Halos dalawang oras na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas sina Alex. The anxiety I feel was eating me up and draining my energy. Hindi ko alam what's happening inside, kung ano na ang kalagayan ng mga magulang ni Alex dahil wala akong mapagkuhanan ng impormasyon.
Hindi rin nakakatulong sa nararamdaman ko na mataas ang tension dito sa loob ng hospital, kung saan nakakalat ang mga tauhan nila Alex, mahigpit na nagbabantay. May mga unipormadong pulis din akong nakikita. Pati reporters ay namimilit ding makapasok sa loob ng ospital pero agad din silang naharangan ng mga pulis.
Hindi ko kayang manatiling nakaupo na lang habang naghihintay kaya kanina pa ako palakad-lakad sa kahabaan ng pasilyo, trying to ease the tension in my body.
Naisipan kong ilabas ang cellphone ko sa bag, sa sobrang taranta at pag alala ko nakalimutan ko ng tawagan sina Liza. Siguradong nag aalala din ang mga yun kung ano na ang nangyayari.
My brows furrowed when I opened my cellphone and saw a lot of missed calls from Mike.
I stood in the corner na hindi masyadong matao and dialed his number. Medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa inaasahan kong magandang balita na ihahatid sa akin nito.
Finally, abot kamay ko na ang hustisya para kay Mama.
"Akala ko ba sigurado ka? pinagplanuhan na natin ang araw na ito ng mabuti, Mike." maligalig na wika ko.
"The last minute nagbago ang plano ni Gov. at sinama ako papuntang Maynila. Pero ang taong kausap ko ay nandiyan na sa San Diego, ang problema na lang ay kung paano siya makapasok ng mansiyon."
Napakagat ako ng labi.
Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito na makuha ko ang hard drive. At kung totoo man na may kinalaman si Papa sa nangyari sa parents ni Alex, posibleng may makuha akong ebedensiya para makatulong kina Alex para malutas ang kaso.
"Ako na ang makikitagpo sa taong kausap mo." buo ang loob na pasya ko. "Siguraduhin mo lang na hindi babalik agad sina Papa dito sa San Diego para walang problema."
"Mukhang walang planong bumalik kaagad diyan ang mag ama Cass, narinig ko na isang linggo silang magtatagal dito sa Maynila.."
Napatango ako.
"Sabi mo mapagkatiwalaan ang tao mo Mike, ipapadala ko sa kanya ang mga ebedensiya na makukuha ko. Hindi ko pwedeng dalhin ang mga yun dito sa hospital at nagkakagulo dito, delikado pag aksidente na mapasakamay ito ng iba." pagbibigay alam ko.
"Yes Cass, you can give it to him at alam niya na ang gagawin. Cass..how's Alex's parents? It's all over the news at puro haka-haka lang ang mga lumalabas sa tv."
"I don't know Mike, kahit ako walang alam tungkol sa kalagayan nila." I prayed that they will survive this.
Dahil hindi ko alam ang maaring gawin ni Alex pag may nawala ang isa sa mga magulang nito, lalo na kung may kinalaman si Papa sa nangyari.
Mataman pa rin akong nakatingin sa telepono na hawak ko pagkatapos kong makausap si Mike.
His contact will come here in the hospital at susunduin ako para magkasama kaming darating ng mansiyon. This way, malaya itong makakapasok ng mansion dahil iisipin ng mga guwardiya na bisita ko ito.
Ang po-problemahin ko na lang ay kung paano ako makaalis at makabalik dito ng hindi mapansin ni Alex.
Malapit lang ang bahay namin sa hospital at kung tama ang sabi ni Mike na kayang buksan ng tao niya ang safe sa loob ng isang minuto. I will be in-out of the hospital sa loob lamang ng isang oras.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Enemy (Completed)
General FictionWarning: Mature Content. "W-why?" my voice croaked dahil sa pinipigilan kong umiyak. I need to know. Kahit masakit, kailangan kong malaman ang dahilan. "I never love you." He smirked. "Ginamit lang kita at nagpagamit ka naman. You are so stupid and...