Chapter 34

60.4K 1.1K 106
                                    

Dedicated to @johnnynhe


Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng kapilya ng hindi ko namalayan, basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa kalsada.

Walking blindly.

In daze.

Hindi alintana ang mga taong nakakasalubong ko sa gilid ng daan, all I could see is his face. The despair and anguish in his eyes as he begged for my forgiveness habang sinasabi sa akin na hindi siya mabubuhay ng wala ako.

I did not believe him then.

Mas pinaniwalaan ko ang mga masasakit na salita na binitawan niya ng gabing iyun, ng gabing tinalikuran niya ako at ang mga anak ko.

He always told me how much he loves me.

That I'm his life.

I took his words lightly. Dahil ang pagkakaalam ko ay mas ako ang nagmamahal, mas ako ang maraming sinakripisyo sa relasyon naming dalawa.

Napatigil ako sa paglalakad. Napapakit ako ng umagos na naman ang panibagong luha na lumalabas sa mga mata ko.

Bakit hindi ko man lang naisip na totoong ganun niya ako kamahal, na posibleng mahalin niya ako ng higit pa sa buhay niya. How weak his heart is when it comes to me, na kaya niyang isakripisyo ang buhay nito para makasama lang ako.

I was blind.

Binulag ako ng galit ko, ng pandidiri sa sarili ko dahil sa kababuyan na nangyari sa akin.

Hindi ko alam na may isang tao pala na higit na nasasaktan, sa kagustuhan kong magbagong buhay para makalimutan ang lahat ng mga bangungut na nangyari sa akin, there's one man who suffered so much when I left.

"Oh Alex..I'm sorry."

Kahit manghingi ako ng tawad sa kanya, huli na ang lahat. Hindi niya na malalaman ang kasalanan at maalala ang mga pagkukulang ko.

Masaya na ito sa buhay niya..masaya na ito sa piling ng kaibigan ko.

The thought lessened the heaviness in my chest.

Janet will take care of him. Nuon pa man mahal na siya ng kaibigan ko at alam kong hindi siya pababayaan nito.

She will not turn her back to Alex when he needs her..like I did to him.

Nagsimula na ang marahang pagpatak ng ulan na napatingala ako sa langit. My tears mix with the drizzle of the rain. The cool drops sooth my heated, tired eyes.

If only the rain can also wash away my pain, my sorrow.


Nakatayo kami sa gitna ng mga nawasak na mga kahoy at yerong nakakalat sa lupa. Walang natirang bahay na nakatayo sa buong barangay, pero patuloy pa rin ang buhay ng mga naninirahan dito, trying to make do of what remains of their former home. Pinagtyatyagaan ang mga natitirang gamit na hindi naanod ng baha.

"Congressman, we can suggest to Mam Olivia na maglagay din ng mobile clinic dito sa Barangay Malinaw at magsagawa din ng relief operation."

Tumango ako sa sinusuhestiyon ni Tanya ng hindi nakatingin sa kanya, I don't even know if I heard her right, since my eyes fixed on the woman standing on the other side of the road.

Nakuha nito ang atensiyon ko as she just stood still, staring ahead, oblivious of her surroundings habang umiiyak ito. Kahit anong pilit ko. To look away from her pero parang may magneto ang babae na hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa maamo nitong mukha.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon