Dedicated to @ gwynnegwynne
I hope because of what Alex did in the last chapter, pinatawad niyo na siya sa ginawa niya kay Cass at mahal nyo na uli si Alex :-)
Atty. Galvez's POV
Ten hours.
Ten agonizing hours we stayed vigil outside the Intensive Care. Naghihintay ng walang katiyakan, walang kasiguraduhan. At habang tumatagal, mas lalong tumitindi ang pangamba namin.
That Alex might not survive.
Lumabas na ang mga doctor na nag opera kay Alex kanina para ipaalam sa amin ang kalagayan nito. They managed to stop the bleeding, pero hindi nila matanggal ang bala sa ulo Alex dahil sa pamamaga ng utak niya.
The next twenty four hours is critical for Alex, if he can pull through despite the injury on his brain, then he will survive. But the doctor warned us, even if he live, there might be a consequence because of the damaged on his brain, and a possibility that he will be in vegetated state for the rest of his life.
This knowledge has added to our worries.
Nagkagulo na rin sa labas ng ospital dahil natunugan na ng mga media ang nangyari sa Congressman at may kanya kanya na silang haka-haka tungkol sa insidente. Kaya napilitan humarap sa media si Bryan, ang tumatayong abogado ni Alex para magbigay ng statement na isang aksidente lamang ang nangyari, kailangan pa rin nilang protektahan ang imahe ni Alex.
"Herman, hindi ko kakayanin kung mawala ang anak natin, hindi ko kaya pag iniwan tayo ni Alex."
Kung kanina lang ay puro hikbi ang naririnig ko, ngayon lumakas ang mga iyak sa paligid ko ng magsalita si Elaine, ang Mama ni Alex. Higit sa lahat, ito ang mas naapektuhan sa nangyari kay Alex dahil mas masakit para sa isang ina ang mawalan ng anak.
"Huwag tayong mawalan ng pag asa Mama, ginawa na ng doctor ang lahat ng makakaya nila para iligtas si Kuya. He's strong, kakayanin ito ni Kuya Alex."
"Hindi mawala ang takot sa dibdib ko..how can the doctor save him kung siya na mismo ang ayaw ng mabuhay." hagulhul ng ina ni Alex, samantala ang Papa nito ay tulala lang na nakayakap sa asawa, he's struggling with the possibility that he will lost his son.
My conscience can't bear to witness the scene that I stood up and went to stand next to Mike. Nakatayo ito sa pinto na may parisukat na salamin, hindi pa nito nagawang palitan ang duguang damit.
Dugo galing sa sugat ni Alex.
Nanghihina na tumabi ako sa kanya at sumilip sa salamin. I can't hold back the tears as I watched Alex in the hospital bed.
His head and half of his face is covered with bandage, tube inserted on his mouth at may mga apparatus na nakadikit sa dibdib nito, the wire connected to the screen that show his heartbeat. It's faint and weak.
Malayo ang lalaking nakahiga sa loob sa Alex na kilala ng mga tao. Sino ang mag aakala na ang isang kilalang matapang na Congressman ay magpapakamatay ng dahil sa pagmamahal sa isang babae.
No one.
"I hope I was not too late." mahinang sabi ni Mike sa akin. "Naging ugali na ni Congressman ang pumunta sa lugar na iyon, sa ilog. Minsan kalahating araw ang ginugugol niya na nakaupo lang sa tabi, tahimik lang ito habang nakatingin sa kawalan. When I followed him there, hindi na ako nagtaka o nag alala. Kaya pala ayaw niyang magpasama, yun pala may pinaplano ito.."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Mike, you have done the right thing. Sabi ng doctor, he'll be dead on arrival if you have not applied the first aid to Alex to stop the bleeding, ginawa mo na ang makakaya mo para mailigtas si Alex." pampalakas ko ng loob dito.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Enemy (Completed)
Ficção GeralWarning: Mature Content. "W-why?" my voice croaked dahil sa pinipigilan kong umiyak. I need to know. Kahit masakit, kailangan kong malaman ang dahilan. "I never love you." He smirked. "Ginamit lang kita at nagpagamit ka naman. You are so stupid and...