I survey the room tensely.
Natingnan ko na lahat ng sulok ng kuwarto kung saan pwedeng magtago ng mahahalagang bagay si Papa but my search proved to be fruitless. Hinalughug ko na rin pati ang opisina nito pero wala akong makitang safe.
At imposibleng wala siyang paglalagyan ng mga importanteng dokyumento nito, especially those documents contains irregularities na hindi basta basta mapasakamay ng ibang tao. Kaya naisip ko na tama si Mike, may sekretong lugar na pinagtataguan si Papa.
I started tapping the walls, the floors, looking for hollowed parts, pati ang mga paintings na nakasabit ay hindi ko pinatawad, tinanggal ko ang mga ito. Nagbabaka-sakali pero bigo akong makita ang hinahanap ko.
Alam kong nandito lang sa silid na ito nakatago ang safe. Paranoid at segurista ang demonyo kong ama, hindi niya iwawalay sa paningin nito ang isang importanteng bagay. Why he keep the hard drive kung pwede naman niya itong sirain at itapon, dahil alam niyang kaya pa ring i-recover ang video kahit nabura na ito.
He keep it, para masigurado na walang may makakaalam ng sikreto ng pamilyang ito.
Pati banyo hindi ko pinatawad, I already searched the entire place and came up with nothing. Giving up is the last thing in my mind and this is my last chance para mahanap ko ang hard drive.
Dahil hindi na ako babalik sa impyernong lugar na ito.
Bumilis ang pintig ng puso ko ng mapadako ang mga mata ko sa closet cabinet, the only place remaining na hindi ko natingnan. Mabilis ang hakbang na lumapit ako at agad itong binuksan, rows and rows of suits and barongs greeted me. Tulad ng mga nauna, mabusisi kong tiningnan lahat ng sulok, lahat ng drawers, pati mga bulsa ng jacket o pantalon ay tiningnan ko. Pero bigo ako.
Nanlulumo na napasalampak ako sa sahig at nanghihina na napasandal sa dingding. Finding the said hard drive proved to be difficult, ilang buwan na bang hinahanap namin ni Mike ito pero hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung saan ito nakatago.
I was going to admit defeat and was going to leave the room when something struck me, dali-daling binuksan ko uli ang cabinet at hinawi ang mga damit na nakasabit sa hangers, nanginginig ang mga kamay na kinapa ko ang manipis na kahoy na nagsisilbing dingding nito sa likod, it moved slightly from my touch kaya sigurado akong pwede itong tanggalin. I tried to remove it in different ways until when I slid the wood horizontally na tuluyan itong bumukas.
Halos mapaiyak ako sa tumambad sa akin. Nakapasok sa butas ng sementadong dingding ang hinahanap ko, ang safe ni Papa.
Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang stethoscope na dala ko sa bulsa. I came prepared. Ilang beses ko ng pinag aralan sa internet kong paano mabubuksan ang isang safe, even if I don't know the code. And luckily for me, ang safe na nasa harap ko only requires three combinations.
Humugot ako ng malalim na hininga. Dinikit ko ang stethoscope sa harap ng safe, finding a spot where the sound is more audible as I rotate the dial. When I found the perfect spot, tinutuk ko ang zero sa arrow and move the dial into clockwise, nakatutuk ang mga mata ko sa bawat numero na dumadaan sa arrow at matamang nakikinig sa stethoscope, waiting for the clicking metallic sound.
I used the sleeves of my shirt to wipe the sweats dripping on my face.
The lack of ventilation inside the closet added to my discomfort na nahihilo na ako. Hindi ko alam kung ilang minuto o inabot na ako ng oras sa loob. Nangangalay na ang mga kamay ko pero hindi ko makuha-kuha ang pangatlong kumbinasyon. The numbers he used as passwords are unfamiliar to me, it's not a combination of important dates like most people do, kaya hindi ko kayang hulaan ito.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Enemy (Completed)
General FictionWarning: Mature Content. "W-why?" my voice croaked dahil sa pinipigilan kong umiyak. I need to know. Kahit masakit, kailangan kong malaman ang dahilan. "I never love you." He smirked. "Ginamit lang kita at nagpagamit ka naman. You are so stupid and...