Fan ako ng isang gwapong musikero at miyembro ng sikat na banda—si Joseph. Sumikat siya sa twitter at facebook, maging sa Instagram, snapchat at kung saan saan pang social networking site. In short, isa siyang internet celebrity dahil doon ay napapadalas na ang paglabas nila sa mga shows sa TV dahil sa laki ng fanbase nila. Ang gwapo niya kase. Sobra.Nung una ay hindi ko man masyadong pinagtutuonan ng pansin ang mga posts tungkol sa kanya. Lagi nga siyang trending sa twitter pero hindi talaga ako nagkaron ng interes na alamin kung sino iyong Joseph na yun.
Pero isang araw...
"Ate, alam mo yung classmate kong si Jane? Tinweet daw siya ni Kern. In-add niya pa sa facebook," sabi ng kapatid kong si Sunshine habang nagtitwitter ako. Nakatingin din siya sa monitor ng PC ko.
Kern?
"Sinong Kern?" I ask her.
"Ate naman. May Twitter ka, Facebook, IG... di mo alam?" sabi niya.
"Malay ko ba kung sino yun," itinuloy ko ang pagssurf ko at pinagkibit balikat ang tanong ng kapatid ko. Ayun tweet lang ng tweet. Papansin sa mga artista at lalo na dun kay Hiro na crush ko. Hindi ko pa namimeet si Hiro. But he's a social media darling and most tweeted student athlete. He's got the looks and oh! Did I mention he's most thrilling prospect for Philippine Basketball?
"Alam mo yung Kairos?" tanong niya sakin. Nasa likuran ko siya. Tinigtignan yung sa desktop ko.
"Kairos? Laging trending yun sa twitter. Bakit?"
"Yun! Kasali doon si Kern. Grupo yun ng limang lalaki na magagaling sumayaw at ubod ng gwapo! Kaya nga sila sikat ngayon, e." Kinikilig pa itong si Sunshine sa impormasyon niya.
"Hindi ko alam yun e. Lagi ko lang nababasa yung name na yun kaso di ko na pinapansin."
"Ate talaga. Akala ko ba basta gwapo kilala mo?"
"Nagkataon lang na di ko sila kilala. Baka kase di man sila talagang gwapo. Baka nadadala lang ng pagiging magaling nila sa sayaw at kumanta kaya maraming tumitili sa kanila." Litanya ko.
"Bakit di mo tignan sa twitter mga picture nila? And see it for yourself?" hamon ng kapatid ko.
"No, just a waste of time. May assignment pa ako."
"Sus! Sabado kaya bukas. Kapag nakita mo sila. I'm sure kakainin mo mga sinabi mo." Then, umalis na si Sunshine sa likuran ko.
Ngumuso ako at ginawa ko nalang yung assignment ko. Pero di ako makapagconcentrate. Nabobother ako na tignan yung picture nila. Na-curious tuloy ako sa sinabi ng kapatid ko. Why not look at their pictures? Wala namang masama diba? Ayun nga, I type KAIROS sa search box.
Ola! I saw them.
Ni-click ko ang link ng website na tungkol sa profile nila. At totoo nga, gwapo silang lahat. Nakita ko si Kern—chinito. Cute siya, pero parang bata pa. Kutis mayaman sila. Ang gugwapo pa. Tiningnan ko lahat ng mga pictures nila. Napako ang tingin ko sa isang solong picture. Maraming retweets at favorites. Andami pang nagcomment.
He's so attractive... may something sa mata niya na di ko maexplain.
Bukod sa kagwapuhan niya'y nakadagdag sa appeal niya iyong alimpuyo niya sa sa gilid ng mukha niya at iyong dimple pa niya.
Dayne Joseph C. Vidal
Ang gwapo talaga.
"Akala ko bang gagawin mo yung assignment mo kahit Sabado bukas?"
Napatalon ako sa kinauupuan ko sa biglaang pagsulpot ni Sunshine. Nasa likuran ko.
"Ate ah. Akala mo." Nakapamaywang siya habang nakangising aso sa akin.
"Sshhh. Shut-up." Iritang sabi ko sa kanya.
"Yan si Joseph. Ang gwapo niya no?" sabi ng kapatid ko. Nakadisplay kasi yung picture ni Joseph, agad ko namang c-in-lose yun. Hiyang hiya naman ako.
"K." sabi ko naman.
"Nagwagwapuhan ka sakanya no? Aaminin mo." Sabay tusok sa tagiliran ko.
"Oo na, gwapo nga siya."
"Crush mo na siya?" Itinaas baba pa niya ang kanyang kilay. Loko talaga itong kapatid ko!
"Isa!" bugaw ko.
"Iffollow na niya niyan." Asar.
"Sumbong kita kay mama."
"Sige lang ate, pagpantasyahan mo siya. Okay lang. alam kong hanggang dun ka nalang e."
"Ikaw Sunshine ah!" Naiirita na ko sa kapatid ko.
"Sinasabi ko lang ang totoo ate. Gwapo siya. Eh ikaw?" sabi niya saka siya umalis.
Binato ko sa kanya yung unan. Pero huli na. nakalabas na siya ng kwarto Alam ko namang pangit ako e. Bakit kailangan pa niyang ipangalandakan?
Madali akong maattract oo, lalo nasa mga gwapong maputi at mejo chinky yung mata nila. Di ko alam kung bakit. Finollow ko si Joseph. Saka ako nagtweet.
Now following one of the cutest creatures here on earth. Joseph.
Tweet.
Pumunta ako sa profile niya. Single. May pag-asa pa—wait as if naman. Nakita ko yung Facebook link niya sa profile. In-add as friend ko kaso puno na. Kaya nagfollow nalang ako. Over 100K na yung followers niya. Di man siya sikat no? Tiningnan ko yung mga pictures niya. I just can't help it.
Ang gugwapo niya sa mga picture niya. Maraming likes maraming shares maraming comments. Ako? I choose none of those, dinownload ko lahat ng pictures niya. Ipapakita ko 'to sa mga classmates ko, tapos, sasabihin kong siya ang boyfriend ko.
Andami niyang fangirls. May pag-asa pa kayang mapansin niya ako?
BINABASA MO ANG
Fangirling Overload [COMPLETED]
FanfictionThis is a story of a fangirl who fell inlove with his idol. Will he catch her? //ongoing edit