Part 14.

666 11 0
                                    

“Ate, nahihiya ako.” Kumapit ako kay Ate.

“sus! Baby sis naman eh. Excited ka lang niyan. Kase makikita mo na si Joseph mo.”

“ate naman eh. Mang-asar ba?” Pumasok na kami sa Studio. Nakita namin silang nagpapractice. Apat lang sila. Nawawala yung isa. Hinanap ng mata ko si Joseph, pero bakit wala siya?

“nandito na pala sila eh.” Sabi ni Kuya Louie. Nagstop sila sa pagpapractice.

“ui! Sandra!!!!” tumakbo papalapit sakin sina Gio at Pat. Hinug nila ako.

“Akala ko di ka na dadating. Ang cute mo padin!” sabi ni Gio. Saka sila kumalas sa pagkakahug sakin. Saka kinurot yung pisngi ko. Panggigilan ba?

“ui. Wag niyong yayakapin si Sandra baka mahuli kayo ni Joseh, saka wag kang brutal, Gio. Baka matanggal pisngi ni Sandra. Lagot ka kay Joseph.” Sabi ni Kern. OA? Bakit puro Joseph ng Joseph? Nasan ba yun? Nakakamiss na siya.

“Sorry naman, namiss lang namin si Sandra.” Sabi ni Pat.

“namiss ko din kayo. Gumwapo kayo lalo.” Sabi ko naman na tumatawa lang.

“sus, boladas ka talaga Sandra. Kaw nga jan ang gumaganda eh.” Sabi ni Gio.

“ikaw hah Gio, wala akong pera. Sensia ka.” Sabi ko at nagtawanan kami.

“Tara sa café?” nagyaya si Kern.        

Nagpunta nga kami sa café. Nag-order sila.

“kumusta ka na?” tanong ni Gio.

“okay lang. hehe. Kayo?” tanong ko. Saka ako humigop ng coffee shake.

“eto, namiss ka.”

Isang pamilyar na boses ang nagsabi non. Wala ni isa sa kanila ang nagsabi non. Napatingin kaming lahat sa may pintuan. Nakita ko ang may-ari ng boses na yun..

Alam niyo yung muntikan mo ng may mabuga yung ininom mo kasi nakita mo siya. Sino pa nga ba, edi si..

Si Joseph. Papalapit siya.

“Hey, tol! Bat ngayon ka lang?” tanong ni Gio kay Joseph. Umupo si Joseph sa bakanteng upuan. Sa may tabi ko. Shock ako. Di ako makapagsalita. Parang umurong ang dila ko.

“Pinuntahan ko kasi si Celine e.” sabi niya. Aray. Gusto kong umiyak. Ang sakit. Tumingin sakin si Ate Joanne. Parang tinatanong niya kung okay lang ako. I just smiled.

“Ah, Hi Sandra, kumusta ka?” tanong sakin ni Joseph habang nakatingin siya. Naiilang ako.

“o-okay lang, ikaw?.” sabi ko nalang. Di ako makatingin sa kanya ng deretso.

“nagkakailangan yung dalawa oh!” sabi ni Kuya Louie. Nakita kong sinukuhan siya ni Ate Joanne dahil napa’Omph’ si kuya.

“Mabuti naman.” Sagot ni Joseph.

Nag-order si Joseph ng pagkain niya.

“Excuse me, magccr lang ako” nagpa-excuse ako. Nagpunta ako ng cr. Unti-unting pumatak ang luha ko na kanina ko pa pinigilan. Masakit, sobra. Bakit pa kasi ako nainlove sa kanya e? bakit sa kanya pa na imposibleng mainlove din siya sakin? Kung sanang pinigilan ko ang nararamdaman ko sa una palang, edi sana di aabot sa ganito. Bakit kasi ang lakas ng loob kong magpakita sa kanya? Alam ko namang bibigay din ang puso ko pag nakita ko siya.

Fangirling Overload [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon