“upo kayo.” Sabi ni Ate Jo. Umupo naman sila. Tsk! Naman! >____<
“Babe, samahan mo naman ako sa labas. Bili tayo ng meryenda natin.” Niyaya ni K. louie si Ate Jo. Hm! They’re making a way para makapag-usap kami ni Joseph. Naman!
“Sige babe. Hm Baby Sis. Jan lang kayo, we’ll be back.” Sabi ni Ate Jo. Saka sila umalis.
Silence. A very awkward silence. Binasag ko ang katahimikan.
“Gusto mo ng juice? Pagtitimpla kita, wait lang.” sabi ko. Akmang tatalikod na ako at lalakad papuntang kusina ng maramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.
“Sandra, dito kalang.” I look at his eyes. May lungkot sa mata niya. Para akong nahypnotize kaya sumunod nalang ako sa sinabi niya. Umupo kami sa sofa.
“Sandra, sorry kung naputol communication natin this past few days.” Pagsisimula niya. Days? Correction, weeks kaya. Hmp!
“Ah, yun ba? Wala yun. Sino ba naman ako para magalit. Don’t worry its okay with me.” sabi ko with bitterness on my voice.
“Sandra, kung alam mo lang bakit ko ginawa yun.”
“Kase, kayo na ulit ni Celine.” Argh.. Naku.. celine, celine.. siya talaga ang ‘The One’ ni Joseph.
“No, hindi kami nagkabalikan. Hindi yun yung rason.” Sabi niya.
“Bakit? May iba pa bang dahilan?” tiningnan ko siya.
Matagal kaming nagkatitigan. Pero iniwas ko ang tingin ko sakanya. Baka kasi sa pagtitig kong iyon, masaktan lang ako.
“ah, kumusta kana?” tanong niya. Iniba niya yung topic.
“okay lang ako. Ikaw ba?”
“Ayos lang.” napatingin siya sa kamay ko. “Akala ko di mo na sinusuot yan..” sabi niya habang nakatitig sa bracelet na binigay niya.
“Lagi ko ‘tong suot. Kahit san ako magpunta.” Sabi ko.
“Kahit na kapag magkasama kayo ng boyfriend mo? Suot mo parin yang bracelet?” tanong niya.
“Boyfriend? Wala ako nun. Paano mo nalamang may boyfriend ako?”
“dun sa picture na niretweet mo nun.” Sabi niya. Anong picture yon?
“hah? Alin yun?” tanong ko. Inopen niya yung twitter niya sa cp niya tapos hinanap niya yung sinasabi niya.
“eto,” pinakita niya sakin.
Ang sweet nina Kuya Joji at Ate @Sandzzz!(picture namin ni joji na tinuturuan ko siyang maggitara,.)
Napa-smile ako. Kay Hannah tweet yon.
“Joji is not my boyfriend.” Sabi ko. Binalik ko sakanya yung cellphone niya.
“then, who is he?” tanong niya.
“classmate ko siya, nagpapaturo siyang maggitara dahil lalaban siya ng Mr. Intrams.”
“oh! Akala ko bf mo.” Sabi niya.
“hm, kayo ni Celine kumusta?” tanong ko. Nag-iiba na mood ko. Oomph! Natahimik siya bigla. Parang ayokong marinig yung sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Fangirling Overload [COMPLETED]
FanfictionThis is a story of a fangirl who fell inlove with his idol. Will he catch her? //ongoing edit