'm afraid I'm going to break my ribs.

When I thought hindi na matatapos ang paghihirap ko, I slumped on the floor. Tired and nauseous. Pakiramdam ko nakasakay ako sa isang barko na dinuduyan ng malalaking alon na napapikit na lang ang mga mata ko, mahigpit na nakakapit sa bowl.

***

Naalimpungatan ako sa mahimbing na pagkatulog when something woke me up. Napatingin ako sa paligid, confuse of my surroundings. Ang huling natandaan ko ay nasa sala ako at nagpapahinga sa sofa and now, I'm lying in a huge comfortable bed, tucked under the sheet. I heard Alex's deep voice that I immediately got up, hindi ko man lang naramdaman ang pagdating nito at malamang, siya ang bumuhat sa akin at nagdala sa akin sa kuwarto.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon