Tinignan ko ulit yung interations ko. Imagine? Si AJ Rafael na original na nagkanta nung We Could Happen, pati Members ng KAIROS, followed me back? Trending din ang #WeCouldHappenCover. I couldn't ask for more now. Sobrang saya ko.
Nakita kong naka-livestream sila pagka-online ko. Nag-join ako agad. Mabuti at konti palang yung views. Sakto namang We Could Happen yung kinakanta nila. Nakakatuwa sila. Ang kukulit.
Nagtweet ako: "Whoa! #WecouldhappenCover"
After awhile, 5000 na yung views. Nagtweet ako ulit dahil hindi ako napapansin, wala, desperadang tagahanga, eh. Nagkakantahan at nagkukulitan parin silang lima.
"Hi Joseph."
After few seconds of hitting the enter, someone noticed my presence.
"OMG! Is that Sandra?" tanong nung isang viewer.
Sunod sunod na yung ganun tweet. Hindi naman marami, few of them are asking if it's really me. Maya-maya ay nagsimula na silang magshout-out. Iba't ibang names ng mga nagviview sa LS nila.
Nagtweet ulit ako. Di kasi nila ako pinapansin e.
"Ako naman. :("
Nang biglang...
"Special mention to Ms. Sandra, the one who made a cover to our favorite song We could happen. Ang cute mo ate girl. Sana mameet ka namin once. Keep on trending it. Hashtag We Could Happen." Si Kern.
Pigil ang tili ko nang sabihin iyon ni Kern. Nakakainis dahil kinikilig ako. Hindi ko alam kung normal pa ba ako.
"Oo nga, sana sa GT nandun ka," sabi ni Joseph. Then, ayun na. Marami ng nagtweet na naiinggit sila sakin. Nagreply nga ako. (GT/Get Together)
"Sure!" sabi ko nalang. Pero diba sa Manila pa yun? Hindi ko alam kung sasakto ba yung pera ko papunta doon. Magastos pa naman ako kapag nagbibyahe. Madaming pagkaing binabaon.
"Taga saan ba si Sandra?" tanong ni Gio (member din ng KAIROS) kay Patrick(Member). Ako pinag-uusapan nila?
Sa sobrang saya ay hindi ko na masabi kung taga saan ako.
"Hindi ko alam," Kibit balikat ni Patrick.
"Sandra, message mo ako kung taga saan ka," Si Joseph.
Through private message, I told him my location.
Joseph: "Medyo malayo."
Hindi ko na macontain itong kilig ko dahil hindi ko in-expect sa pagiging fan girl ko na makakachat ko itong idol ko. I dreamed about it but I didn't expect it to happen in reality.
Natigilan ako nang maalalang may lakad nga pala si mama sa Manila next week. Sinasama niya ako para bisitahin ang tita ko doon pero tumanggi ako dahil mas gusto ko dito sa bahay nalang sa week end.
So, eto... Sasama na ako.
Ako: "Next week po baka makapunta ako jan sa Manila."
Joseph: "Really? Good then. I'll meet you. Or we."
Ako: "Weh?"
Saka ko lang narealize gaano ka-silly iyong reply ko sa kanya.
He sent an emoji which made my heart sink. So, end of conversation na? But then my heart raised when I say three dots in the message box. He's typing!
Joseph: "Yup! ...So when are you coming?"
Ako: "Saturday po."
Reply ko agad. He's taking so long in replying. Naiintindihan ko naman dahil nagla-livestream sila.
Joseph: "Okay. Sakto, may practice kami nun. We can meet. Where exactly will you be?"
Ako: "sa QC po."
Joseph: "Landmark?"
Ako: "SM North."
Joseph: "Ayun! I'll fetch you there kung okay lang then sabay na tayong pumunta sa studio. That fine?
Ako: "More than fine po :D ♥"
Teka, ang landi yata ng reply ko? Maiintindihan naman ni Joseph siguro iyon dahil crush ko naman siya. And!! What did he just say? Sabay kaming pupunta sa studio? I'll see them practice? This excites me to bits!
Joseph: "HAHA. Kantahan mo kami ha?"
Ako: "Ay, nahihiya ako."
Joseph: "sasayawan ka namin." What? Talaga?
Ako: "HAHA! Ganon? Sige ba!"
Ako: "Excited na ko sa Saturday. 3 sleeps to go."
Naghintay ako ng ilang minuto para hintayin ang reply niya pero wala. I went back to check their livestream pero natapos na iyon. Kahit hindi siya nagpaalam ay sobrang okay na ako dito dahil nakausap ko siya, take note: PM pa.
I guess I'll have a good night sleep.
BINABASA MO ANG
Fangirling Overload [COMPLETED]
FanfictionThis is a story of a fangirl who fell inlove with his idol. Will he catch her? //ongoing edit