One month na ang lumipas since nung nameet ko ang LCM. For the past month, lalo ko silang nagiging close. Kahit thru internet lang kami nagkakausap. Si Joseph? Madalang nalang kaming magkausap nun, di tulad nung dati. Ang sakit nga eh. Ajujuju! Pero ang mas masakit ay yung nagpost siya ng picture with a girl.
I quote.
“Here @ starbucks. Chillin with @CelineES ♥”
Nakita ko yung picture nila. Magkatabi sila, stolen shot, super magkadikit sila. Natatandaan niyo pa ba si Celine? Siya daw yung ex ni Joseph. Iniyakan ko yan. Yang picture na yan? I cursed the day I have seen that picture. Sobrang sakit kasi. Alam ko wala ako sa lugar para magselos, fan lang kasi ako diba? Saka anong panama ko kay Celine? Maganda siya, model, sexy. Ako? Nahh. Wala. Hanggang gitara lang ako.
Oo nga pala, Sem break na namin. Hehehe. 2weeks kaming walang pasok. Malapit na din yung GGT nila. Pupunta kaya ako? Why not? Hindi naman para kay Joseph ang pagpunta ko sa GGT kundi para sa LCM.
Pupunta ako kung susunduin ako nina Kuya Louie. Yes, sabi nila kuya Louie susunduin nila ako. Kasama niya si Ate Joanne, the day before the GGT. Tapos matutulog daw ako kina Ate Joanne dun sa condo niya. Sinabi ko yun kay mama. Pumayag naman siya. Kilala na niya kasi si Ate Joanne, yung mama kasi ni Ate Joanne ay bestfriend nung tita ko sa Manila.
Okay na, kaso ang problema, kung masusundo nila ako. Hay, sana matuloy ako. Sa Wednesday na kasi yun e.
May sasabihin pala ako sainyo. Hm. Bago na cp ko. XD Binilhan kasi ako ni papa. Reward ko daw kase I’m getting high grades. Top 3 nga ako sa klase e. Di na Samsung yung cp ko. Naka-iphone 5 na ko. :))
Yun. Tapos na kwento ko. Nagtweet muna ako.
“hay -.- di ka na nagpaparamdam no? invisible na ko sayo. Kawawa ako. T___T”
Niretweet ng LCM yun, pati si Joseph. Tae. Why did he changed? Porke sila na ulit ni Celine, kakalimutan na niya ako? Teka, sino ba ako para maalala niya diba? Wuh! Nagriring yung cp ko. Si Kuya Louie.
“Hello?”
“Sandra. We’ll fetch you tomorrow. Pupunta kami ni Joanne jan, pakisabi na din kay Tita tapos itext mo sakin yung exact address niyo no para mapuntahan ka namen.,”
“Sige kuya. Salamat.”
“Ge, baba ko na to.”
Yehey! Makikita ko na ulit sila! Yes! Makikita ko na din si Joseph ulit, kahit di niya ako pinapansin. Pero kahit ganon, mahal ko pa rin siya no. Ansaya, si Kuya Louie pa susundo sakin.
Ayi! Lumabas ako agad sa kwarto ko. Tinawag ko si mama. At sinabi ko sa kanya yun.
“o sige, ayusin mo na gamit mo hah?” sabi niya.
“opo ma. Hm thank you thank you pretty mom.” Kiniss ko siya sa cheeks.
“Sus, nambola ka pa.” sabi nila sakin tas kiniss din niya ako sa cheeks.
“ako walang kiss mama?” si sunshine.
“Syempre, meron din si Bunso.” Kiniss din ni mama si Sunshine.
“ma, bakit ako di mo ako pinasama?” sabi ng kapatid ko.
“Kase bata ka pa.” sabi ni mama.
“ih. Di ko pa nakikita si Kern ng personal e.” sabi niya.
“Sunshine, atlis nakakachat mo siya diba? Maybe next time payagan ka na ni mama.”
Tumango si Sunshine. I love her, open minded siya. No need to argue with her. Naiintindihan naman niya kung bakit ayaw siyang pasama niya mama e.
Maya-maya nagtweet si Joseph..
@DayneJoseph: Most people choose to keep distance to the one they love for them to avoid heartaches.
Tama. Niretweet ko iyon. Minsan, naiisip ko.. parang sinasagot ni Joseph yung mga tweets ko through quotes. Pero, siguro nagkataon lang na may relevance yung mga tweets niya sa mga tweets ko.
Miss ko na talaga ang lalaking ‘yun. >__<
***
I guess this is the shortest update ;)
BINABASA MO ANG
Fangirling Overload [COMPLETED]
FanfictionThis is a story of a fangirl who fell inlove with his idol. Will he catch her? //ongoing edit