Naadik na ako sa pagttweet.
Yung bang napakadesperada ko para lang ma-replyan niya lang ako. Nakalimutan ko na nga yung admiration ko kay Hiro dahil kay Joseph.
Isang araw naka-LS (livestream) siya. Agad agad nagjoin ako. Nagulantang ako nang makita kong 13k views ang kanilang live streaming. Paano na niya ako mapapansin niyan?
Tweet lang ako ng tweet. Baka sakali mapansin niya ako. Malaking bagay na yun. Hindi baleng mapudpod ang letra ng keyboard ng laptop basta mapansin lang niya ako.
Joseph, notice me. ilang beses ko ng tinweet yan. Wala parin. I have a little chance pero sige lang. Padami na ng padami ang views. Pakonti naman ng pakonti ang chance ko na mapansin niya ako. Binuksan ko ang chichirya na naiwan ni Sunshine sa kwarto ko. Kukuha na sana ako nangbigla akong matigilan nang marinig ko ang pangalan ko.
"Hi Sandra."
Napakurap pa ako ng ilang beses bago naproseso ang sinabi ni Joseph. Napatili ako at nagtatalon talon!
Boses niya 'yun! Binanggit ni Joseph ang pangalan ko!
Natigilan ako sa pagsuntok ng maraming beses sa unan ko nang marinig ko ang pagkatok ni mama sa pintuan. "San! Napapano ka?" Sigaw niya mula sa labas. Ang lakas yata ng tili ko?
"Wala po!" Sabi ko nalang at pinakalma ang sarili.
Sayang nga lang at di ko narecord. Gusto ko sanang ipagmayabang sa mga klasmeyt ko. Akala nila, di porke pangit ako, wala ng papansin sakin?
Hindi naman kasi ako palaayos at head turner. Hindi ako ganoon kaganda. Totoo naman, pati nga si mama hindi ako sinasabihan na maganda ako. Tanggap ko naman.
Di na naman ako makakatulog ng maayos nito dahil sa kay Joseph. Nag-offline na sila tapos na rin ang live stream. Dapat pala nirecord ko yun tapos ginawa kong ring tone.
Worth it naman. Kase fruitful yung pagtu-tweet ko ng maraming beses kay Joseph.
Pinatay ko na ang laptop at saka humilata. Sa phone nalang ako nagbrowse ng Facebook feed at Twitter. Mayamaya ay bigla akong nakatanggap ng chat mula sa kaklase ko. Picture ng isang doodle na gawa niya. Pangalan ko ang dinoodle niya.
Ang galing ng pagkakagawa niya! Pinasalamatan ko siya at sinave ko sa phone ko iyon.
Makagawa nga rin ng doodle art? Para kay Joseph.
Sinindi ko ulit ang ilaw. Kinuha ko ang sign pen ko at drawing book. Una kong ni-lettering ang pangalan ni Joseph at saka na nilapatan ng mga disenyo. Isa't kalahati rin ang ginugol ko para matapos ang doodle. Nilapatan ko pa ng shading para magmukhang 3D. Alam niyo na, cartoonist kasi ako, eh.
Nag-unat unat ako at saka in-scan ang doodle art. Inupload ko iyon sa twitter at nakamention si Joseph.
"Made this for you with all my heart. Hope you'll like it. Good night."
Sana makita niya. Mapansin niya...
With a smile on my face, I slept.
--
Alas nueve na nang magising ako kinabukasan. Wala sina mama, umalis. Naghatid ng order. Online seller kasi si Mama. Sa Divi siya kumukuha ng binebenta niya at mabuti nalang, maraming customer si mama.
Heto nga't mag-isa lang ako dito sa bahay. Naligo ako saka naglinis para hindi ako mapagalitan ni mama at masabihan na tamad. After finishing the chore, nagtambay ako sa sala at saka ako nag-online.
Nagulantang ako sa dami ng mga notifications na pumapasok sa phone ko nang in-on ko ang wifi. Anong meron?
Chineck ko ang twitter ko agad dahil doon maraming pumapasok na noti. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang profile ko...
BINABASA MO ANG
Fangirling Overload [COMPLETED]
FanfictionThis is a story of a fangirl who fell inlove with his idol. Will he catch her? //ongoing edit