Dedicated to @ jimmychoochoo
Ginala ko ang paningin sa paligid, kuntento na naging matagumpay ang dinaos na okasyon dahil maagang natapos ang medical mission na hinandog namin para sa mamayan ng Barangay Isidro, mula sa libreng kunsoltasyon, minor surgery at libreng gamot, pati na rin dental services ay sakop na rin ng Libreng Kalinga Foundation.
Ang pribadong organisasyon na tinatag ko, pero si Olivia ang tumatayong chairman at kasalukuyang namamahala nito para hindi mahaluan ng pulitika, at mapanatiling malinis ang adhikain ng organisasyon.
Maraming dumagsang mga tao kanina para magpagamot at laking pasalamat ko na lahat ay nabigyan ng mabilis na serbisyo, dahil na rin sa tulong ng maraming volunteers na sumali sa organisasyon. Hindi lang ang may mga sakit ang binigyan namin ng pansin ngayong araw na ito, we prepared a program with entertainment and prizes, para lahat ay mapasaya namin.
At ang lahat ng ito ay dahil kay Cass.
Tinupad ko ang isa sa mga pangarap niya, ang makapagbigay ng libreng lunas sa mga taong mahihirap na may sakit. At sa loob ng dalawang taon mula ng tinatag ko ito, halos nalibot na ng organisasyon ang lahat ng sulok ng bansa para magbigay ng libreng serbisyo sa mga nangangailangang maralita.
"Water, Kuya?" Olivia showed up from behind me and handed me the bottled water from her hand.
I took it from her, uncapped the bottle and drank it. Kung hindi pa ako binigyan ng tubig ng kapatid ko, hindi ko man lang naramdaman ang pagkauhaw. Mula kaninang umaga hindi ko man lang nagawang kumain o uminom ng tubig sa sobrang abala.
"Nasaan na sina Mama?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong maubos ang tubig.
"Nasa tent na Kuya, kasama si Atty. Galvez."
"Salamat Liv, hindi ko akalain na marami ka na palang volunteers na mga medical professionals." sabi ko sa kapatid ko without looking at her.
My eyes glued to the little girl that ran past in front of us. Her hair was bouncing at umaalingawngaw ang matinis na boses nito na tumatawa habang tumatakbo.
Alessandra..
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng maalala ko ang anak namin. The girl reminds me of my daughter, they are of the same age.
Kung kapiling ko lang sana ang mag ina ko ngayon.
"You should thanks Dave, Kuya. He's the one who smooth talked all these volunteers to join the foundation."
Napatango ako sa sinabi ni Olivia. Dave himself are very active member of the organization, walang palya itong sumasama sa mga outreach program para ibigay ang libreng serbisyo nito.
Sino ang mag aakala na ang lalaking matinding pinagselosan ko nuon ay maging isang mabuting kaibigan ko ngayon. Pagkakaibigan na pinagbuklod ng pagdadalamhati. Like me, he mourned for his lost love at alam kong hindi pa rin nito nakakalimutan si Cass hanggang ngayon.
Napatingin ako kung saan ito nakatayo. Kasalukuyang kausap nito sina Liza, Bryan at Janet. Napabuntong hininga ako. If Cass is watching us right now, siguradong masaya ito dahil pinagpatuloy namin, ng mga kaibigan niya ang pangarap nito.
But what does she thinks of me?
Napapatawad na ba niya ako? hindi pa ba sapat ang pagsisisi ko sa nagawa kong pagkakamali, at paghihirap na dinadaranas ko sa pagkawala niya. Until when I'm going to suffer for my mistakes.
I glanced at my sister.
Masaya na ito sa buhay niya ngayon, nahanap na rin nito ang kapayapaan ng isip at kalooban. When Cass disappeared, nagdesisyun itong lumabas bilang isa rin sa mga biktima ni Gio Fuentebella, para lalo pang madiin at mapatibay ang kaso laban sa demonyong iyun.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Enemy (Completed)
General FictionWarning: Mature Content. "W-why?" my voice croaked dahil sa pinipigilan kong umiyak. I need to know. Kahit masakit, kailangan kong malaman ang dahilan. "I never love you." He smirked. "Ginamit lang kita at nagpagamit ka naman. You are so stupid and...