Dedicated to @ Imapsychopath
Hinawakan ni Alex ang kamay ko na nakapatong sa kandungan ko at marahang pinisil ito. I turned to him. He's grinning from ear to ear that I tried to match his enthusiasm but my smile look strained because of nervousness.
Lalo na naramdaman ko ang mga pares ng mga mata na nakatutok sa amin at hindi nakaligtas sa mga ito ang kamay ni Alex na nakahawak sa kamay ko.
I waited for this moment, na finally ipakilala na ako ni Alex sa pamilya niya pero ngayong dumating na nga ang inaasam ko, hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko, para akong gigisahin habang kaharap namin ang magulang at kapatid na babae ni Alex. Though his mother was looking at us with a smile on her face, his father looked grim. And his sister...
I frowned.
His sister stared at me with loathing that I don't understand where that so much hatred coming from.
I felt an unsettling knot in my stomach and yet I tried my best to look calm and confident. To show to his parents na karapat dapat ako sa kanilang anak, worthy to be a wife of the future congressman.
I never been dying for an approval from others before. Ngayon lang.
"Paano naman kayo nagkakilala ni Alex?" malumanay ang boses na tanong ng Mama niya sa akin.
"Uhm, meron po kaming common friends. We met through them..Mam."
Her smile widened. "You can call me Tita Elaine iha, Mam is too formal." ngumiti ito kay Alex at binalik uli ang tingin sa akin. "I'm glad that we meet you finally Cassandra. I won't deny na nacu-curious akong makikilala ang babaeng bukambibig lagi ng anak ko. Alam mo bang hindi ko napigilan itong si Alex na mag extend pa ng isang gabi dito after he finished his commitments at bumiyahe kaagad ng Maynila dahil gusto ka ng makita ng anak ko. Ngayon naintindihan ko na kung bakit."
"Ma!.. Huwag mo naman akong ibuko kay Cass." Alex whined pero nakatingin sa akin at kinindatan pa ako nito na hindi ko mapigilan na sumilay ang mga ngiti sa labi ko.
Tumikhim ang Papa ni Alex kaya nabaling ang atensiyon ko sa kanya. "I heard from Alex na malapit ka ng magtatapos ng medisina. So, what's your future plan Cassandra?" seryoso nitong tanong sa akin. Walang bakas ng pagkagiliw sa mukha nito.
"I-I plan to work in healthcare run by NGOs or get involve in any non-profit medical organization po Congressman." pero sa kalagayan ko ngayon, hindi ko alam kung maiisakatuparan ko kaagad ito. Pati ang pangarap ko na mapasama sa mga volunteers ng Doctors Without Border will remain a dream dahil hindi ko pwedeng iwan si Alex at ang anak namin.
Alex father nodded his head. "Good..good, bata pa kayo at may mga pangarap. Huwag muna kayong magpakaseryoso sa relasyon ninyo at baka makakasira lang ito sa mga plano ninyo. Lalo na si Alex, our party has a bigger plan for him."
I swallowed hard. The meaning is clear behind his words.
I'm not good enough for his son.
Alex stiffened beside me. "Why Pa, there's nothing wrong kung maging seryoso man kami ni Cass dahil nasa tamang edad na kami and not teenagers anymore. Besides, my personal life has nothing got to do with politics."
"Di ba gusto mo pang magtapos ng abogasya? and once you are a congressman, mas lalong magiging busy ka sa obligasyon mo sa mga nasasakupan mo and a distraction is the least thing you need."
"Cass is not a distraction Papa, soon she's going to be my wife!" madiin ang bawat salita na binitawan ni Alex.
"Pangs.." nasa tono ko ang pagmamakaawa.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Enemy (Completed)
Genel KurguWarning: Mature Content. "W-why?" my voice croaked dahil sa pinipigilan kong umiyak. I need to know. Kahit masakit, kailangan kong malaman ang dahilan. "I never love you." He smirked. "Ginamit lang kita at nagpagamit ka naman. You are so stupid and...